Chapter 22

1K 49 9
                                    

Ella's POV

"Good." Walang expression kong sabi habang dahan dahang tumabi kay Direk Marvin.

"Good lang?." Malungkot na tanong ni Direk. Nakita ko namang malungkot na tumingin sakin si Gabb.

"Eh ano ba ang gusto nyong sabihin ko?."

"Uhm excuse me lang po Direk, can I--" interrupt ni Gabb.

"Of course iha. Basta we'll call you nalang. Bye, thank you." At umalis na nga siya.

"Are you serious? She's an international artist tapos good lang?." Takang tanong ni Direk.

"Basta ayoko po siyang makatrabaho."

"What? Why?."

"For sure po marami pa dyan na mas magaling sa kanya ang--"

"Wala nakong ibang nakitang mas magaling sa kanya. Ni hindi ko nga alam na tumutugtog pala siya ng violin. Talagang napamangha niya ako. She's perfect for the lead role."

"Po? Akala ko ba ako yung lead?."

"Kayong dalawa. The film will tackle about your friendship."

"I don't like her. I don't think this would work at all. We're not even friends."

"And that's too unprofessional of you. Ella, you're a star and you have to work with someone who's also one. We have to give the people the content,story and product they deserve. Wouldn't it be more exciting? Hindi natin alam baka this would be your ultimate break. Possible nang mapalabas ang film natin outside the Philippines because of Gabrielle."

"Pero Direk--"

"Give me reasons why you don't want Gabrielle for this project."

Alangan namang sabihin ko sa kanya na ex girlfriend ko siya at masyadong awkward ang makatrabaho siya? Syempre hindi ko sasabihin yun. At saka everyone thought that I'm straight. Madalas kasi ng naitatambal sakin ay lalaki.

"O diba wala? Masyado ka lang paranoid. Alam mo, wag kang matakot na masapawan ni Gabrielle kasi magkaiba naman kayo. Actually, they'll love both of you more. Besides, bakit ba to big deal? Hindi naman kayo gagawing love team. Best friends lang kayo sa film."

Hay naku, ewan ko. Hindi ko na talaga alam.

2 days later. Kinuha nga siya ni Direk sa role which is ikinaiirita ko. Ngayon ang story conference namin kung saan babasahin namin ang script.

Magkatabi kami at wala talagang planong pansinin ang isa't isa kahit na nagsasagutan kami sa script. Ang kapal din talaga ng mukha niyang magmatigas. Siya na nga tong nang-iwan, parang siya pa tong iniiwasan ako.

"Sana hindi mo nalang kailangang umalis, hindi ko kaya." Walang expression kong basa sa script. How ironic tsk.

"Pasensya na Billie. Yun ang pasya ng mga magulang ko. Hindi ko sila pwedeng suwayin." Walang expression din nyang sagot. Ganun lang kami simula pa kanina.

Nakatingin naman samin sina Jem at Dana, tila naguguluhan.

"Teka lang ah. Ano to? Nananadya ba kayo? Kanina pa kayo ah. Para kayong grade one. Last pa talagang ganyan nyo, ipapalit ko na sa roles niyo sina Jem at Dana." Sermon ni Direk. Tawanan naman yung dalawa. Oo nga pala, magjowa sila sa film. Hindi pwede. Dapat friends lang kami dito. Friends lang.

Kaya dun na namin ginalingan. Umiyak talaga ako.

After nun,

"Bukas may workshop kayo. Iba sa inyo at iba din kina Jem at Dana. Syempre, dapat e build natin yung friendship nyo." Sabi ni Direk.

Tiningnan lang namin ni Gabb ang isa't isa ng masama as we rolled our eyes in sync. Nakakairita talaga ang pagmumukha niya.

Gabi na pala. Sabay kaming pumunta sa parking lot para kunin ang kanya kanya naming mga kotse at nagmadaling umalis sa magkaibang direksyon.

Dumiretso nako sa condo ko. Grabe, sobrang nakakapagod tong araw nato. Nag shower muna ako bago kumain.

..

Gabb's POV

Kakatapos ko lang maligo, sinusuot ko lang ang night gown ko nang biglang tumawag si Kaiser. My fiance. Nasa states siya.

Hello babe--

Hey. Napatawag ka?

I just miss you. How's your day?

Great and exhausting. You? Nasa work ka parin ba?.

Yup. Daming inutos ni Mr. Smith. Speaking of the D, he's here. Talk to you soon. Love you.

Baba niya agad ng phone nya. Hindi pa namin inaannounce sa public ang about sa engagement namin, but I always wear my ring wherever I go.

He's always busy pero okay naman sakin yun, may freedom ako kaya palagi kaming masaya. He makes me happy, unlike Ella. Tsk. Bakit ba ang liit liit ng mundo? Unintentional kasi yung pag-auaudition ko. Pinilit lang ako ni Kaiser na e try, since nagbabakasyon lang naman ako dito sa Philippines bakit hindi ko pa sagarin.

He's so supportive talaga, I love him. I wish I could just marry him tomorrow. Kumain nako, of course ako lang mag-isa. I scrolled down to see posts in my news feed. Nothing interesting hanggang sa may nakita akong video ng speech ni Belle.

In the video:

"I know she's gonna break that promise along with breaking my heart. Hindi na natuloy yung viking." Kwento niya pa.

Nag-iiyakan na silang lahat.

"Gabb, kung san ka man ngayon--sana masaya ka. Okay, tama na ang drama. Dapat masaya tayo ngayon. So, Cheers for Mr. Dominic and Mrs. Kyla Lopez. Congratulations guys. I hope you'll find the best ways to protect your hearts. Speaking of, today is heart-attack awareness day kaya guys ingat lang sa pagkain. Thank you." Baba ni Belle sa stage.

End of video.

Seryoso ba siya? Kinwento nya sa harap ng maraming tao ang story namin?. Tapos binanggit niya pa ang pangalan ko. Pero sabagay, marami namang kapangalan ko sa buong mundo. Pero kahit na.

Binasa ko ang comments, sabi dun:

Sinong Gabb? Gabriela Silang?

Gabb as in Gabrielle Skribikin?

Feel ko si Gabrielle Skribikin to. Hanep ah. #Unibelle

Balita ko Gabb's gay, so must be her.

Sana may comeback sila haaaayst.

Nagtrending pa yung video. Belle naman, hindi nag-iisip eh. Ganun parin pala siya. Pagkatapos nito pagsisisihan niya na naman kung bakit niya ginawa at sinabi yun. Kagaya lang nung nangyari dati. Ayoko nang alalahanin. Ano bang nakain ko nung mga panahong yun?.

Si Rans nalang talaga ang maaasahan ko sa kanila.

KINABUKASAN

Maaga akong pumasok sa acting workshop na pinapamahalaan din ni Direk Marvin. Marami din pala kaming kasabay rito.

As usual, late na namang dumating si Ella.

THE LEGEND OF US (uniphant)Where stories live. Discover now