CHAPTER 11-PART 02; Ringtone.MP4

64 5 8
                                    

ILANG sandali na ang nakalipas magmula noong iniwan sila ni Julien sa veranda ngunit wala ni isa sa kanilang dalawa ni Uno ang nagsasalita. Nabibingi na siya sa katahimikan na nababalot sa pagitan nila at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Ni hindi niya magawa na tingnan ng diretso ito sa mata. At dahil doon ay isa lang ang naisip niyang sabihin. Hihingi na lang siya ng tawad tutal naman ay naging expert na siya roon sa loob ng ilang linggo na pagsasama nila ni Uno sa iisang bubong.

"Sorry."

"Sorry."

Nagtama ang kanilang mga mata ng binata nang sabay nilang bigkasin iyon. Atubili siyang ngumiti at napakamot naman ng batok si Uno. Hindi niya alam kung bakit tila nagkahiyaan na sila nito matapos ang ikinilos nila kanina.

Napatingin siya sa kanyang kamay na hinawakan kanina ng binata habang nasa kotse sila. Hindi niya alam kung bakit hanggang nayon ay nararamdaman pa rin niya ang init ng palad ni Uno. And she wasn't even sure if that gesture has a special meaning.

Hindi nila pinag-usapan iyon at kahit pa kating-kati na siyang magtanong ay hindi niya ginawa sapagkat wala naman sinasabi sa kanya ang binata. Isa pa baka isipin pa niya na ang clingy ko, aniya sa sarili. Atsaka, baka natuwa lang siya sa impromptu na birthday niya, dagdad pa niya. Tama iyon lang 'yon, konklusyon pa niya.

"I'm sorry for my behavior earlier," basag ni Uno sa katahimikan.

"H-huh?" natotorete niyang sambit. Ngumiti siya ng pilit at tumango-tango. Sinasabi ko na nga ba, hindi niya sinasadya na mag-holding hands kami kanina. Nadala lang siya ng emosyon niya, aniya sa sarili. Pero bakit parang masakit? Bakit hindi maganda sa pakiramdam? "Naku, Sir, okay lang naman. Naiintindihan ko po na hindi naman ninyo sinasadya na hawakan ang kamay ko--"

"What? Wait," pigil ni Uno sa paglilitanya niya. Itinaas pa nito ang kamay upang pahintuin siya tulad ng madalas nitong gawin kapag sumosobra na siya sa daldal. "I'm not sorry about that. I was referring to my behavior when I saw you laughing with Kuya."

Oh, Lord, sa loob-loob niya. Iyon ang unang kataga na nasabi niya. Kulang na lang ay sumigaw pa siya ng 'Hallelujah!'. Para siyang nanalo sa lotto. Ang sarap sa pakiramdam na hindi tungkol sa makasaysayan nilang holding hands ang hinihingi ng tawad ni Uno. And she wasn't being a hypocrite. Kinikilig siya sapagkat feeling niya ay ang ganda-ganda niya.

"Besides," putol ni Uno sa pakikipag-usap niya sa sarili. Tumayo ang binata mula sa kinauupuan upang lumapit sa kanya. Nakasunod ang kanyang mga mata sa bawat galaw nito hanggang sa tumalungko ito sa kanyang harapan. Ang nanlalamig niyang palad ay muling sinakop ng mainit at malambot nitong kamay. Doon nakatutok ang atensyon nilang dalawa nang mga sandaling iyon. "I like holding your hand," dugtong ng binata sa naunang pahayag sabay ngiti.

Ngayon ay naiintindihan na niya ang sinasabi ni Empress na 'makalaglag-panty'. Kahit pa pangit iyon sa kanyang pandinig y wala siyang magawa. Isa pa, wala siyang maapuhap na ibang salita upang ilarawan ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

"Chastity? Are you listening to me? Naiintindihan mo ba ang mga sinabi ko?" pukaw ni Uno sa kanyang atensyon. Mula sa paglalakbay sa ibang planeta ay nanumbalik ang kanyang diwa. Tumingin siya sa binata at ngumiti. Pigil na pigil pa iyon sapagkat ayaw niya na makahalata ito sa nararamdaman niya. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pananakit ng kanyang panga dahil doon.

"Y-yes, Sir," sagot niya sabay tango. Tumikhim pa siya upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. Mukhang ikinatuwa naman ni Uno ang naging sagot niya sapagkat sinuklian nito ang kanyang ngiti.

"Good," anito atsaka tumango-tango. "Now, where's my gift?"
Natigilan siya at nagtatanong ang mga mata na tumingin dito. Tinaasan siya ng kilay ng binata habang hinihintay ang kanyang magiging sagot. "Ano pong regalo, Sir?" naguguluhan niyang tanong.

"Birthday ko ngayon sabi mo," tugon nito sabay kibit-balikat.

"Ah, eh," natatarantang sambit niya sapagkat hindi niya inaasahan na hihingi ng regalo sa kanya si Uno. "Hindi naman po ngayon ang totoong birthday ninyo," pagdadahilan niya. Sa katunayan ay hindi niya naisip na kakagatin ng binata ang pakulo niyang iyon kanina. Malay ba niya na seryosohin ni Uno ang kagagahan niya na iyon? Hindi tuloy siya nakapaghanda.

"So, wala ka ngang regalo sa akin?" tanong ulit nito.

Atubili siyang ngumiti at umiling. Tumango naman ang binata atsaka ngumiti.

"I have a better idea," anito pagkatapos.

"Ano--"

Hindi na niya nagawa na ipagpatuloy ang kanyang sasabihin nang binitawan ni Uno ang kanyang kamay at sinapo ang kanyang mukha. Tila naging slow motion ang lahat hanggang sa walang sabi-sabing sinakop ng binata ang kanyang labi. Nanlaki ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay parang umiikot ang paligid. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya ay para siyang nahihilo. O imahinasyon lang niya iyon?

But Uno kissed her deeper and it brought shiver all over her petite body. Nagising ang diwa niya at napatunayan niya na totoong nangyayari iyon. Hindi siya nananaginip. Totoong hinahalikan siya ni Uno. All her self-control went out of the window. Tumugon siya nang buong-puso. Kusa pa niyang pinalalim ang halik na kanilang pinagsasaluhan. She felt a small smile formed on Uno's lips.

Alam niyang hindi tama sapagkat wala naman silang relasyon. Pero kung sa pamamagitang ng halik na iyon ay maiparamdam niya sa binata ang kanyang pagmamahal na nabuo sa loob ng pagiging aso't pusa nila, then, so be it. Sa susunod na lamang niya kokondenahin ang kanyang sarili.

She was getting used to Uno's lips pressed on hers when, for the second time, his phone ruined their moment. Tulad kanina ay tila sila nagising nang marinig ang pag-iingay ng cellphone ng binata. Mabilis siyang humiwalay dito na tila ba siya napaso ngunit hindi siya hinayaan na makalayo ni Uno. Itinukod ng binata ang palad sa magkabila niyang panig upang hindi siya makatakas. Nanatili siyang nakaupo at ito naman ay nakatalungko pa rin sa kanyang harapan.

"I swear to God, I'll bury this phone or set the caller on fire to make me feel good," nakapikit nitong wika sabay buntong-hininga. Marahan siyang tumawa nang makita na tila pinipigilan ni Uno ang mainis. Madalas niyang makita iyon noong mga panahong sagot siya ng sagot at puro kapalpakan ang kanyang ginagawa. Nang magmulat ito ng mata ay kumunot ang noo nito nang makita siya. "What are you laughing at?" tanong nito sa kanya.

"Huh?" patay-malisya niyang sagot. Mabilis niyang binura ang ngiti sa kanyang labi. Umiling siya bago muling sumagot. "Wala." Déjà vu, aniya sa sarili at pigil na pigil pa rin ang sarili na muling tumawa. "Sagutin mo na. Mukhang importante," aniya rito nang tila walang balak ang binata na tumayo at bigyan ng pansin ang nag-iingay nitong cellphone.

"Ayoko," nagmamaktol nitong sagot.

"Sige na," pagpupumilit pa rin niya.

Muli itong napabuga ng hangin at napilitang tumayo. "Okay. Pumasok ka na sa loob."

Nakangiting tumango siya at tumayo mula sa kinauupuan. Isang mabilis na halik ang muling iginawad ni Uno sa kanya bago siya tuluyan na makalayo rito. Akala pa naman niya ay naubos na ang pamumula ng kanyang mga pisngi ngunit nagkamali siya.

"Good night," pahabol pa ng binata.

"Good night," nakangiti niyang tugon.

Well, it was indeed a good night.

Eternally YoursWhere stories live. Discover now