Chapter 12

1.1K 49 1
                                    

Gabb's POV

Nag-uusap lang kami ni Coleen nang biglang lumapit samin ang kaibigan kong si Gia.

"Hey. You're here." Tayo ko at bineso si Gia.

"Hmm miss me?."

"Oo naman. Grabe, buhay ka pa pala haha. Tagal mong di nagparamdam ah."

"Ikaw nga eh, naninibago ako sayo. Anong nakain mo ba't nagpagupit ka ng ganyan? Wag mong sabihin saking--" bago pa siya makapagsalita ng ikapapahamak ko, sumabat nako.

"Ah sya nga pala Gia, si Coleen. Coleen, si Gia. Friend ko since elementary."

Nagkamay naman sila.

"Chix to ah. Girl, may kapatid ka?." Tanong pa ni Gia. Napaka fc talaga nito kahit kailan.

"O-oo."

"Mas matanda o mas bata?."

"Mas bata."

"Ay lagot. Wag nalang pala. Bata, kulong."

Hahahaha.

"Bakit ka nga pala napadalaw rito?." Upo namin.

"Hellooo, anong napadalaw? Dito nako mag-aaral. First day ko bukas dito. Kaya hinahanap kita, magpapatour sana ako sayo. At saka section Dimitri ako. San ba yun?."

"Dimitri? Dimitri din ako. Classmates pala tayo." Masayang sabi ni Coleen.

"Oh ayan. May kakilala ka na. Patulong ka nalang sa kanila sa adjustments."

"Thank you talaga girls." Hila niya samin para mag group hug. Kumawala rin sya agad.

KINABUKASAN

Sinamahan ko si Gia sa classroom niya. Nasa loob na si Coleen. Pero si--

"Excuse me." Nakaharang pala kami sa entrance ng classroom nila. Andito ngayon si Ella na medyo masama ang tingin samin.

"Oh it's you. Ikaw yung kahapon. Classmates pala tayo." Masayang sabi ni Gia.

"Gia right?."

"Oo. Ikaw?."

"Ella."

"Nice to meet you Ella."

Parang masama pakiramdam ko dito.

"Uhm sige girls ah, mauna nako. Baka malate pako sa first period. Gia, mamaya ah? Kita nalang tayo sa cafeteria."

"Sige. See you Gabb." Sabi niya lang at pumasok na sila ni Ella.

Recess.

Kasama ko si Gia,but then she invited Coco and Ella to join us. Katabi ko ngayon si Coco. Si Gia panay patawa parin. Kinukwento niya yung mga pangyayari kanina sa klase nila. Napakunot nalang ako ng noo nang makitang sobrang interesado at tawang tawa si Ella sa kanya. Tsk.

Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa akiy aliw at tila ba itoy hulog pa ng langit

Bakit pakiramdam ko laging hanggang tingin nalang ako kay Ella? Ito na ba yung cons for setting her free?. Kinakausap ako ni Coleen pero panay tango lang ako. Sobrang bilis naging close ni Gia at Ella. Every recess time sila na yung laging magkausap, kahit minsan kapag dumadaan ako sa classroom nila, sila parin yung laging magkasama. May paholding hands pa.

THE LEGEND OF US (uniphant)Where stories live. Discover now