Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43

Start from the beginning
                                    

Bakit ang sweet namin sa mga pictures na ito? At sa loob ng van kinuha ang lahat ng ito! Bakit may nag-trip at ginawang wallpaper ang pictures namin? Hindi ba nila alam na mahal ang talent fee ko?

Aba... dapat bayaran nila ang pagbalandra ng mukha ko sa kuwartong ito! Balak pa yata nilang gawing tourist attraction ang mukha ko! Kahit ako lang ang bayaran nila at huwag na si Mark. Hindi naman siya pang attract at hindi ako papayag na ibalandra ang mukha niya ng basta na lang!

He's for my eyes only!

Ipinilig ko pa ang ulo ko para pakatitigan pa ang wallpaper. Ang sarap ng pagkakayakap ko kay Mark doon at parang nararamdaman ko pa rin ang paghalik niya sa pisngi at labi ko.

I miss him terribly and...

Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang nangyari kanina.

Nasaan nga pala ako ngayon?! Inikot ko ang paningin ko at Nakita kong maganda ang kuwarto at lalo pang gumanda dahil pictures namin ni Mark ang wallpaper.

Nasaan na ang kidnaper na mabango kanina? Bakit iniwan niya akong mag-isa rito? Ayaw niya bang magpakita sa akin? Para malaman ko kung bagay ba sa mukha niya ang amoy niya? Malay niya, ma-in love ako sa kanya!

Errr! Ano ba itong mga iniisip ko? Parang ang sarap kong pukpukin sa ulo ngayon para matauhan ako at mag-isip ng matino!

Tumayo ako mula sa malambot na kama at nagpalakad-lakad sa kwarto. Hindi ko na sinubukang buksan ang pinto. Sino naman kasing tangang kidnaper ang mag-iiwan ng kinidnap niya nang nakabukas ang pinto? Siguradong hindi rin naman ako makakalabas dito. Ayokong malaman niyang gising na ako at dapat mag-isip na ako ng paraan para makatakas.

Pero in fairness, ang lambot talaga ng kamang hinihigaan ko kanina at ang ganda talaga nitong kuwarto. Ang sarap ma-kidnap kung sa ganitong lugar ka ikukulong. But on the second thought, hindi rin pala. Kasi wala akong makitang ref. Ibig-sabihin, walang pagkain dito sa loob.

Shesh! Nagugutom na ako.

Naupo na lang ulit ako sa gilid ng kama pero halos mapatalon ako sa gulat nang mag-ring ang telepono sa tabi ko.

Tiningnan ko lang iyon at inisip kung sasagutin ko ba o hindi.

Bakit parang may mali yata? May telephone dito sa loob ng kuwarto at gumagana pa? I can contact anyone using that phone to ask for help! Tanga ba ang kumidnap sa akin? Sayang... ang bango pa naman niya.

Tumigil na sa pag-ring ang telepono pagkatapos ng maraming pag-ring. Itataas ko n asana iyon para mag-dial pero hindi ko pa nagagawa ay tumunog na ulit ito. Naiangat ko agad ang receiver dahil sa gulat.

Napapalunok kong itinapat sa tainga ko ang telepono at naghintay na may magsalita sa kabilang linya.

"Finally, you answered the phone!" angil ng babaeng nasa kabilang linya.

Ouch! Nailayo ko sa tainga ko ang receiver. Ayaw naman niyang sumigaw?

"Hello? Are you still there? Hello?" narinig ko pang tanong niya sa kabilang line and obviously, malakas pa rin ang boses niya dahil naririnig ko kahit na nakalayo sa tainga ko ang receiver.

Sino ba itong babaeng 'to? Kung makapagsalita pa sa kabilang line, akala mo ay bingi ang kausap niya. Ang sakit pa naman sa tainga ng boses niya. Sobrang tinis! Mataas pa ang pitch kaysa kay mareng Mariah Carey.

"Aren't you going to speak?!" parang nawawalan na ng pasensiyang tanong niya.

At consistent talaga ang pagka-inglesera niya, ha?

"Okay. Talk to me or I'll shot Renz in the head?"

"W-what?!" Napatayo ako at napahawak ng mahigpit sa receiver.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now