Bet Your Heart ♡ Chapter 6

27.8K 360 55
                                    

Chapter Six

Mark's POV

Ang lamig-lamig pero naka-sleeveless at shorts lang siya. Parang walang pakiramdam itong babae na 'to, kaya naman niyakap ko siya. At baka kasi kapag may rules na siyang binigay sa akin, hindi ko na rin magawa ito sa kanya.

Susulitin ko na ngayon ang free hugs. Dapat nga pati kiss, free rin. Kaso nga lang nakainom ito, baka bigla na lang akong sapakin kapag hinalikan ko siya.

"It's so cold, alam mo ba yun?" pabulong kong tanong sa kanya at sinadya ko pang ilapit ang bibig ko sa tainga niya.

Sinusubukan kong akitin siya at baka makaisa. Joke! I not going to harm her dahil baka sa huli, ang buhay ko ang maging delikado sa kanya. May pagka-amasona pa naman.

It made her shiver at narinig ko pang napasinghap siya bago nagsalita. "P-parang hindi naman."

Napangiti ako dahil sa pagkautal niya. May epekto naman pala ako sa kanya kahit papaano.

Hinigpitan ko pa ng kaunti ang pagkakayakap ko sa kanya para maibsan ang lamig kahit hindi niya naman daw nararamdaman.

Namamanhid siguro siya ngayon dahil sa nainom namin.

Ang sarap sa pakiramdam na yakapin siya. Para akong may batang yakap sa liit niya. Okay, hindi naman siya ganoon kaliit. Normal lang ang height niya para sa isang Pilipina.

"M-Mark, ano ka ba?" reklamo na niya.

Napapangiti talaga ako kapag nauutal siya. Kinakabahan siguro siya. Kinakabahan siya because we're too close that I can almost breathe her.

"Let's just stay like this for a moment," hiling ko.

Hindi na rin naman siya tumutol pa. Hinayaan niya na ako at isinandal na lang niya ang kanyang ulo sa dibdib ko na lalong nagpangiti sa akin.

It's just that... it feels so good.

Ewan ko rin kung bakit pero masarap lang talaga sa pakiramdam. Iyon bang parang ang native ng feeling? Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin habang nakatayo lang kami doon na nakatanaw sa madilim na dagat sa harapan namin at yakap ko siya. Hampas lang ng alon sa dalampasigan at ihip ng hangin lang ang naririnig na nag-uusap sa paligid.

Napaka-peaceful ng lugar at nakaka-relax. Nakadagdag pa sa masarap na pakiramdam ang pagkakayakap ko sa kanya ngayon.

Napapikit ako habang nilalasap ang magandang pakiramdam. We could stay like this the whole night and I won't get tired standing here.

"Mark..." tawag niya sa akin.

"Uhmm?" I answered without opening my eyes.

"Bakit playboy ka?" she suddenly asked na nagpamulat sa mga mata ko.

"I am not," tanggi ko habang nakakunot pa ang noo. Dahil hindi naman talaga ako playboy.

"Of course, you are!" giit niya.

"I'm not and I'd never been. Habulin lang talaga ang kaguwapuhan ko," natatawa kong sabi na may halong kayabagan na biro.

Alam ko naman kasing hindi siya maniniwala pero iyon ang totoo. Hindi naman kasi porket may mga babaeng naghahabol sa iyo ay playboy ka na.

Minsan may mga babae lang talaga na assuming. Iyon bang gawan mo lang minsan ng mabuti, iisipin nang may gusto ka sa kanila? They will fall for you because of your kindness and thoughtfulness that you did for them, then in the end maghahabol sila sa'yo kasi akala nila, ginawa ng mo iyon on purpose na ma-fall talaga sila sa iyo kasi may gusto ka sa kanila.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon