She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50

15.1K 166 29
                                    

Chapter Forty-Nine

Mark's POV

I was frowning when I get out of their house. Ako na nga itong nasaktan, ako na nga itong makikipag-ayos, ako pa itong natataboy. Tinanggihan pa ang dala kong tsokolate! She didn't even kiss me back when I kissed her!

Hindi naman na ako galit sa kanya. I know in my heart that she doesn't know anything about it. Hindi na siya pumupunta doon kaya paanong siya ang gagawa niyon? Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, hindi iyon gagawin ni Lianne. Kahit pa sobrang crush niya ang lalaking iyon!

That Ejhay did that! Sinasabi ko na nga ba at may gusto siya kay Lianne! With those pictures on the wall? Man, he's obsessed with my girlfriend and I'm going to kill him when I get to see his face in our village!

Nagalit lang ako dahil hindi ko alam na ganoon sila kadalas na magkasama sa university. I mean, of course magkaklase sila sa ilang subjects at magka-org. Pero wala bang ibang kaibigan ang lalaking iyon at si Lianne ang palaging kasama? And yes, they look good together and that's what I am angry about.

Bakit kailangang ganoon sila kabagay? Oh crap... I don't really want to say this but looks like they were made in heaven!

Damn it! But I could give heaven and earth, if Lianne asks for it!

Pero ano bang problema ni Lianne? Nagpalamig lang naman ako ng ulo kaya hindi ko siya ginulo nitong nagdaang araw. And I was hoping that she'll try to talk to me first and she did, but only to tell me to get her later at midnight.

At ang mamang marupok, natuwa agad at pinuntahan siya. At heto... naramdaman lang ang pagiging cold niya.

But whatever! First thing first... I need to talk to Myleen. Magkakaayos rin naman kami and that's for sure. Lalo na sa surprise ko sa kanya para mamaya. It was scheduled tomorrow night, pero dahil mukhang gusto niyang salubungin ang second monthsary namin, pagbibigyan ko siya.

I called Myleen and I'm glad na sinagot niya agad ang cellphone niya. Nakikisama ang langit at lupa para sa akin ngayon. I just hope na hindi siya busy at maasikaso niya ang lahat ng kailangan para sa date namin.

"Who's Mark?" It was a man's voice.

Napakunot ang noo ko at tiningnan ang screen ng cellphone ko kung tama ba ang na-dial ko. Tama naman. Pero bakit naging boses lalaki si Myleen? Did she just undergo surgery or what? I mean, sa yaman nila, she can. Pero iba ba talaga ang kulay ng dugo niya like the rumors around the campus?

"Hello, My?" hindi ko siguradong sabi.

"I said, who's Mark?" the same male voice.

"Hi, I'm a friend of Myleen?" I answered, still puzzled.

"A friend?" ulit niya. "With a question mark, Mark?"

"Yes... no! I mean yes, I'm her friend."

"You know what? If I were you, I'd stop calling her, because she's not available anymore. I've got rid some of her flings already and it's better if you just get out of her life willingly or you never going to like what I can do. Bye—"

"Hey, wait!" naaalarmang pigil ko sa balak niyang pagputol ng tawag ko. "I'm really Myleen's friend and I need a favor from her for me and my girlfriend."

Alright, maybe he's Myleen's boyfriend. Sa tono niya pa lang ngayon ay sigurado na ako and I might do the same sa mga umaaligid kay Lianne na lalaki.

"For your girlfriend?" may dudang tanong niya. "It's an old trick, man. Stop—"

"Harry!" I heard Myleen shouted. "Who are you talking to on my phone?!"

"Don't call me Harry. Have you forgotten that I'm your boss?" mahinahon pero may awtoridad na sabi ng kausap kong lalaking tinawag na Harry ni Myleen.

♡ Playing Love Games ♡Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ