CHAPTER 09-PART 03; Hinga rin 'pag may time.

60 4 5
                                    

Mukhang nahalata rin nito ang plano niya na i-delay ng i-delay ang pag-inom niya ng gamot. Yumuko siya ulit at tinitigan na naman ang mga gamot na nasa palad niya. Na dinadasalan niyang sana ay matunaw na lang.

"Mamayang konti na lang. Ikokondisyon ko muna ang sarili ko."

"Huwag mo ng dasalan ang gamot na 'yan. Hindi naman liliit 'yan," biro ni Uno sa kanya bago lumabas ng kwarto upang dalhin sa kusina ang pagkain na hindi naman niya pinansin.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Tila ulan at bigla na lamang bumuhos ang luhang pinipigilan niya sa harap nito kanina. Ininom na niya ang gamot na binigay nito sa kanya habang umiiyak.

Para siyang tanga na punas ng punas ng luha gamit ang mga palad niya. Tumutulo na rin ang sipon niya, mabuti na lang at may box ng tissue na malapit sa kanya. Inabot niya iyon para kumuha ng ipampupunas sa ilong niya. Sa ganoong estado siya nadatnan ni Uno at kaagad itong lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito.

"Chastity, what's wrong? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" sunud-sunod na tanong nito at halatang nagpa-panic na dahil sa pag-iyak niya. Panay lang ang iling at punas niya sa kanyang pisngi at ilong.

"Wala. Okay lang ako," sagot niya nang makabawi siya. Nakuha pa niyang ngumiti sa kabila niyon.

"Umiiyak ka ng dahil sa gamot? I'm sorry." Niyakap na siya ni Uno pagkatapos sabihin iyon. Nabigla man sa naging reaksyon nito ay hindi na siya nagsalita pa. Isa pa, gusto naman niya sa pakiramdam ang makulong sa mga bisig ng binata. At kung maaari lang niya na pahintuin ang pag-ikot ng mundo ay ginawa na niya.

Ramdam din niya ang guilt at sincerity sa boses nito. Kumalas naman ito sa kanya nang pabiro niya itong hinampas sa dibdib . Mahirap na at baka malunod pa siya sa kung anuman ang nararamdaman niya. Tiningnan siya ng binata at tila hinihintay ang kanyang sasabihin.

"OA ka naman, Sir. Hindi ako umiiyak ng dahil sa gamot," aniya rito.

"Then why are you crying?"

"Naalala ko lang si Nanay dahil sa sinabi mo."

"Sigurado ka?" paniniyak nito at tumango lang siya.

Kumuha ang binata ng tissue sa kahon at itinapat iyon sa ilong niya. Suminga naman siya roon atsaka siya natawa. Baliw na nga talaga siguro siya, kanina lang ay umiiyak siya ngayon naman ay tumatawa siya. Masama ang epekto ng gamot na ininom niya sa kanya.Wala namang sinabi si Uno at itinapon lang nito ang tissue sa basurahan na nasa tabi ng kama niya.

"Lagi niyang sinasabi na dinadasalan ko raw ang mga gamot ko, ugali ko na kasing titigan ang mga iyon ng matagal bago ko inumin. Na-miss ko lang siya dahil pareho kayo ng sinabi sa akin."

Her mother might've left her early but she still has memories of her. Memories that she'd probably never forget. Kahit na ano pa ang mangyari.

"Mommy's girl ka pala."

"Wala, eh. Kapag kasi may sakit ako siya lang ang nakakatagal sa kakulitan ko at nakakapag-inom ng gamot sa akin." May luha na namang nakawala sa mga mata niya. "Parang ikaw," dugtong pa niya.

Tumango-tango si Uno at pinunasan pa ang kanyang luha gamit ang likod ng palad nito. "Huwag ka ng umiyak baka multuhin ako ng Mama mo."

"Ikumusta mo ako sa kanya kung sakali."

Nanlaki ang mga mata nito sa naging sagot niya. "Huwag kang magbibiro ng ganyan."

"Takot ka ba sa multo, Sir Uno?"

"Hindi," mabilis na sagot nito. "Sige na nga, ikukumusta na kita sa kanya. Basta huwag ka ng iiyak."

"Pasaway ka kasi, Sir."

"Sorry na. Anong gusto mong gawin ko?" nakangiting saad nito.

Ngumiti siya bago sumagot. "Kiss mo 'ko," aniya rito.

Natigilan ang binata at unti-unting nawala ang mapagbirong ngiti nito. Ipiglihi yata siya sa kapal ng mukha dahil wala siyang nararamdaman kahit na katiting na hiya kahit pa hindi na kumikibo ang gwapong amo niya. O baka naman side effect iyon ng mga gamot?

"Biro lang, Sir," bawi niya nang nanatiling nakatingin lang sa kanya ang binata. "Pwede ka ng huminga."

Eternally YoursDonde viven las historias. Descúbrelo ahora