Still Playing ♡ Chapter 3

14.3K 170 49
                                    

Chapter Three

Lianne's POV

Nag-aayos ako ng mga gamit ko. Maglalayas kasi ako. Joke! I'm moving out of the house. Hindi ako pumasok ng mga nagdaang araw sa school just to find a place. Luckily, I found yesterday. And I'm moving in today.

Mabuti na lang at fully furnished ang nakita naming condo unit and it is located in between our house and the university I'm attending.

Akala ko nga mahihirapan akong kumbinsihin sila Daddy na gusto kong nang magsarili. Pero hindi naman sila tumutol sa gusto ko. Malaki na raw ako at may tiwala naman sila sa akin. And that's a relief for me.

I'm a little excited for my new environment and way of living! Sosyal na rin ako katulad ni Myleen! Magkasing yaman na kami! Kidding. Afford naman naming bumili ng sarili kong unit pero hindi naman kasi ako sanay na nakahiwalay kila Mommy. Sasanayin ko pa lang ngayon. And I didn't have the need to move out of our house before.

But now... I have the motivation to do so. Which is to avoid Mark. And yep, that's is the main reason I'm moving out. I want to move on in peace at hindi ko magagawa iyon kung nandiyan lang siya palagi sa paligid.

Ayayay! Pag-ibig nga naman... kailangan ko pang masaktan para lang matuto ako sa buhay.

Napabuntong-hininga ako sa isiping iyon.

Matatapos na ako sa pag-aayos ng mga damit at gamit ko sa school nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko, kasunod ang pagbukas niyon at ang pagpasok ni Mommy.

"Mom..." nakangiti kong bigkas.

Lumapit siya sa kama ko kung saan ako nakaupo at saka siya naupo rin sa harap ko.

"Hindi ko napansin na ang laki na pala ng anak ko," masuyo niyang sabi habang mataman akong pinagmamasdan.

"Mommy, lumaki lang ako pero ako pa rin naman 'to..." I tried my best para ngumiti ulit sa kanya at hindi ipahalata na partly, ayoko rin naman talaga umalis. Baka kasi biglang magbago ang isip niya kapag nahalata niya iyon.

At isa pa, ayokong malungkot si Mommy. Kahit pa hindi naman kalayuan dito sa bahay iyong nabili naming unit, alam kong nalulungkot pa rin siya dahil hindi na ako dito sa bahay araw-araw uuwi.

Kahit naman excited akong lumipat dahil nga parang kasing sosyal ko si Myleen, nalulungkot pa rin naman ako na mahiwalay sa parents ko at kay ate Hannah. Ngayon pa nga lang kami magiging close. Pero magiging close pa rin naman siguro kami kahit na tuwing weekend lang ako uuwi.

Hindi ko lang din talaga kakayanin kung makikita ko ang mga gagawin ni Mark para sa kanya sa mga susunod na araw.

Will he do the same things he did for me? Or maybe more than those things.

Huminga ulit ako ng malamin nang maramdaman ko ang sakit sa dibdib ko. I don't want to think about it anymore.

"I'll always come by to check on you there," sabi ni Mommy at hinaplos niya ang buhok ko.

"Mom, hindi niyo na po kailangan gawin iyon. Puwede niyo naman akong tawagan na lang. Mapapagod ka lang kakapunta sa unit ko." Nilagay ko na ang huling damit na daldalhin ko sa loob ng suitcase.

"Pero iba pa rin kung nakikita kita," katwiran niya.

Hay... si Mommy talaga. Parang mangingibang-bansa ako at matagal pa bago bumalik.

"Mommy, ang usapan naman natin ay uuwi ako tuwing weekends, 'di ba?"

"I know, I know..." Ngumiti si Mommy at hinaplos niya ang pisngi ko. "But you are my baby girl."

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon