Chapter 5

1.2K 55 3
                                    

Ella's POV

Pag Mahal ko na siya? Siraulo ba siya? Never mangyayari yun! Hindi naman ako nagkakagusto sa girls. Lalo na sa isang tulad niya.

Pero jowa mo na siya Ella. Dahil natalo ka. Masyado lang siguro akong naging curious kung bakit niya to ginagawa. Kasi there has to be a reason why she's like that.

"Sorry, you have your rules Akin and I have mine. 7pm at asdfghjkl restaurant. That'll be our first date. See you there." Ay? Demanding? Tsk. Umalis na siya.

Uwian na. Kasama ko ngayon si Coco. Nasa kotse na kami.

"Mars." Tawag niya sakin.

"Bakit mars?."

"Si Josh.."

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?."

"Ilang araw na syang nagpaparamdam. Anong gagawin ko?."

"Kai-kailan mo ba pinatay?."

"Huh? Anong pinatay? He's not dead silly. I mean diba matagal tagal na rin kaming break? Nagpaparamdam ulit siya ngayon."

"Pano yan? Anong plano mo?."

"Eh naguguluhan akooo."

"Mahal mo pa ba?."

"Siguro, baka. Ang gulo."

"Ba't ka naguguluhan?."

"Eh kasi gusto ko rin si Gabb." Yun lang. Tapos ako tong traydor na kaibigan jinowa yung crush ng best friend ko. Pero di ko naman kasi sinasadya. At saka di ko naman gusto yung taong yun kaya walang dapat ipag-alala tong si Coco.

"Girl. May girlfriend kasi si Gabb baka naman--"

"I heard break na sila ni Belle."

"D-di natin alam baka may bago ulit or may iba pa syang back up. Si-siguro taga ibang school. Wag na yun girl. Sasaktan ka lang ulit nun."

"I tried naman na magmomove on girl. Pero parang hindi pa talaga right time."

I feel really bad about this. Ano ba tong pinasok ko? Tsk.

7:30pm. Kumakain na kami ni Gabb.

"Mahal ka ni Coco. Pwede bang itigil na lang natin tong kalokohang to?."

"Agad agad? Akin, wala pa nga tayong one week. Ang bilis naman."

"Ano ba kasing kailangan mo sakin ha?."

"Sinabi ko na kasi sayo. Yang puso mo."

"Tsk. Alam kong echosera ka. Sabihin mo na, bakit nga?."

"I'm not gay but I want my parents to think that I am para di na nila ituloy ang pagpapakasal ko sa lalaking di ko naman mahal." Dirediretso niyang sabi.

Silence.

Out of nowhere, bigla nalang akong natawa tapos sumeryoso agad ang mukha.

"And you really think na maniniwala ako dun? Cliché na ang ganyang stories online. Wag mo naman akong lokohin. At saka you're not gay? Tsk. Joke ba yun?."

"Diba pwedeng magaling lang akong umarte?. Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta ako, ginawa ko na ang part ko. Sinabi ko na sayo ang totoo."

"Sige, sabihin na nating totoo yang sinasabi mo. Pero bakit? Bakit kailangan mo pang manakit ng iba?."

"Hindi yun ang intention ko, okay?. Siguro nagkataon lang na I bumped into those people while I was searching for the right one. Malay ko ba na lahat pala sa kanila marupok. At saka dun sa best friend mo, I'm sorry. I was really just being nice to her. Di ko siya pinasa gaya ng ibinibintang mo sakin."

"And why would I believe you?. Ano? Nakita mo na ba yung right one?."

"Oo. I-ikaw. Knowing you these past few days, I'm impressed. Hindi ka madaling mahulog."

"Wait wait. So you need me to pretend? Ano ba to? Movie? Ayoko. Hindi ako magaling magsinungaling. Baka mapahamak pako diyan."

"Ayaw mong magpretend? Edi totohanin mo. Basta wala akong maipapangako sayo. Dahil sure ako na I don't like girls."

"Bakit parang palaging pabor sayo ang situation?. Hoy Gabo, straight din ako no. Kala mo sakin?."

"Okay. Sabi mo eh. Pero sige na, tulungan mo nako. Please. Ayoko lang talagang ikasal kay Eli." That moment, nakita ko ang sincerity sa mga mata niya. Totoo ba to o umaarte lang siya?

Napaisip ako.

"Sige na sige na. Pero ano namang makukuha ko pag tinulungan kita?."

"I'll give you my car."

"K-kotse?."

"Tinranslate mo lang eh. Oo nga. And I never break a promise."

Hmm ibig sabihin may sarili narin akong kotse. Hindi ko na kailangang sumabay kina mommy every morning at hindi na mapapagod si Mang Ben sa kakahatid sundo saming dalawa ni mommy. Na kay Daddy kasi ang isa naming kotse. Madalas niya yung ginagamit pag may business trip siya.

"Seal it." Sabi ko. Nagulat ako nang bigla niya kong hinalikan sa pisngi.

"Ba't mo ko hinalikan?."

"Sealed with a kiss yung kasunduan natin."

"Nananyansing kalang eh. Diba kasali sa rules natin na--"

"Walang ibig sabihin yun, wag kang OA." She rolled her eyes. Now nakikita ko na yung girly side niya. At saka ang hinhin niyang kumain. Ibang iba sa pinapakita niya sa school.

Hinatid niya ko samin. Pero bago ako pumasok samin, huminto muna kami sakay ng kotse niya sa harap ng bahay namin.

"See you tomorrow Akin." She smiled.

Di ko lang siya pinansin at lumabas na ako agad ng kotse.

KINABUKASAN

Para ngang mas madali na ang pagpapractice namin ngayon. Hawak hawak niya ang kamay ko. Yun daw kasi sinabi nina Abby na gawin niya.

"Ganito. Dapat sinasanay daw natin na hawakan ang isa't isa para hindi maging awkward sa play pag magkasama tayo sa isang scene." Sabi niya.

"Baka gawa gawa mo lang to ah. Gusto mo lang talagang hawakan ang kamay ko."

"Hindi ah. Alam mo, napakafeeling mo. Ni hindi nga kita type eh. Makaarte ka diyan."

"Ah ganun? So ano? Panget ako?." Buti nalang busy sa pagpeprepare ng props ang mga tao.

"Ba't ka nagagalit? Haha gusto mo bang maging type kita?."

"H-hindi."

"Sinabi ko na sayo diba? I'm straight. Si Shawn. Ganyan ang mga tipo ko. Lalaki ang gusto ko."

"Si Shawn? Mukha namang bakla yun. Mas maarte pa yun sayo. Naliligo pa ata yun ng alcohol."

"You're jealous." She smiled.

"No way. Ba't ko naman pagseselosan ang mukhang unggoy nayun? Maputi lang siya. Kung makaasta kala mo naman kung sinong gwapo."

"Ang cute mo."

"Correction. Maganda ako."

"At nagseselos ka."

"Oo nagsese--Hi-hindi nga kasi tsk. Feeling mo naman--"

"Hindi pala eh. Sige ah, tulungan ko lang si Shawn. Baka kailangan nya ng massage. Alam mo na.." at yun nga ang ginawa niya.

She's breaking our rule na bawal makipaglandian sa iba.

THE LEGEND OF US (uniphant)Where stories live. Discover now