Chapter 3

1.3K 56 2
                                    

Ella's POV

Pauwi na kami ni Coco.

"Ang cute nyo kanina ni Gabb. Don't tell me mahuhulog ka rin sa kanya kasi friendship over talaga tayo." Sabi ni Coco.

"Ew, never. Mas possible pa atang jowain kita kaysa magkagusto ako dun no."

"Ewan ko nalang. Yan din yung sinabi ko nun, tingnan mo naman nangyari sakin ngayon."

"Ano ba kasing nakita nyo sa Gabb na yun ha?."

"Ay naku, wag na."

"Bakit?."

"Baka pag sinabi ko sayo mahulog ka rin."

"As if." Tingin ko sa bintana bigla akong nakakita ng poging naglalakad sa kalsada. Sinundan ko talaga ng tingin.

"Kita mo yun?." Ngiti ko kay Coco.

"Oo." Irap niya lang.

"Alam mo nagbago ka na."

"Anong nagbago? Ako parin naman to."

"Simula ata nung nagkagusto ka diyan sa Gabb na yan hindi ka na interesado sa guys. Wala na yung best friend ko na kasama ko magboyhunting." Tampo ko.

"And?."

"Anong and? Coco, I want my best friend back."

"Ella, I'm still me. Nag-iba lang preference ko. I guess changing lovers changes people's perception of love. Nung kami pa ni Josh, wala namang ganito eh. Puro kilig lang samin nun. Kay Gabb iba."

"Panong iba?."

"Hindi ko alam exactly, basta it felt different."

"Iba talaga kasi babae siya."

"Hmm siguro nga."

"At saka di naman naging kayo. Umasa ka lang."

"Bakit nga ulit kita naging kaibigan?."

"Dahil maganda ako." I said whipping my hair.

FF

"Goodnight." Yakap ko kina mommy at daddy.

"Wag nang magcecelphone. Matulog ng maaga." Paalala ni Mommy.

"Opo."

"Sige na. Goodnight princess." Huling sabi ni Daddy at lumabas narin sila sa kwarto ko. Hanggang ngayon binebaby parin nila ako.

Pinatay na ni Daddy ang ilaw at sinara ang pinto. Syempre echos lang na matutulog ako ng maaga. Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Inopen ko ang messenger ko para tingnan kung may ganap ba sa GC, parang wala naman. May 64 message requests ako, majority dun di ko kilala. Nagulat ako nang makita kong may message ako from Gabb Skribikin. Tsk. Ano na naman kaya to?

1 hour ago nya pa ito sinend sakin. At online pa yung gaga.

Hi Juliet. May gift pala ako sayo, nilagay ko sa bag mo kanina. Check mo na dali.

Maniwala ako sayo. Gift mo mukha mo! Panget! At saka wag mo nga akong maJuliet Juliet, wala na tayo sa rehearsals.

Yey nagreply, sabi ko na nga ba you care for me eh.

Adik

Sayo ;)

Ano ba talagang kailangan mo ha?

THE LEGEND OF US (uniphant)Where stories live. Discover now