Chapter 29 - Karma!

2.6K 52 0
                                    

Chapter 29 - Karma!

Update ♥___♥!

~~~~~~

(Vincent's POV)

Argh nakakainis .. bakit ba di pa rin siya nagrereply sa text ko? Maging sa mga tawag ko ay di niya masagot-sagot, kanina pa ko nag-aalala lalo na at kasama niya ang mayabang na lalaking yun!

Tumayo ako at nagpalakad-lakad na naman sa living room ko, kanina lang ay sinubukan kong buksan ang television ' pero agad ko rin itong pinatay ng makita kong about na naman sa di totoong relasyon na mayroon si Aya at Gray na yun .. sinubukan ko rin matulog na lang pero pipikit pa lang ako ay na iimagine ko na ang mga bagay na pwedeng ginagawa ni Aya kasama yung Gray Yamsuan!

Umupo ulit ako ng pati ako ay mahilo sa ginagawa ko, "Tss Model of the God and Godesses Era ... ang baduy nakakasuka!" Nahihibang na ata ako pati sarili ko kinakausap ko na!

Ngayon ko lang naisip na di rin pala maganda ang mag-isa ka lang sa condo mo, may tendency na mabaliw ka dahil wala kang makausap! Haayy mas nakaka-stress ang nangyayare ngayon kesa sa trabaho ko!

Napatingin ako sa wall clock dito sa unit ko, sinasabi doon na 2:09PM pa lang .. Ang aga pa pala, pero di pa rin pala ako nakaka-kain ng lunch, nakakawalang gana naman kasing kumain lalo na at makikita mo ang mukha ng Gray na yun!

Tss bat ba parang ang insecure ko, bwiset! Naisipan kong tumayo na lang, titingin na lang ako ng pwedeng makain sa refregirator ko. Pero nang malapit na ko sa kusina, napatigil din ako ng marinig ang doorbell.

Tss sino naman kaya to? Si Boss Key? Kala ko ba pagpapahingahin niya ko? O baka naman yung mga gago kong kabanda? Except kay Kiel good boy yun eh, Dalawa lang naman ang bwiset at walang magawa sa mga kabanda ko.

Mas lalo akong nainis ng sunod-sunod ang pagpindot ng doorbell! Aish ang sakit sa tenga! Tang-inang Kieth at Kyle to, makakatikim ng sigaw at suntok saken tong mga to!

Agad kong pinihit ang seradura, "Sisirain niyo ba ang doo--"

"Sorry galit ka ba?" Ilang beses ko pang pinikit ang mata ko para masiguradong di ako namamalik-mata!

"H-hindi, bakit ka n-nandito?" Aish bakit ko ba to tinatanong, bobo lang Vincent?

"Am I disturbing you? Sorry I ju--" di ko na siya pinatapos, hinatak ko siya agad at niyakap ng sobrang higpit.

Nawala ang pangamba ko na kanina ko pa nararamdaman ng makita siya, "Sorry Vincen--"

"Mahal ko" pagtatama ko sa kanya, narinig ko naman ang pag chuckled niya. Bumitaw na ko sa pagkakayakap at tinignan siya, "Bakit ka nga ba nandito? Hindi naman sa nakaka-istorbo ka o ano ... actually masaya akong nandito ka, kaya lang san ka dumaan? May mga nagkalat na media sa tapat nitong building ... tsaka nasan na yung lapastangan?"

Tuluyan na siyang pumasok sa unit ko, sinarado ko naman ang pinto at sinundan siya, "Lapastangan ha? Sa lobby ako dumaan ... Well I'm here dahil pakiramdam ko ay may utang akong paliwanag sa boyfriend ko at gusto ko rin kasing mag lunch kasama siya" sabay taas ng hawak niyang paper bag.

Napangiti na lang ako, hinatak ko na siya papuntang dining table at kumuha ng dalawang plato at lagayan ng binili niya.

Nilabas niya ang laman ng paper bag, halatang take-out yun sa isang fast food chain, dahil may chicken, spaghetti, lasagna, fries, meron pang weird na sandwich ata.

"Lunch ba talaga Mahal ko o snacks?" Tumawa lang siya at inihain na ang kakainin namin, umupo ako sa harap niya, bali magkaharapan kami. Tamang-tama lang dahil dalawang upuan lang ang meron ako dito sa dining table. Maliit lang din kasi ang lamesa ko para saken lang talaga. Di rin kasi ako nagpapapunta ng ibang tao dito, minsan lang pag kailangan.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon