She Played Her Part ♡ Chapter 13

16.4K 174 25
                                    

Chapter Thirteen

Lianne's POV

At dahil sinabi ni Myleen kagabi na ngayon kami magba-bar, nandito nga kami sa bar ngayon. Kasama rin namin sina Faye at Tracy. Si Myleen ang nagprisintang magkwento sa dalawa kung bakit ako nakikitira sa unit niya ngayon at hinayaan ko naman. At ang mga bruha, nagsiiyak! Pang-best actress ang crying moment nila kanina. At ako naman, pinagmukha nilang naulilang lubos.

I just rolled my eyes. Ayoko nang umiyak. Tama na ang iniyak ko sa nagdaang dalawang gabi. Kahit umiyak naman ako nang umiyak, wala ng magbabago.

Hinihintay rin namin si Ejhay. Ngayon namin siya kakausapin kung puwede akong tumira sa unit niya. Sana lang pumayag siya. Pero mukhang papayag naman siya. Mabait, eh...' Tapos ang gwapo pa. Oopss! Anong connect?

Saglit lang naman niya kaming pinaghintay, mga forty-five minutes lang! Pero hayaan na lang. Kami naman ang may kailangan sa kanya, eh. I mean, ako lang pala.

"Hi, girls! Sorry, I was stocked in the traffic," malayo pa lang ay bati na sa amin ni Ejhay. Hindi naman siya gaanong nakaagaw pansin ng ibang tao kahit malakas ang boses niya, kasi maingay rin dito. Hello?! We're in a bar.

Pero ang agaw pansin ay ang bigla na lang pagsunggab ng isang babae kay Ejhay at halikan siya sa mga labi.

Nanlaki ang mga mata namin nila Faye at Tracy pero parang natural lang kay Myleen ang nakita. Mas nagulat pa nga si Ejhay sa ginawa ng babae. Pero ng makabawi, nginitian niya ang babaeng humalik sa kanya and they chatted for a minute. Pagkatapos ay iniwan na rin siya ni Ejhay para lapitan kami.

"I'm sorry about that," napapailing niyang hingi ng paumanhin habang unuupo sa bakanteng upuan sa table namin. Kumuha siya ng tissue at ipinunas sa labi niya. Hindi ko alam kung nandiri ba siya sa babae o dahil alam niyang dumikit ang lipstick ng babae sa mga labi niya.

Mas gusto kong isipin ang una.

"Hindi pa rin pala nakaka-get over sa 'yo si Vanilla?" wika ni Myleen kay Ejhay habang nakatikwas na naman ang isang kilay. "Iniwan-iwan ka tapos maghahabol sa 'yo ngayon."

"Let's not talk about her, My," iwas ni Ejhay at iniba niya ang topic. "So, what do need, girls?"

Mukhang ayaw niyang magpa-hot seat ngayon sa amin.

"Itong si Lianne," panimula ni Myleen at itinuro ako. "Kailangan niya ng matitirahan. Ayaw na kasing umuwi sa kanila. Eh, poor siya ngayon. So, puwede bang ipagamit mo muna sa kanya 'yong unit mo?"

Ang walang'ya talaga nitong kaibigan ko. Pinapahiya na niya ako at sa harap pa nga crush ko! Pasalamat siya, pinsan siya ni Ejhay!

"Kung puwede lang naman..." Nahihiya kong dagdag sa mga sinabi ni Myleen kasunod ang awkward kong ngiti.

"Sure!" walang alinlangan niyang pagpayag. "You can stay in my unit but every weekend nga lang, nandoon kami ng mga kaibigan ko. Doing some stuff," dagdag pa niya.

"Stuff like?" curious kong tanong.

Jusko! Ibang stuff ang iniisip ko. Kasama daw kasi ang mga kaibigan niya, eh. Malay ko ba kung anong stuff ang ginawa nila!

Knowing guys... Baka...

Natawa siya. "Oh, sorry. I mean, nagpa-practice kaming tumugtog every weekend doon."

Nabasa niya yata ang nasa utak ko. Very good! Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko lang naman kasi kung ano na! Very good boy nga pala kasi itong si Ejhay.

Ay, jusko talaga! Ang utak... napaka berde!

"It's fine with me. Pero hindi ba nakakahiya?" Totoong nahihiya ako sa kanya. Hindi pa naman kami ganoon ka-close pa makitira ako sa unit niya at wala rin akong pambayad! Well, for now wala pa akong pambayad dahil wala pa akong trabahong nakukuha.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now