CHAPTER 05-PART 03; Hallelujah! Isa pa, bingo na.

62 3 3
                                    

"Sir Uno!" sigaw niya upang makaiwas ang binata sa kanyang pagbagsak. Pero hindi iyon ang nangyari sapagkat mabilis ang reflexes ng binata at sinalo siya nito. Ang ending ay ito ang bumagsak sa sahig at kinubabawan naman niya ito.

Narinig niya ang pagsinghap ng binata at kaagad niya itong tinapik sa pisngi. "Sir?"

Nakapikit ng mariin si Uno at hindi sumagot kaya inulit niya ang pagtapik sa makinis nitong pisngi. Nagmulat ito ng mga mata at sa pangalawang pagkakataon ay natagpuan niya na isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.

Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nagtitigan at para siyang nahipnotismo dahil sa mga mata nito. Her heart suddenly start pounding like crazy and it was really unfamiliar to her. That never happened before. Not even when she was with Joem and secretly in love with him. What was happening to her? Tumama yata sa matigas na bagay ang ulo niya kaya siya nagkakaganoon.

"Uno! Chastity! Naku, anong nangyari sa inyong mga bata kayo?"

And that broke the spell. Kung hindi lang dumating si Manang Martha ay baka matagal pa bago siya matauhan at tumayo. Daig pa niya ang nakuryente at dali-dali siyang tumayo upang makalayo kay Uno.

"It's okay, Manang," sagot ni Uno sa ginang nang akma nitong tutulungan ang binata upang makatayo. Hindi naman nito inaalis ang tingin sa kanya kahit pa kinausap nito ang nag-aalalang mayordoma. Tila wala itong ibang nakikita nang mga sandaling iyon kundi siya.

Hindi na siya magtataka kung mapundi si Uno sa kanya. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa palasagot at clumsy na nurse na kagaya niya? Baka nga bukas ay makatanggap na lang siya ng tawag mula kay Julien at pauwiin na siya nito dahil sa reklamo ng pinakamamahal nitong kapatid.

"Are you alright?" tanong ni Uno sa kanya na labis niyang ikinabigla. Mas inaasahan kasi niya na sisigawan o kaya naman ay pagsasabihan siya nito na mag-ingat.

Lumunok muna siya upang mawala ang nararamdaman niyang bara sa kanyang lalamunan. "Y-yes," mahina niyang sagot.

"Are you sure?" paninigurado pa nito at tumango na lamang siya. Hindi niya alam kung nililinlang lang siya ng kanyang paningin pero bakit parang nakita niya ang pag-aalala sa maganda nitong mga mata? Gusto sana niyang kumpirmahin ang kanyang hinala ngunit nakatalikod na si Uno at nagpatiuna na sa komedor.

"Ayos ka lang, Chastity? Wala bang masakit sayo?" tanong sa kanya ni Manang Martha na tila hindi mapakali. Ngumiti siya at umiling.

"Wala naman pong masakit sa akin. Ayos lang po ako."

"Sigurado ka ba?"

"Opo."

"Mabuti naman kung ganoon. Halika ka na at ng makakain na kayo ni Uno," anito at tahimik na lang siyang sumunod.

Nakaupo na si Uno sa komedor at nang makita siya nitong akmang pupunta sa dirty kitchen ay pinigilan siya nito.

"Stop right there," puno ng awtoridad na wika nito. And she did. Madali naman kasi siyang kausap. Pumihit siya at nakita na naman niya na magkasalubong ang mga kilay nito. Just how many times did she saw him do that? Kung nagbilang lang siya magsimula kaninang umaga ay nasisiguro niya na mahigit isandaang beses na nitong ginawa iyon. At siyempre dahil iyon sa kanya.

"Where do you think you're going?" tanong ni Uno.

"Doon po," simple niyang sagot sabay turo sa pintuan ng dirty kitchen.

"Why?"

Tumingin siya sa kisame na animo'y doon niya makikita ang sagot sa malabo nitong tanong. "Hindi ko naman po kayo kailangan na bantayan habang kumakain, Sir," aniya rito mayamaya.

"Hindi nga," sang-ayon nito.

"Kaya nga po pupunta muna ako doon para maki-chika kina Manang Martha," nakangiti niyang sagot.

"Chika?" pag-uulit nito sa sinabi niya tila noon lang narinig ang salitang iyon. Well, hindi na siya magtataka sapagkat wala naman sa dating ng binata na may alam ito sa mga salitang gamit ng mga tambay sa kanto. "I don't know what you're saying but I don't like it."

Siguro dahil alam mo na ikaw ang pagchi-chismisan naman. Hmp, sa loob-loob niya. "Chika, Sir, as in chat," paliwanag niya.

"Marami pang oras para gawin ninyo iyon. Now, sit," saad nito sabay turo sa upuan na nasa tapat nito. Nagtatakang tumingin siya rito. "Eat." Nang hindi siya tumalima ay muli nitong dinugtungan ang sinasabi. "Now. Bago pa ako mawalan ng pasensya sayo."

Eternally YoursDonde viven las historias. Descúbrelo ahora