Chapter 30

1K 53 19
                                    

Ella's POV

I don't know what's that all about, basta ang alam ko lang is yun na yun. Yun na dapat yun. The indication that she still loves me. Na pwedeng maging kami ulit. Pero ikakasal na nga pala siya. Mas lalong hindi na kami pwede. Am I assuming things again?.

Nauna nang bumaba si Gabb kasama si Rans. Parang seryoso yung pinag-uusapan nila.

"Anong ginagawa nyo sa loob ha?." Napakamalisyosa talaga ng babaeng to kahit kailan.

"W-wala. Sinamahan nya lang akong magbihis."

"Sure? Bihis lang?."

"Alam mo, para kang tanga. Nagbihis nga lang ako. Nabasa kasi ako kanina dun sa pool."

"Ba't ka naman kasi naligo?."

"Hindi ako naligo. Tinulak ako ni Gabb sa tubig. Gusto nya kasing kunin ko yung singsing na nahulog sa pool."

"Singsing?."

"She's engaged. Kaya ikaw, tumigil ka na sa pagpupush kay Gabb sakin. Pinapalala mo lang ang situation."

"Pano kung mahal ka pa rin niya?." Baba namin at kumuha ng drinks.

"Hindi naaa. Ikakasal na nga diba? Ibig sabihin mahal niya yung lalaki."

"Ayan ka na naman, pinapangunahan mo na naman si Gabb. Kaya kayo hindi nagkatuluyan dati eh. Masyado kang padalos dalos. Kung hindi lang talaga kita pinigilan dati malamang nag donate ka na ng puso ng wala sa oras. At malamang din sa malamang, mamamatay si Gabb sa sama ng loob."

"Hindi kami nagkatuluyan dahil iniwan niya ako, kinalimutan at pinagpalit. Yun yung malinaw dun Belle. Kung mahal niya talaga ako, ba't niya yun ginawa?."

"Edi tanungin mo siya."

"Ayoko ko nga."

"Ngayon ma pride ka narin? Alam mo Ella, walang mangyayari sa inyo kung ganyan ka. Mahal mo parin diba?."

"Oo. Pwede, baka, posible--"

"In denial ka rin? Tsk. Seryoso ka ba?. Ella namaaan."

"Belle, ikakasal na siya."

"Naagaw mo siya dati sa mga babae niya, tapos maduduwag ka lang na agawin siya sa isang lalaki?."

"Iba naman kasi yung kaso dati sa ngayon. Mahal niya yung lalaking yun. Belle, hindi ko ugaling manira ng relasyon--well, not anymore." Inom ko at umupo sa couch. Tumabi si Belle sakin.

"Pero magiging miserable ka habang buhay. Pagsisisihan mo lahat ng mga bagay na di mo ginawa. Ella, this is your chance. It's now or never."

Ang gulo. Ang gulo gulo.

..

Gabb's POV

Nag-uusap lang kami ni Rans about my upcoming wedding nang lumapit samin si Coco. Kakarating niya lang.

"Coco--"

"Hey--" yakap nito samin.

"Mabuti naman andito ka na." Sabi ni Rans.

THE LEGEND OF US (uniphant)Where stories live. Discover now