Chapter 60 - Wasted ✘

2.5K 48 0
                                    

Chapter 60 - Wasted

   (3rd Person's POV)

     Nagising si Ariana sa isang puti at maliwanag na kwarto, agad siyang naalarma ng maalala ang nangyare, napahawak siya sa tyan niya.

   "My baby?!" she mumbled.

   "Ligtas na ang baby mo" napalingon siya sa upuan na nasa gilid ng kama niya at doon niya lang napansin ang seryosong si Kieth na nakatingin sa kanya, "Your too stress kaya sumakit ang tyan mo ... Si V-Vincent ba?" seryosong tanong nito.

   Napaiyak na lamang si Ariana, "K-Kieth .. please d-don't tell this to anyone, especially to h-him" pagmamakaawa niya.

   "Bakit!? Anak niya rin yan, may karapatan si Vincent! Ariana!" nagagalit si Kieth di dahil lang sa nililihim ni Ariana ang pinagbubuntis nito, kundi nakikita niyang mas nahihirapan ang kapatid dahil sa kalagayan nito, kanina pa siya kating-kati na tawagan si Vincent at ipaalam ang natuklasan niya, ngunit hinintay niya munang magising si Ariana at pakinggan ang paliwanag nito.

   Tinakpan ni Ariana ng dalawang kamay ang mukha at humagulgol sa pag-iyak, natatakot siya na baka sabihin ni Kieth kay Vincent ang pinagbubuntis niya, Ayaw niyang malaman ito ni Vincent, mas gugustuhin niya pang di na mabuo ang pamilya na pinapangarap niya kesa sa makulong sa buhay na ni minsan di nag-worked at di magwowork, mas mahihirapan ang anak nila, kung sila pa nga lang dalawa ay nagkakasakitan na, what more ang anak pa nila?!

   Tumayo si Kieth at niyakap si Ariana, "Sshh wag kang umiyak makakasama sa Anak mo" pag-aalo niya dito, binilinan din kasi siya ng doctor na tumingin kay Ariana na wag hayaang ma-stress, malipasan ng gutom o di kaya pasamain ang loob ng dalaga.

   "P-please Kieth, d-don't tell this to anyone, w-wag mong sasabihin to kay V-Vincent" humihikbing pakiusap ni Ariana.

  Napabuntong hininga si Kieth at walang nagawa, "Okay, I keep your secret, j-just stop crying" This is more difficult than I thought! isip ni Kieth.

   Nagmamaneho na ulit si Kieth, gustuhin niya mang mag-stay si Ariana sa Hospital ay ayaw naman ng dalaga, natatakot siyang makipagtalo dito dahil tulad ng sabi ng doctor bawal pasamain ang loob ng mga buntis.

   Ipinarada ni Kieth ang kotse niya sa parking lot ng condominium na tinitirahan ni Ariana, inalalayan niya pa itong bumaba hanggang sa makasakay sila sa elevator.

   Nang marating ang floor ng unit ay agad na bumaba sila Kieth at Ariana, patuloy lamang sana sila sa paglalakad ngunit nagulat sila ng makita ang nakatayong si Vincent sa harap ng pintuan ni Ariana.

   "A-Aya" malungkot na sambit nito, nanigas si Ariana sa kinatatayuan, mas naramdaman niya ang pagkasabik na makita ito at mayakap, ngunit agad niya iyong pinalis, "M-Mahal ko"

   Agad na lumapit si Vincent kay Ariana at niyakap ito ng sobrang higpit, sinubukan namang pumiglas ni Ariana, "V-Vincent anong ginagawa mo dito? Bitawan m-mo nga ako" nanghihinang sagot ni Ariana.

   "P-please bumalik ka na sa a-akin, wag ka ng umalis, please m-mahal ko" mas hinigpitan ni Vincent ang yakap sa dalaga.

   Nang makita ni Kieth na naiiyak na si Ariana ay agad na siyang nakisali sa dalawa, "Pareng Leader alam mong bawal ka dito? Bitawan mo na si Ariana!" sinusubukan niyang ilayo si Vincent kay Ariana ngunit nahihirapan siya dahil baka masaktan si Ariana.

   Nang makaalis sa nga bisig ni Ariana ay agad na binuksan ni Ariana ang pinto ng unit niya at pumasok, di pa siya nakakailang hakbang ay agad niyang naramdaman ang mga braso ni Vincent sa kanya.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon