Chapter 6

1.2K 54 5
                                    

Gabb's POV

Ba't ko nga ulit ginagawa to? Hmm wala. Gusto ko lang talagang asarin ng asarin si Ella. Wala lang. Feel ko lang. Siguro I want us to be more convincing din.

Our relationship in front of my parents would look fake kung mukhang hindi kami ganun ka close ni Ella. At sabi nga nila mas nagiging close kayo pag palagi kayong nag-aaway. Dun nyo kasi nakikita yung totoo talagang ugali ng isa't isa. Well ako alam ko na ang iba sa masasamang ugali ni Ella, and I think I could deal with it naman. Sanayan narin.

Break time. Tinabihan ko siya habang kumakain. Parang wala sa mood ah.

"Hmm date ulit tayo mamaya ah." Mahina kong bulong rito.

"Ba't di nalang si Shawn yung yayain mo?. Diba sya naman yung type mo?. Dun ka na." Sabi nya sakin. Galit?

"Galit ka te?."

"Hindi. Pwede ba? Lumayo ka sakin. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo."

"Pano kung ayoko?."

"Edi ako ang aalis." Pero pinigilan ko siya at pinabalik sa inuupuan niya.

"Ano bang problema mo ha?." I said holding her shoulders.

"You promised. Diba kasali sa rules? Bawal makipaglandian sa iba. You can't risk the chance that someone might fall for you and end up breaking."

"Okay. Sorry. I forgot. Hindi na mauulit. Pero di ka talaga nagseselos?."

"Hindi nga kasi."

I held her hand staring intently into her eyes,

"Wala ka namang dapat ipag-alala eh. Sayo lang ako. Oops. Bawal kiligin. Kasi mahirap pag ako'y natutunan mong mahalin."

"As if naman mangyayari yun. At saka, patunayan mo muna na straight ka. Baka mamaya nyan you're taking advantage of me na pala."

"Hindi ko gagawin yun sayo. Friday na ngayon."

"O tapos? Anong connect?."

"Sleepover ka samin. Walang tao sa bahay."

"Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait?. Ayoko nga."

"Napakamalisosya mo kahit kailan. Syempre, magbabatohan tayo ng lines. Ilang days nalang ang natitira satin. Sa Monday na yung play."

"Sabagay. Pero ikaw magpaalam sa parents ko."

Kinagabihan. Nasa bahay na namin kami. Inaayos ko na ang higaan namin. Kakatapos lang naming magpractice.

"Pano mo napapayag si mommy?." Takang tanong ni Ella.

FLASHBACK

Nasa labas si Ella dahil takot syang makinig sa conversation namin ng mommy niya.

"May nakita akong condom sa bag niya. Sigurado ka bang hindi mo siya pinagtatakpan na makipagkita sa boyfriend niya?." Naalala ko, yun yung nilagay ko sa bag niya na sinabi kong gift ko for her. Prank kasi dapat yun eh. Lagot, nakita pala ng mommy niya.

"Ah wala po yun Tita. Pinadala kasi sila ng ganun sa school for educational purposes. Kasali po yun sa report nila sa MAPEH. At saka wala pong boyfriend si Ella. Wag kayong mag-alala." Palusot ko.

"Pano naman ako makakasiguro?."

"Ah kasi po--ang totoo nyan. Your daughter likes girls." Gosh, mapapatay talaga ako nito ni Ella.

"Ano? Tomboy ang unikaiha namin?."

"P-parang ganun na nga po hehe."

"A-are you her girlfriend?."

Napapikit nalang ako,

"O-opo."

Nang walang ano anoy nagulat nalang ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin.

"Ingatan mo ang anak ko, ha? Bakit di nya sinabi samin? Matatanggap din naman namin siya eh." Seriously?

"S-siguro po di pa siya ready. P-pero wag nyo po munang sabihin sa kanya na alam nyo na. Magagalit po sakin yun."

"Okay. Don't worry. We'll give her time."

EOFB

"Wala. Sabi ko lang kailangan para sa play natin. Sabi pa nya di raw sila makakapunta ng Daddy mo. Pero babawi naman daw sila."

Napakasinungaling ko talaga hayst. Tumango tango lang siya.

"Sige na. Goodnight." Higa ko sa tabi niya.

"Te-teka lang. Tabi tayo?."

"Alangan namang pahihigain mo ko sa sahig eh kwarto ko to?."

"Edi dun ka sa kwarto ng parents mo. Wala naman sila diba?."

"When they're out of town, nilalock nila yung room nila. Mahirap na. At saka sira ang ilaw at aircon sa guestroom."

"Pero hindi ako nakakatulog ng may katabi." Arte niya.

"Hmm top or bottom?."

"Huh? Anong top or bottom?."

"Di ka nakakatulog ng may katabi diba? Pili ka ng position. Top or bottom."

"Perv."

"Bastos mo lang talagang mag-isip. Pwede bang magtiyaga ka nalang ngayong gabi?. Ang arte arte mo. Parehas lang naman tayong babae. Mas maganda pa nga ata ako sayo kung di lang ako nagpagupit ng ganito." Kaya ayun, di nalang siya umangal pero dami niya namang nilagay na unan sa pagitan namin. Kala niya naman may gagawin ako sa kanya.

..

Ella's POV

Ang bilis nakatulog ni Gabb. Ano ba to? I can't sleep. At bakit sobrang init?.

Bukas parin ang ilaw. Ang tangi ko lang naririnig ay ang tunog ng kamay ng wall clock.

Tiningnan ko si Gabb. Ang himbing himbing ng tulog niya. At saka mukha syang mabait pag tulog and her lips look so soft. Halikan ko kaya. What? No. Nababaliw na ata ako. Kung ano ano nang naiisip ko. Ew. Erase erase. Stop imagining na hinahalikan mo siya. You're not gay okay?.

Napailing nalang ako. Anong gagawin ko? Hindi ako makatulog.

KINABUKASAN

Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog. Nagulat nalang ako nang magising ako I'm already on top of Gabb. What the--pano ako napunta dito? Hindi naman ako malikot matulog ah. Well, minsan lang pero kahit na. Biglang nagising si Gabb kaya pakiramdam ko ilang baso rin at plato ang nabasag dahil sa sigaw namin.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya. Tinakpan nya agad ng kumot ang katawan niya. OA, may damit pa naman kami ah.

"A-anong ginawa mo sakin?."

"W-wala ah."

"Anong wala? Alam mo, sabi ko na nga ba tibo ka. May pagnanasa ka sakin no?."

Nagulat naman ako dun sa sinabi niya.

"Hoy FYI. Di ako tibo. At saka never in my wildest dreams kong maiisip na pagsamantalahan ka. Ni hindi nga kita type eh. Like duh. Wala kang T."

"Pero may kamao ako. Konti nalang talaga Ella isusubo ko nato sayo. Matapos mo kong anuhin, mang-iinsulto ka pa. Anong klaseng tao ka? Panagutan mo ko!."

Silence.

Out of nowhere, bigla nalang kaming natawa sa mga pinagsasabi namin.

"Tara na nga. Gutom nako." Akbay ko nalang sa kanya sabay bumaba na kami.

THE LEGEND OF US (uniphant)Where stories live. Discover now