042. Silent Heartbeat

Start from the beginning
                                    

"What the fuck?" Emma almost screamed in anger when she heard what her bestfriend said, "Seryoso ka? Teka, teka... Sinubukan ka talaga niyang gahasain? But – But he seems nice..."

Napayuko si Leia, hindi alam ang gagawin. "Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun... Pero isang linggo bago 'yun nangyari, parang naging creepy siya... Kami lang dalawa ang nasa bahay noon.. Then the next week, that incident happened..." Leia's voice started cracking, and she toyed with her hands even more, almost scratching the skin on her index finger, right below the nail.

Napansin iyon ni Gwen, kaya agad niyang hinawakan ang mga kamay ni Leia para patigilin ito sa pananakit ng sarili. "Look, it's okay if you're not ready to tell us the whole story... Pero gusto ka naming tulungan. Saan ka pupunta ngayong weekend? Hindi ka pwedeng umuwi sa inyo kasi andun ang stepfather mo, 'di ba? Saan ka dumiretso noong tumakas ka?"

"Y-yung totoo kong tatay... Meron siyang binigay na address ng isang bahay. Sabi niya, kung gusto ko, pwede akong mag-stay dun," pagkukwento ni Leia, na kahit nagsasabi ng totoo ay nagtanggal pa rin ng ilang impormasyon, "Doon ako dumiretso pagkatapos kong tumakas sa bahay."

Emma grins, but with uncertainty visible all over her face. "That's good then, if you have a house you can stay in... Pero kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang kami. Alam mo naman, 'di ba? Kahit anong oras didiretso kami sa'yo para tulungan ka."

Tumango si Gwen, pero agad niya ring napansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Emma. Tila may pag-aalinlangan ito sa sinabi ng kaibigan, pero hindi na lamang nagsalita para hindi na madagdagan pa ang stress na nararamdaman ni Leia.

Gwen squinted her eyes a little when Emma and her eyes met, which the latter responded with a meaningful look.

"S-sige... Mauna na muna ako," untag sa kanila ni Leia, "Magsisimula na kasi 'yung sunod kong klase eh."

Hindi na siya pinigilan pa nina Gwen at Emma, na nginitian na lamang siya at binigyan siya ng nag-aalalang tingin habang naglalakad siya palayo.

Mabilis ang naging paglalakad ni Leia mula sa dalawang kaibigan, habang pilit niyang kinokontrol ang kabang nararamdaman. Her heart thudding really loud and fast as she thought of how hard it is for her to remove the fact about seeing Helga in the house.

Nang marating niya ang palapag ng Paramount Building kung saan naroon ang mga kwarto nila, nagulat siya nang makita si Helga na nakatayo sa dulo ng hagdan na inaakyat niya. Tila hinihintay siya nito, kaya unti-unting bumagal ang pag-akyat niya hanggang sa tuluyan silang magkaharap sa corridor na iyon.

"Miss Helga... May kailangan po ba kayo?" tanong ni Leia sa school administrator.

Helga smiled at her, much to Leia's confusion, before walking towards her and handing the young lady a set of keys. "Ito 'yung mga susi sa bahay... The biggest one is the key to the gate, while the one in bronze color is for the main door. 'Yung iba, para na sa mga kwarto sa loob ng bahay. Meron na ring labels para hindi ka malito."

"Pero...Bakit niyo po binibigay sa 'kin 'to?"

"Syempre dapat may mga susi ka rin... Doon ka nakatira, 'di ba? You'll need keys to get in. Tsaka doon muna ako sa pamilya ko ngayong linggo, kaya mag-isa ka muna doon... But the kitchen is fully stocked, so don't worry... You're not going to starve in there."

Bahagyang nag-alinlangan si Leia, pero tinanggap niya pa rin mula sa babae ang mga susi. "S-salamat po..."

"By the way... Your mother called our office a while ago. You should really talk to your mom about what happened. Alam kong natatakot ka at nag-aalala sa pwedeng puntahan ng pag-uusap ninyo, and it's also good to be careful on who to trust. But she's still your mother, and you need to settle things like this... I mean, you're young and all, and you're still in distraught. But you have to stand up against the people who hurt and took advantage of you..."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now