Chapter 20

1K 56 15
                                    

Gabb's POV

"Gabb, kawawa naman kasi yung tao." Sabi ni Rans.

"Mas kawawa siya pag mas na attach pa siya sakin. Rans, hindi pwede. Nawala na si Jace dahil sakin, hindi pwedeng pati si Ella mawala narin. Mas mabuti pang hayaan nyo nalang akong mamatay."

"Hindi ka mamamatay,okay? Tiwala lang." She said sincerely cupping my face.

"Pero hindi ko kayang mabuhay knowing that someone else has to die."

"Hindi naman completely patay eh. A part of them would always be alive inside you. Just like Jace. He's dead, but he's heart is still alive because you're alive. You can't die Gabb. Please don't die."

"Pero kung oras mo na, oras mo na talaga."

Biglang pumasok si Ella. Nagpaalam naman si Rans na lumabas.

"Ella--"

"It's wrong to rely on the stars. It's wrong to ask them for signs. Because if all of them are trying to tell me that we're supposed to be like the moon and sun, I'd probably rebel and give them an eclipse. Yan yung sinabi mo Gabb kaya don't you dare think about giving up kasi hindi yan yung Gabb na nakilala ko. Hindi yan yung Gabb na natutunan kong mahalin." Sabi niya.

"Alam mo na?." Tanong ko.

"Oo. Gets ko na. Unfortunately, saka ko pa narealize at natanggap sa sarili ko kung kailan ganito na yung situation. I'm sorry for being slow, I'm sorry for being manhid, I'm sorry for loving you like this."

"Loving me like what?."

"Like it's scarier than clowns that kills, bugs, snakes, heights, spiders and moms. I've never been so scared of losing someone like this before Gabb. I thought legends are reasons why something started, so why does the legend of us has to do with how we would end?." Iyak niya.

"Sometimes, something has to end so something else could exist. It's a cycle. When the beginning ends, it becomes a beginning again but never the same as before."

Niyakap niya ko.

"Gabb hindi--wag kang magsalita ng ganyan. Magsasama pa tayo ng matagal. Kung pwede ko lang ibigay sayo tong puso ko--"

"Hindi. Ella, makinig ka. Yun ang wag na wag mong gagawin. Hindi ako mabubuhay ng payapa pag nangyari yun. Naiintindihan mo? Wag mong gagawin yun."

"Pero Gabb--"

"If you really love me, you wouldn't die. This isn't Romeo and Juliet. And please Ella, wag kang papatay."

"Haha grabe ka naman. Mukha ba akong mamamatay tao?."

"Depends on the situation." Ngayon lang ulit ako nakangiti ng ganito.

Pero andun parin yung takot sa posibleng mangyari sa hinaharap. Sana naman tumupad si Ella sa usapan.

Thursday.

Isang hapon,

Nahihirapan na naman akong huminga. Buti nalang dumating si Belle at naagapan pa ng mga nurses. Palala na nang palala ang kondisyon ko.

"Pasensya ka na, ngayon pako nakadalaw sayo. Si Daddy kasi, pinagbabawalan nakong makita ka. Nalaman narin niya ang tungkol satin. Baka daw mahibang ako lalo at gawin ko yung ginawa ni Jace dati."

"Ano? So, tumakas ka?."

"Parang ganun. Kaya saglit lang ako dito. Gusto ko lang talagang makita ka." She held my hand kissing the back of it.

"Don't worry about me, okay naman ako. Gagaling ako." Kasi pag sinabi ko ang totoo baka siya yung gumawa sa kinakatakutan ko. Ayoko ring mawala si Belle sakin.

"Sigurado ka ah? Kasi kanina pinakaba mo talaga ako ng sobra. Akala ko yun na yung huli nating pagkikita. Gabb, wag muna please. Wag nalang." Bigla siyang naiyak at pinunasan ko ang mga luha nito.

"Lalaban ako Belle tahan na. At saka gustong gusto mong mag viking diba? Hayaan mo, sisiguraduhin kong magagawa pa natin yun."

"Promise?."

Ayokong mangako pero sige na nga,

"Promise." I smiled, as I rubbed her back.

..

Belle's POV

8 years later.

I was invited in the wedding and its reception and they asked me na mag speech, to share about my great love.

"I know she's gonna break that promise along with breaking my heart. Hindi na natuloy yung viking." Kwento ko pa.

Nag-iiyakan na silang lahat.

"Gabb, kung san ka man ngayon--sana masaya ka. Okay, tama na ang drama. Dapat masaya tayo ngayon. So, Cheers for Mr. Dominic and Mrs. Kyla Lopez. Congratulations guys. I hope you'll find the best ways to protect your hearts. Speaking of, today is heart-attack awareness day kaya guys ingat lang sa pagkain. Thank you." Baba ko sa stage.

Nagpalakpakan na sila. Tumabi nako kay Rans. Sa hinaba haba ng panahon, naging malapit narin kaming magkaibigan. Kaming tatlo ni Ella. Samahan ng mga ex ni Gabb.

Bumalik na si Ella galing sa CR.

"So, what did I missed?." Tabi niya sakin.

"Nothing much." Sabi ko lang.

"Pasensya na ah, si Direk Marvin kasi tumawag. May eooffer dawng bagong project." Sabi ni Ella.

"Really? Naku, parang exciting yan. Anong role ba?."

"Basta about women empowerment. Okay na yun no, at least sure na siyang pasok ako sa casts. Nagpapaaudition pa sila ngayon ng ibang kukunin nilang cast sa film. Kung hindi lang sana kayo busy sa projects nyo, malamang magkakasama na tayo dun."

"Okay na yun. At saka siguro naman may next time pa."

"8 years na pala no?." Malungkot na tanong ni Rans.

"Na patay si Gabb? Oo. So please, wag na nating pag-usapan ang taong matagal nang wala." Iritang sabi ni Ella at kumain nalang. Nagkatinginan kami ni Rans saglit tila nag-aalala at tumuloy na rin sa pagkain.

11pm kami umuwi sa kanya kanya naming mga bahay.

..

Ella's POV

"Oh? Ba't gising ka pa Ma?. Si Daddy?." Naabutan ko kasing nanonood ng TV si mommy sa sala.

"Ayun tulog na sa sobrang pagod. Hinihintay kasi kita. Kamusta yung kasal ng kaibigan mo?." Patay niya sa TV.

"Okay naman po."

"Hindi ka ba naiinggit?."

"Po?."

"27 ka na pero wala ka paring boyfriend--or baka gusto mo ulit magkagirlfriend."

"Ma--"

"Baka lang naman. Kasi, puro nalang trabaho ang inaatupag mo. Marami nang naitambal sayo pero wala ka paring napipili." Akyat na namin.

"Ma, masaya ako sa ganito. Don't worry about me. Just because I'm alone doesn't mean I'm lonely. At saka, andyan naman kayo eh."

"Bukas, san ka uuwi?."

"Dun nalang po siguro sa condo ko ma. Nakatira lang malapit dun si Direk, mas madali po in case may meeting."

"Let me guess, selected cast ka ulit?."

"Hehe opo."

"Hay naku, ang galing galing talaga ng anak ko. Wish ko lang dun niya na makita ang pakakasalan niya hehe. Goodnight nak." Sabi niya, at pumasok na sa kwarto nila ni Daddy.

THE LEGEND OF US (uniphant)Where stories live. Discover now