CHAPTER 12-PART 01; Kuyaaaaa 2.0

63 5 9
                                    

Tawa sila ng tawa ni Julien nang pumasok sa kusina upang kumain ng agahan. Maaga siyang nagising at magaan ang kanyang pakiramdam. Nakita siya ng binata at niyayang maglakad-lakad sa subdivision. Ayon pa rito ay matagal na napahinga ang katawan nito sa ehersisyo magmula nang pumunta ito ng Thailand. Sumama naman siya sapagkat wala siyang ginagawa.

Hindi nga niya alam kung paano siya nakatulog matapos ang naganap sa pagitan nilang dalawa ni Uno kagabi. Daig pa niya ang baterya na full charge dahil hindi siya nakaramdam ng antok at pagod. She could say she's still in cloudnine. Pagpasok nila sa komedor ay nadatnan na nilang kumakain si Uno.

Naunang umupo sa kanya si Julien at binati ang nakababatang kapatid. "Good morning, brother," nakangiti nitong wika. Hindi sumagot si Uno at marahang tango lamang ang isinukli sa bati ng kuya nito. "Why are you still standing? Come on, let's eat, Chas," yaya naman ni Julien sa kanya. Iminuwestro pa nito ang upuan sa tapat ng kapatid. Tumalima naman siya.

Ingat na ingat pa siya na hindi makagawa ng ingay nang hilain ang upuan bago siya makaupo. Mabilis siyang tumingin sa gawi ni Uno at napag-alaman na hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Mukhang wala ito sa mood at naisip niyang may kinalaman iyon sa tawag na natanggap nito kagabi.

She suddenly remembered the kiss between her and Uno last night. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na lalagyan na naglalaman ng kanin. Mabuti na lamang at mabilis na naagapan ni Julien ang kanyang kamay. Kinuha nito mula sa kanya iyon at ito na mismo ang naglagay ng kanin sa plato niya.

"Careful," paalala pa ni Julien sa kanya. Tumango na lamang siya at hindi na sumagot.

Palihim siyang sumulyap kay Uno at walang ekspresyon ang mukha nito nang tumingin sa kanya. Ni hindi man umabot ng tatlong segundo ang tingin ipinagkaloob nito sa kanya. Aba't ang hinayupak, may attitude samantalang ang aga-aga. Hinayaan na lang niya ito at mamaya na lang niya kokomprontahin.

Tumayo na si Uno at napansin niyang hindi na nito tinapos ang pagkain. Mukhang wala nga sa mood ang binata. Parang bumalik na naman ang dating bugnutin at masungit na Uno na nakilala niya. Gayunpaman ay hindi siya nagsalita. Nakamasid lamang siya rito samantalang ang mga mata nito ay naka-focus kay Julien.

"Tapos ka na?" tanong ni Julien sa kapatid.

"Yes," maikli nitong sagot.

"Stay here for a while, then. Magkwentuhan muna tayo."

"No, thanks."

"Okay."

Nakikinig lamang siya at tahimik na nagmamasid sa magkapatid. Nagkibit-balikat si Julien at hindi na kinulit pa ang nakababatang kapatid. Hindi pa rin siya sinulyapan kahit saglit man lang ni Uno bago ito lumabas ng komedor. Nagtatakang sinundan pa rin niya ito ng tingin hanggang sa mawala na ito ng tuluyan.

"Jowa mo may mens," ani Julien mayamaya.

Mabilis na dumako ang tingin niya rito at nagtatanong ang kanyang mga mata dahil sa tinuran nitong iyon. "Po?" naguguluhan niyang sambit.

"Inaway mo ba si Uno kagabi?" tanong ng binata sa kanya. Ni hindi nag-abalang sagutin ang tanong niya.

"Po?"

"Wala," tugon ni Julien sabay ngiti ng matamis. "Kumain ka na lang."

Gustuhin man niya na puntahan si Uno ay hindi niya magawa sapagkat ayaw niyang bastusin si Julien. Hindi naman niya maaring iwan ito ng basta. Isa pa, paano kung magtanong ito sa naging aksyon niya? Anong paliwanag na lamang ang ibibigay niya rito? Well, sigurado naman siya na makikita niya si Uno pagkatapos niyang kumain kaya minabuti na lamang niyang ipagpatuloy ang kanyang agahan.


TATLONG magkakasunod na katok ang ginawa ni Chastity sa pintuan ng kwarto ni Uno. At tulad ng nakagawian niya ay hindi na niya hinintay pa na sumagot ang binata. Binuksan na niya ang pintuan at pumasok doon.

Nakita niyang nakasandal sa headboard ng kama si Uno with his laptop on his lap. He stared at her for a second and that's it. What's with the cold shoulder? May nagawa na naman ba siyang mali? O sinabi na hindi nito ikinatuwa?

"May masakit ba sayo, Sir Uno?" mahinahon niyang tanong rito. Marahan niyang sinara ang pintuan ng kwarto atsaka sumandal doon.

"Wala," sagot nito at nanatiling nakatingin sa laptop nito.

"Ayaw mo ba 'yung ulam kanina?"

Umiling lang ito at hindi sumagot.

"Badtrip ka ba?"

"No."

"May sinabi po ba ako na hindi ninyo nagustuhan?"

"Nothing."

"May nagawa po ba akong mali?" makapigil-hininga niyang tanong. Pinipigilan niyang tumaas ang kanyang boses. Hindi niya maaring patulan si Uno ngayong may tantrums ito. Kailangan niya itong pagpasensyahan at kung bakit ay hindi niya alam. Kahit naiinis na siya sa naging asal nito ay kailangan pa rin niyang kausapin ng malumanay ang bugnutin niyang alaga.

"Now we're talking," tugon ng binata.

"Po?" Hindi niya napigilan na mapakunot-noo sa naging sagot nito.

Uno placed his laptop on his bed and looked at her. "May pangiti-ngiti ka pang nalalaman," anito na tila nagmamaktol.

"Ha?" naguguluhan niyang sambit. Teka nga, anong problema nito? tanong niya sa sarili.

"Mukhang masaya ka kanina, ah."

Kanina? Daig pa niya ang bumubuo ng puzzle sa mga sinasabi ni Uno sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit-- Sandali nga, nagseselos ba ito sa nakatatandang kapatid? Hindi naman niya mapigilan ang kiligin dahil doon. Bahala na kung totoo iyon o hindi basta maganda sa pakiramdam na ayaw siyang nakikita ni Uno kasama ni Julien. Napangiti siya ng malapad at ang nagsalubong ang kilay ng binata tanda na hindi nito nagustuhan iyon.

"Don't smile at me like that," suway nito sa kanya na lalo lamang nagpalawak sa kanyang ngiti. Kulang na lang ay mapunit ang kanyang bibig sa lapad ng ngiti niya.

"Nagseselos ka ba?" lakas-loob niyang tanong. Hindi umimik si Uno kaya naman minabuti niyang ulitin ang kanyang tanong. "Nagseselos ka ba kay Sir Julien?"

Tumayo si Uno at unti-unting lumapit sa kanya. Napalunok naman siya at nag-iwas ng tingin. Baka kasi um-over feeling naman siya sa sinabi niyang iyon. Bakit ba kasi ang hilig niyang magmukhang gaga sa harapan ni Uno?

"What if I say 'Yes'?" tanong ng binata sa kanya. Nang dalawang hakbang na lang ang layo nila sa isa't isa ay huminto ito at hinihintay ang kanyang magiging sagot.

Napatanga siya sa tinuran na iyon ni Uno at hindi makahagilap ng lakas upang sumagot. Muntik na rin siyang huminto sa paghinga at daan-daang daga ang tila naghahabulan sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon.

"Paano kung nagseselos nga ako kay Kuya? Anong gagawin mo?" magkasunod na tanong ng binata sa kanya.

Eternally YoursWhere stories live. Discover now