She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22

16.6K 179 48
                                    

Chapter Twenty-One

Lianne's POV

Nagising ako kinabukasan ng may magandang pakiramdam. It feels good, knowing that I slept beside the man I love. Parang ayaw ko nang bumangon at matulog na lang sa tabi niya maghapon. Idagdagan pa ang nangyari sa amin kagabi. I mean, the make out thing on the couch! We did not do anything after we eat. We just slept.

Umikot ako sa pagkakahiga para humarap sa katabi ko at yakapin siya.

"Good morning," nakangiti pero nakapikit kong pang sabi at saka ko niyakap ang katabi ko.

Huh? Bakit parang sobrang lambot naman yata ng katabi ko at ang lamig?! Nasan na ang hot padesal ko sa umaga?! Bangkay na ba?!

Nagmulat ako ng mata at nakita kong unan pala ang nayakap ko. Bumangon ako paupo sa kama at niyakap ang tuhod ko kasunod ang pagpatong ng baba ko doon. Napasimangot ako.

Nasaan na si hot pandesal, este si Mark? Bakit inwan niya ako? Hindi niya man lang ako hinintay magising. He should have watched me sleeping and steal kisses from me. Hindi man lang siya ang unang nakita ko ngayong umaga.

Para akong bata na nagpapadyak sa kama. Pagkatapos ay tumayo na ako at dumiretso ng bathroom para mag-toothbrush, maghilamos at umihi na rin.

In almost ten minutes, natapos ko ang mga dapat kong gawin sa loob ng bathroom. Palabas na sana ako nang mapansin ko ang robe ko na suot ni Mark kagabi, na nakalagay sa hamper na nilalagyan ko ng mga maruming damit.

Bakit nandito ito?! Anong suot ngayon ni Mark?! Wala?! Ngayon niya na ba tototohanin ang sinabi niya kagabi? Nabuhay na naman ang kalandian ng isip ko at excited akong lumabas ng kuwarto. Pero katulad nang nangyari kagabi, tumunog na naman ang tiyan ko pagkaamoy ng kung ano mang niluluto ni Mark sa kusina.

Dumiretso ako sa kitchen and I saw the sexy back of my loving husband... este, my loving boyfriend palang pala. He's topless but wearing boxer shorts now. Napailing ako. May boxer shorts naman pala siya pero nag-brief lang talaga siya kagabi!

He intentionally teased me last night! Or maybe he really wanted to do it!

Napaangat ang tingin ko sa malapad niyang likod. Napasandal ako sa hamba ng pintuan. I was feeling that massive back last night. It was really toned. Pumasok na naman sa isip ko ang mga posibleng mangyari kagabi kung hindi kami na-distract ng tiyan ko. Ang malanding pagkatao ko ay nakaramdam ng sobrang panghihinayang.

Naramdaman niya yatang may nakatingin sa mapang-akit niyang likod kaya napalingon siya. He smiled when he saw me at the entrance of the kitchen, and I notice that he's wearing an apron. Pero imbis na mainis ako dahil natatakpan niyon ang hot pandesal na kanina ko pa hinahanap, parang lalo lang siyang naging sexy sa paningin ko.

How is that even possible? Oh, gosh... there's a lot of impossible things that happened to me ever since that that Boracay vacation with our families.

"Good morning, Babe," bati niya. "Hungry?"

"Good morning!" ganting bati ko sa kanya at hindi ko na sinagot ang tanong niya. Alam na niya ang sagot doon!

Ibinalik niya ang atensiyon sa niluluto niya. Lumapit naman ako sa kanya para tingnan kung ano'ng niluluto niya. Cheese omelet again. He knew I love it any meal of the day.

I tiptoe to kiss him on the cheek, but he suddenly turned his head on me. My lips landed on his. It was just a smack. Nakangisi siya nang matapos iyon. Sinadya niya talagang lumingon!

Kinurot ko siya sa tagiliran bilang ganti.

"Ouch, Babe! Don't! Baka matapon 'tong niluluto ko," he complained while laughing at hinawakan niya ang isa kong kamay ng mahigpit.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now