CHAPTER 07-PART 03; Sleepless night.

63 3 2
                                    

PABILING-BILING sa higaan si Chastity at kahit anong gawin niya ay hindi siya dinadalaw ng antok. Bakit ba kasi naisipan niyang magtanong tungkol kay Uno at sa babaeng kasama nito sa larawan na nakita niya kanina? Dahil sa kanyang nalaman ay hindi siya makatulog.

Ang isa sa mga kasambahay na naroon ang nakausap niya. Tinulungan niya itong maghugas ng plato sapagkat naiinip siya at hindi na niya napigilan ang kuryosidad na mag-usisa. Nalaman niya na Ada ang pangalan ng dalaga sa litrato at dati iyong kasintahan ni Uno. Hindi tuloy niya maiwasan na mag-isip na ito ang dahilan kung bakit malungkot ang binata.

Hindi na siya nagtanong pa sapagkat pakiramdam niya ay hindi tama na pagchismisan ang pribadong buhay nito. Nakaramdam siya ng guilt sa ginawa niyang pagtatanong at gusto niyang batukan ang sarili niya. Tama nga ang sinasabi ng iba na, "Curiosity kills". Hindi na rin niya gustong malaman kung ano ang nangyari sa pagitan ng dalawa sapagkat mas nasasaktan siya sa nakikitang kalungkutan ng mga mata ni Uno.

Hindi niya alam kung normal ba na makaramdam siya ng inis kay Ada samantalang wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Bakit ba apektadong-apektado siya? Hindi naman sila magkaibigan ni Uno at wala naman dapat siyang pakialam sa nakaraan nito. But there's a voice inside her head saying she has to know what happened. Eh, kasi nga gusto mo siya, sagot ng isang tinig sa utak niya. Na kaagad naman niyang binura. Mabilis na ipinilig niya ang kanyang ulo at sabay sabunot sa sarili.

"Matulog ka na, Chastity. Maaga pa ang pasok mo bukas," kausap niya sa sarili sabay takip ng unan sa kanyang mukha. Ang nakangiting mukha ni Uno ang una niyang nakita pagkapikit na pagkapikit ng kanyang mga mata.

Naiinis na pinagsisipa niya ang kanyang kumot at unan hanggang sa mahulog ang mga iyon sa sahig. Muli niyang sinabunutan ang sarili dahil hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga upang kalmahin ang sarili.

"Inhale, exhale. Relax," aniya sa sarili. Napilitan siyang tumayo upang pulutin ang inosenteng kumot at unan nang mapatingin siya sa bintana. Napakislot pa siya at muntik nang mapasigaw nang may makita siyang tao sa may swimming pool.

Gamit ang unan ay tinakpan niya ang kanyang bibig at unti-unting lumapit sa bintana upang masiguro niya na hindi siya namamalikmata lang. Nakahinga siya ng maluwag nang mapansin ang pamilyar na pigura ni Uno na siyang dahilan kung bakit hindi siya makatulog. Hindi na siya nagdalawang isip pa at lumabas ng kanyang silid upang puntahan ito.

Nakababad ang mga binti ng binata sa swimming pool at nakatingala. Napatingin din siya sa tinitingnan nito at napansin niyang tutok na tutok ang atensyon nito sa bilog na bilog at maliwanag na buwan. Napabuntong-hininga pa siya nang makita ang tatlong lata ng beer sa tabi nito. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman dahan-dahan siyang lumapit dito.

Umupo siya sa tabi nito at itinaas ang suot niyang pajama at ibinabad din ang kanyang mga binti sa pool. Ngumiti siya rito nang bumaling ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito sa biglaang pagsulpot niya ngunit hindi ito umimik.

"Ano po ang okasyon? Special po ba? Bakit kayo umiinom, Sir Uno?" pagbubukas niya ng usapan.

Sa tatlong lata ng beer ay dalawa pa ang hindi nakabukas. Kinuha niya iyon at binuksan. Bawat paggalaw niya ay tahimik lang na nakamasid sa kanya ang binata. Mabilis niyang hinigop ang bula na lumabas mula roon at ibinaba iyon pagkatapos. Nalukot ang kanyang mukha dahil sa lasa niyon ngunit hindi na siya nagsalita pa.

"Tuwing may okasyon lang ba pwedeng uminom?" tanong din ang isinagot ni Uno sa kanyang tanong. Uminom ito pagkatapos at nanatiling nakatingin lang sa kanya. Siya na ang umiwas ng tingin sapagkat naaasiwa siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. "Bakit gising ka pa?"

Muli siyang napalingon dito dahil sa tanong nitong iyon.

Pwede bang sabihin na ikaw ang dahilan? pipi niyang tanong sa sarili.

Eternally YoursDove le storie prendono vita. Scoprilo ora