Chapter 27 - Airport Scene

2.6K 50 1
                                    

Chapter 27 - Airport Scene

  (Ryza's POV)

    "Waaah iba talaga ang hangin sa Manila kesa sa Bohol!" Kabababa pa lang namin ng eroplano at kahit nasa loob pa kami ng Airport eh amoy ko na ang hangin na nanggagaling sa labas.

   "Polluted kasi dito sa Manila, di katulad sa Bohol sariwa" segunda saken ni Brenda.

   Magka-holding hands sila ni Kyle, habang naglalakad, si Sky naman ay hatak-hatak ang maleta ni Yassi, habang nakadantay ang braso kay Sky. Well papahuli ba kami sa sweetness ng fiance ko? Ohlalala Fiance! Sounds nice .. right? :) Naka-akbay lang naman sa akin ang Hon ko. Wew mainggit ang dapat mainggit! Pweh :P

  Konti pa lang ang nalalakad namin ay tanaw na namin ang mga media na nag-aabang dito sa loob ng Airport, napatingin ako kila Aya at Vincent. Haayy nakaka-sad talaga ang love story ng dalawang to. Nung nasa Bohol pa lang kami, patago na ang pagsasama nilang dalawa ... mas lumala tuloy ngayon dahil sa yummy Gray na yun!

  Magkasabay na naglalakad si Kieth at Vincent, samantalang sa unahan namin ay sila Aya at manager niyang si Violet ... sinuyod ko ng tingin si Aya ulo hanggang paa. Ganito ba talaga pag international model? Simple lang ang suot pero kabogera?! Kasi katulad ng napanood namin kahapon about sa pagdating ni Gray dito sa Pilipinas, simple lang din ang suot niya pero stand-out pa din. Like Aya now .. simple ombre short and white V-neck shirt lang ang suot niya, dala ang hand bag at aviator shades, pero pak na pak na! Well magiging modelo ba sila kung di sila magaling magdala ng damit?!

  Nang makalabas kami ng Airport ay siya namang sugod ng mga papparazzi kila Aya, Vincent, Kieth, Kiel at Kyle. Todo hawak na nga sa akin ang Hon ko eh, kulang na lang gitgitin kami dito buti na lang may mga nag-escort sa aming mga security guards ng NAIA. Nagulat na lang ako ng may biglaang mikropono ang lumitaw malapit sa mukha ko ... Oh my god! Muntik na ang face ko! Konting ingat Kuya!!! Sinamaan ko siya ng tingin, pero inignora niya lang.

~Papparazzi~

  "Kiel ... Kiel totoo bang nagpropose ka na sa long time girlfriend mo?"

  Hindi ako sumagot, bukod kasi sa di naman ako tinatanong e wala naman akong karapatan sumagot sa media, hahayaan ko na lang si Kiel, tutal di naman siya mahilig magtago sa mga tao.

  "Yes" simpleng sagot lang niya at hinatak na ko paalis sa crowd gawa ng media at fans niya.

  Halos magkakatabi lang kami, naririnig ko pa nga ang kabilaang tanong ng media sa mga kaibigan ko na member ng The Time!

~Papparazzi~

  "Kyle, kailan mo balak mag propose sa long time girlfriend mo? susunod na rin ba kayo sa pinsan mong member din ng The Time na si Kiel?!"

  Kala ko ay sasagot din si Kyle sa tanong ng isa sa media pero di niya manlang ito pinansin, sa halip ay tinanggal niya ang suot na cap at sinuot iyon kay Brenda then hinatak niya na rin ito.

  Mabilis naman naka-alis sa crowd sila Yassi at Sky, Si Kieth ay na corner din sa tanong na spotted daw siya sa ilang lugar sa Bohol na nakikipag-date kung kani-kaninong babae. Pero mapaglarong ngumiti lang din ito sa media.

  Pero ang nakaka-gulantang na tanong ay kila Aya at Vincent.

~Papparazzi~

  "Vincent .. Vincent anong masasabi mo sa statement ng aktres na si Selena Raymundo ... na ikaw daw ang pinaka-attractive na vocalist sa Pilipinas?!"

  Sa pagkaka-alam ko ang Selena Raymundo na yun ay kontrabida sa isang palabas sa dos! Taray anlandee naman pala nun! Buti na lang di siya ganung kasikat ... kaya siguro gusto mapalapit sa pangalan ni Vincent! Bruha din dadagdag pa sa problema nila Aya!

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon