Chapter 65 - Concert P4: Kieth's Performance!

2K 42 0
                                    

Chapter 65 - Concert P4: Kieth's Performance!

(3rd Person's POV)

"Nasan si Kieth?!" natatarantang tanong ni Boss Key, pabalik na kasi sa backstage si Kyle at kailangan sa pagpatay ng ilaw nandoon na si Kieth kaya lang missing in action ang binata.

Nagkatinginan sila Kiel at Vincent, maski kasi silang dalawa di alam kung san nagpunta ang kabanda, napansin naman ni Vincent na umalis ito sa saktong performance ni Kiel.

"Di ko siya napansin" sagot lamang ni Kiel, nang makababa kasi siya sa stage ay di niya na nakita pa si Kieth.

Tumingin si Boss Key kay Vinncent tila nagtatanong gamit ang mata kung nasan na si Kieth ngunit kibit-balikat lamang ang sagot ng binata.

"San ba pumunta ang pasaway na yun!" inis na sambit ng handler nila.

"Boss a-ako na b-ba?" humahangos na sambit ni Kieth. Napatingin naman sa kanya ang lahat ng nandun dahil nga kanina pa siya pinaghahanap.

"Where the hell have you been Castulo?!" tanong sa kanya ng manager, nag peace sign muna siya sa manager bago sumagot, lumapit naman agad kay Kieth ang stylist niya para maayusan ito.

"Jumingle lang Boss" palusot ng binata, tinignan lamang siya nila Kiel at Vincent ng mapagdudang tingin, alam kasi nilang nagsisinungaling ang kaibigan,, kanina pa ito busy sa kaka-kalikot ng cellphone sa gilid kaya alam nilang may kinalaman ang kung sino mang ka-text nito sa pagkawala niya.

"Bilisan mo na, pabalik na dito si Kyle"

Agad namang kinuha ni Kieth ang guitara at humahangos na pumunta sa stage, umupo siya sa upuan na nakahanda sa kanya, madilim pa ang buong stage kaya naman di pa siya nakikita ng mga audience. Sumignal siya ng okay sign at agad nagkaroon ng spot light sa pwesto niya. Nang makita si Kieth sa entablado ay hiyawan agad ang sumalubong sa kanya.

"WAAAAAAAAAAAAHH!"

"KIETH ANG CUTE-CUTE MO!"

"PAKASAL NA TAYO!"

"OH MY GOSH, OH MY GOSH!"

"Kakaiba din talaga ang karisma ng baliw na to eh" iiling-iling na komento ni Ryza.

"Like Aya said he's a flirt, kaya maraming nahuhumaling na mga babae" patungkol ni Brenda kay Kieth.

"Sinong mag-aakala na naging kapatid siya ni Aya!" di makapaniwalang sambit ni Yassi.

"KAMUSTA ARANETA?!" sigaw ni Kieth, "Dahil nandito ang parents ko with my little sister, behave muna tayo guys" turo ni Kieth sa pamilya na nakaupo din sa VIP Area. "Sino ang mga broken hearted dito? I'm sure nawasak ang puso niyo dahil taken na ang dalawa sa amin hahaha .. don't worry single pa ko!" natatawang announce ni Kieth.

"KYAAAAH IKAW NA ANG GUSTO NAMIN!"

"KIETH AKO NA LANG GIRLFRIEND MO!"

"SAYONG-SAYO AKO!"

"HAHAHA Easy, dahil ang kakantahin ko ay para sa mga taong once na umibig ngunit panandaliang saya lang ang naranasan, kung kinilig kayo sa dalawang nauna sa akin, damhin niyo naman ang kantang to, yung nagmahal ka ngunit pag gising mo wala na ... yun pala panaginip lang lahat ... sing with me if you know this song"

[Now Playing: Just A Dream By Nelly]

♪I was thinking 'bout her, thinking 'bout me

Thinking 'bout us, what we gon' be

Open my eyes yeah, it was only just a dream

So I travelled back down that road

Will she come back, No one knows

I realize, yeah, it was only just a dream.

Feel na feel ni Kieth ang pagkanta, bukod kasi sa mga taong nanonood sa kanya ay nanonood din ang pamilya niya at ang isang taong di niya inaasahan na mas magbibigay ng thrill sa buhay niya, tumingin si Kieth sa direksyon ng taong iyon at ngumiti, tumango lang pabalik ito at ngumiti din ng pilit, napatingin ang ilang tao sa pwesto ng kinawayan ni Kieth, agad namang inayos nito ang hood na suot at tinakip ang kamay sa mukha tila ba ayaw nito ng naaamoy.

♪I was at the top and now it's like I'm in the basement

Number one spot and now she find her a replacement

I swear now I can't take it, knowing somebody's got a baby

And now you ain't around baby, I can't think

I should've put it down, should've got a ring

Cause I can still feel it in the air

See her pretty face, run my fingers through her hair

My Lover, My Life, My Shawty, My Wife

She left me, I'm tied

Cause I knew that it just ain't right

Di akalain nila Ryza na maganda pala ang boses ni Kieth, lagi niya kasing inaasar ito na wag ng kumanta dahil trip niyang inisin ang binata, maging sila ay napatingin sa nginitian ni Kieth malapit sa upper deck, Tss pa mysterious? isip ni Ryza sa taong iyon, inisip na lang nila na isa iyon sa mga babae ni Kieth, dahil naturingan itong playboy sa barkada.

♪I was thinking 'bout her, thinking 'bout me

Thinking 'bout us, what we gon' be

Open my eyes yeah, it was only just a dream

So I travelled back down that road

Will she come back, No one knows

I realize, yeah, it was only just a dream

Nang matapos kumanta ay agad bumaba si Kieth sa stage at dumaan sa backstage para di siya mapansin ng ilan sa staff, dahil malapit sa exit ang taong kanina niya pa tinitignan ay mabilis niya itong nahatak ngunit may pag-iingat.

"Okay ka lang?!" concerned na tanong ni Kieth, nag-alala siya dahil may ilan sa mga nanonood ang tumitingin dito, naisip niya na dapat ay di na lang niya kinawayan pa ito.

"Y-Yeah, salamat Kieth I owe you for this, thanks" Tss bakit ba ang saklap ng buhay, kung sino pa yung natitipuan mo ay yun pa ang di pwede sayo! isip ni Kieth, ngumiti siya ng makitang ngumiti rin sa kanya ang dalaga.

"Let's go, magpe-perform na siya!" tumango lang ito at bumalik na ulit sa pwesto niya.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon