Chapter 44 - Her Proposal ♥♡♥

2.6K 53 0
                                    

Chapter 44 - Her Proposal ♥♡♥

(Vincent's POV)

Si Aya na mismo ang nag-drive di katulad kanina na ako ang nagmaneho papuntang mall, pabor naman sa akin yun dahil nga masakit na ang braso ko, kaya lang mas lalong nakaka-bahala dahil di na nagsasalita itong fiance ko, masyado na lang siyang tutok sa pagmamaneho. Akala ko, okay pa kahit nakipagsagutan siya pero ngayong di siya nagsasalita nababahala na ko.

Sa relasyon kasi namin ni Aya mas gusto ko pag nagsasalita siya, kahit galit o masasakit ang sinasabi niya, ayos lang kesa sa wala siyang sinasabi. Natatakot ako na baka totohanin niya yung sinabi niya kanina sa grocery, na di niya ko pakakasalan! Iniisip ko pa lang na di niya ko pakakasalan ay mababaliw na ko! Di ko na kasi makita pa ang sarili ko na ibang babae ang ihaharap ko sa altar kundi siya lang talaga.

"M-Mahal ko, gusto mong mag lunch muna tayo o ipagluluto na lang kita?" pagpatay ko sa katahimikan, ngunit ni tingin di niya ko sinulyapan at malamang di niya ko sinagot. Napabuntong hininga na lang ako.

Tinuon ko na lang ang pansin sa labas ng bintana habang palihim na minamasahe ang braso ko, sumakit kasi talaga sa pangangalay! Sumalit na nga ang katawan ko sa pagtulong, nag-away pa kami ng Mahal ko, Letcheng buhay to.

Napalingon ako kay Aya ng bigla niyang hininto ang kotse, magsasalita na sana ako ng naunahan niya ko, "Wait me here"

Di na ako nakasagot pa dahil bumaba na siya agad, sumilip ako sa pinuntahan niya, isa itong jewelry shop at mukhang mamahalin ang mga alahas doon dahil nakikita ko ito na nafi-featured iyon sa mga sikat na tv show.

Ano naman kaya ang gagawin niya dyan? Bugok lang Vincent malamang bibili ng alahas! Bwiset! Nakaka-baliw pala ang di niya pagkausap sa akin -.-

Di na ako naghintay ng matagal dahil dumating din siya after 10 minutes, napansin kong wala naman siyang hawak ni isang kahon, nu kayang ginawa niya dun?

Nang makarating kami sa condo niya ay agad akong naghanda para sa lulutuin ko, para naman kausapin niya na ko. Nag search ako ng mga pagkain ng isang gabi, yung mga dishes na mababa sa cholesterol, carbohydrates at sa kung ano pang nakakataba, kaya kahit maparami si Aya ng kain ay safe yung figure niya! Kasi lagi yun ang kinakatakutan niya, Kung pwede nga lang na patabain ko na lang siya para naman di na siya maging model at wala na ring titingin pa sa kanya, kundi ako na lang ... pero syempre di yun pwede, ang selfish ko pag ginawa ko yun!

Sumilip ako sa living room, nakahiga lang doon si Aya habang nilalantakan na ang ilan sa chocolates na binili niya.

Hinanda ko na naman ang lamesa para makakain na kami, ng matapos ko itong ihanda ay tinawag ko na siya. "Mahal ko kain na" tumayo siya agad pero di pa rin ako pinansin.

Napasimangot ako sa ginawa niya, pero di ko na lang pinansin. Umupo ako sa harap niya, "Kumain ka ng marami, those foods are zero cholesterol and carbohydrates, so it's safe to your figure" masiglang sambit ko.

But she just ignored me, I sighed and put down my spoon and fork. "I know you're mad at me .. but please talk to me ... nasasaktan na ko sa di mo pagpansin sa akin Aya" seryosong sabi ko, pero para na akong tanga na nagmamakaawa sa kanya. Imbis kasi na sumagot siya sa sinabi ko ay binaba niya din ang mga kubyertos na hawak niya, napatakip na lang ako sa mukha ng umalis siya sa pagkakaupo sa harap ng lamesa at iniwan ako dito mag-isa.

Yung mga ganitong oras at panahon na nag-aaway kami ni Aya, di ko maiwasang mafrustrate, sobrang hirap kasi yung tipong takot na takot kang mawala siya, kaya ginagawa mo ang lahat para maging maayos kayo, dahil ayoko ng maulit yung dati. samantalang siya ay di nakikita yung efforts mo sa pagsuyo sa kanya!!!

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon