CHAPTER 04-PART 01; This is really is it.

70 2 2
                                    

Ilang beses humugot ng malalim na hininga si Chastity bago kumatok sa opisina ni Uno. Pagkatapos niyang makausap si Julien kahapon ay kaagad siya nitong pinapunta sa Wings Aerospace Industries. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinabi ang totoong dahilan kung bakit niya tinanggap ang alok nitong trabaho sa kanya.

Wala naman naging ibang reaksyon ito at tila natuwa pa sa pagiging tapat niya. May kung sino lang itong tinawagan at pagkatapos niyon ay siya naman ang nakatanggap ng tawag mula sa ospital na maaari nang isagawa ang emergency dialysis ng kanyang tiya. Pinayagan naman siya ni Julien na bumalik sa ospital upang ayusin ang dapat niyang ayusin bago magsimula sa kanyang panibagong trabaho.

Immediate resignation ang kanyang ginawa at mabuti na lamang at wala siyang naging problema. Si Joy naman ay nagpaliban sa klase upang bantayan ang ina nito na nasa emergency room. Ang ina naman ni Empress ay nagprisintang ipagluto ang tatlo pa niyang pinsan na maiiwan sa bahay.

Sinabihan kasi siya ni Julien na hindi niya maaring iwanan si Uno sa lahat ng oras at hindi naman siya maaring magreklamo sapagkat napakalaki ng naging tulong ni Julien sa kanya. Ito pa ang nagpalipat sa kanyang tiya sa isang private room at ito na raw ang bahala roon. Hindi raw nito ibabawas iyon sa magiging sahod niya.

Gustuhin man niyang mahiya na nauna pa ang pagbabayad nito kaysa sa serbisyo niya ay hindi niya magawa. Isa pa, ano pa ang magagawa ng hiya niya kung buhay naman ng kanyang mahal sa buhay ang nakasalalay? Kaya naman bago umalis si Julien kanina patungong Thailand ay nangako siya rito na gagawin niya ng maayos ang kanyang trabaho. Isang tango at matipid na ngiti lamang ang isinagot nito.

Isang buwan daw itong mawawala at wala na itong ibang sinabi pa. Saka na raw sila mag-uusap sa pagbalik nito tungkol sa magiging kontrata niya. Maaari naman daw siya nitong bigyan ng ibang trabaho kung sakali man na hindi sila magkasundo ng kapatid nito.

Ayaw man niyang aminin ay nakaramdam siya ng excitement. Para kasing nagkaroon ng ibang kulay ang mundo niya na noon ay black and white lamang. Umikot sa pamilya at pagtatrabaho ang buhay niya. At sa pagtanggap niya sa alok nito ay ang unang hakbang ng pagbabago ng ikot ng mundo niya.

Tatlong magkakasunod na katok ang kanyang ginawa at binasa pa ang nanunuyo niyang labi. Hindi niya alam kung paano niya babatiin si Uno. Nakalimutan kasi niya na itanong sa kuya nito kung natatandaan pa ba siya ng binata. Naiwan sa ere ang kanyang kamay nang akma siyang kakatok. At para siyang kinakapusan ng hininga nang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Uno.

He still looked the same since she last saw him. Warm brown eyes, red full lips, tall, lean and... sad. Hindi niya alam kung sadya ba na walang ekspresyon ang mukha nito o hindi lang ito marunong ngumiti. She was dying to see him smile. Parang gusto niyang isama sa misyon niya sa buhay na mapangiti ang binata.

Tinaasan siya ng kilay ni Uno at tila hindi nito nagustuhan ang pagtunganga niya sa harapan nito. "What? Are you just going to stand there all day?" masungit na wika nito na siyang nagpagising sa diwa niya.

Tumikhim siya bago sumagot. "Ah. S-Sorry, Sir U-Uno. Ahm..." And why did she stammer? Nagmumukha tuloy siyang eng-eng. "I'm Chastity," pagpapakilala niya rito sabay lahad ng kanyang kamay. Tiningnan lang ni Uno ang kamay niya at basta na lamang siya tinalikuran.

Napakunot-noo naman siya sa naging reaksyon nito at itinago sa kanyang likuran ang kanyang kamay. Nakaramdam siya ng inis sa pagpapahiya nito sa kanya ngunit nasabihan na siya ni Julien na hindi madali para kay Uno ang makihalubilo sa mga estranghero. Kaya naman sinabihan siya nito na kailangan niya na makuha ang tiwala ni Uno. Challenge accepted, nakangiti niyang wika sa sarili.

Pagpihit ni Uno ay kitang-kitang nito ang malapad niyang ngiti at kaagad niyang binura iyon nang mapansin niya na bahagyang nagsalubong ang makakapal na kilay nito. Sinenyasan siya nitong lumapit at ganoon naman ang ginawa niya. Dahan-dahan pa niyang isinara ang pintuan ng opisina nito.

"Hindi ko alam kung paano ka nakilala ni Kuya at kung bakit ikaw ang napili niya na maging personal nurse ko, but to give you heads up I don't like this set up," anito nang makalapit siya rito.

So, hindi niya alam kung sino ako? Magpapakilala ba ako? Pero nagpakilala na ako, aniya sa loob-loob niya.

"Miss, nakikinig ka ba sa akin?" pukaw ni Uno sa atensyon niya.

Eternally Yoursजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें