She Played Her Part ♡ Chapter 51

15.1K 159 68
                                    

Chapter Fifty-One

Mark's POV

Nandito kami ngayon sa park. Ayaw pa niyang umuwi kahit alas tres na nga ng madaling araw. Mukhang na-miss niya yata ako nitong nagdaang araw na hindi ako nagpakita o nagparamdan sa kanya. Oh, well... pabor naman sa akin. Kahit pa buong araw kaming magkasama.

Nakasandal lang siya sa gilid ko at nakatingala na naman sa langit. Hindi ako magtataka kung magka-stiffed neck siya. Mas okay sana kung ako ang tinitingala niya. Edi sana, hinalikan ko na siya. Halos wala na rin naman kasing stars gaano. Natakpan na ng ulap ang karamihan.

Mukhang uulan pa yata. Huwag sanang biglang bumagsak.

I don't feel bored kahit na wala naman kaming ginagawa. Pero nami-miss ko ang kadaldalan niya. Hindi siya ganoon kadaldal ngayon. Nakikipagkuwentuhan naman siya sa akin kanina sa pinagdalhan ko sa kanya. Pero dito ngayon sa park, halos hindi siya magsalita.

Nilaru-laro ko sa mga daliri ko ang dulo ng buhok niya. Hindi siya nag-react. Usually kapag ginagawa ko iyon ay pinipigilan niya ako dahil nakikiliti siya. Pero kahit yata anong gawin ko sa buhok niya ngayon, hindi siya magre-react.

Hindi kaya inaantok na siya? Bakit hindi na lang kami umuwi? We can stay to my room or her room.

Kinuha ko naman ang kamay niya at iyon naman ang nilaro ko. Hindi pa rin siya umiimik. Kaya niyakap ko na siya mula sa likod at ibinaon ko ang mukha ko sa buhok niya.

"Mark, ano ka ba? Baka may malignong nakatingin sa'tin," inis na sabi niya. Bahagya pa siyang lumayo sa akin.

Natawa naman ako ng malakas. Ang mga maligno talaga ang iniisip niya ngayon? Ngayon na nilalambing ko siya? Nang tumingin ako sa mukha niya, hindi naman inis ang nakita ko doon kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Ibinaon ko ulit ang mukha ko sa buhok niya.

"Really, Mark?" natatawa niyang sabi.

"Ang tahimik mo kasi..." I lifted my face to look at her again.

"Baka magising ang mga kapit-bahay natin kapag dumaldal ako," pabulong niyang sabi na ikinatawa ko ulit.

Oo nga naman pala. Makakabulabog siya ng mga tulog. Mas okay na nga sigurong tahimik na lang muna siya dahil baka damputin kami ng mga nagpapatrol na guwardiya.

"Mark..." tawag niya sa akin makalipas ang ilang minuto na nakayakap lang ako sa kanya habang hawak naman niya ang mga kamay ko.

"Uhmm?"

"Wala..."

Napangiti ako at ipinatong ang baba ko sa balikat niya.

"Hey..." Lumayo siya dahil nakiliti yata siya sa ginawa ko. Sa wakas nakaramdam din siya.

Pero dahil makulit ako, hinarap ko siya sa akin at hinalikan ko siya sa noo. "I love you..." bulong ko.

∞∞∞

Lianne's POV

I smiled.

A girl should know that the sweetest kiss ever is the kiss on the forehead. It means the man respects her wholeheartedly... he's grateful to have her... she's special to him... he wants her to know that he's always there... he loves her even he doesn't say it. And there are a lot more meaning to it.

"Mark..." tawag ko ulit sa kanya.

"Hmm?"

Gusto ko sana sabihin ulit na 'wala' pero baka abutin na kami dito ng umaga at hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now