Chapter 23

1K 51 6
                                    

Ella's POV

Magsisimula na. May classical music naman sa background.

"So first exercise natin is may titig 3 minutes kayo para masahiin ang isa't isa sa likod. Coin toss kayo kung sinong mauuna." Sabi ni Direk. Si Gabb ang nanalo samin, head kasi siya kaya siya ang unang mamasahiin.

Ayoko siyang hawakan. Pero kailangan kaya pinilit ko nalang. She's sitting in between my legs.

"Ano na? Nagsisimula na sila oh. Tutunganga ka lang ba dyan?. Tsk." Mahina niyang sabi sakin.

"Ay? Galet?." Sabi ko habang dinidiinan masyado ang pagmamasahe sa kanya.

"Aray ko naman. Dahan dahan lang masakit."

"Mas sasakit pa yan--" mas lalo ko pang diniinan.

"Pwede ba? Wag mong gamitan ng kuko, nasasaktan ako."

"Marunong ka rin palang masaktan. Ang pagkakaalam ko kasi marunong ka lang manakit."

"Tapos na yun. Katulad ng relasyon natin." Na parang sinusumbatan pa niya ako.

"Eh sino bang nang-iwan satin?."

"Pero diba sabi ko hintayin mo ko?."

"Naghintay ako, di ka naman dumating." Habang pababa ng pababa ang pagmamasahe ko sa likod niya.

"Kasi kinalimutan mo ko."

"Dapat lang dahil pinagpalit mo naman ako sa iba--"

"Kasi hindi ka nagparamdam--"

"At ako pa talaga ang hindi nagparamdam? Eh ikaw tong ni text, chat or tawag wala."

"Switch!." Sabi ni Direk. Kaya si Gabb na ngayon ang nasa likod ko at siya na ang nagmamasahe sakin. sobrang sakit rin ng bawat diin niya.

"May balak ka bang baliin ang mga buto ko?." Reklamo ko.

"Ang galing mo namang manghula."

"Ouch. Nakakasakit ka na ah--"

"Well, sinaktan mo rin naman ako."

"Ikaw? Sinaktan ko? Wag mo namang babaligtarin ang storya."

"Bakit Ella? Hindi mo ba ako pinagpalit sa Harvey na yun?."

"Harvey? Sinong Harvey?."

"Nagmamaang-maangan ka pa. Yung kasama mo sa pinost mong picture 7 years ago." Ah yun pala.

"Hindi kita pinagpalit sa kanya. Boyfriend siya ng pinsan ko. Bakla yun."

Biglang gumaan ang kamay niya pero dumiin naman ulit.

"And you expect me to believe that?. Pagod nakong umasa Ella."

"Time's up! So, next is you'll massage each other's nape nang magkaharap." Wait what?

Sumusunod na silang agad habang awkward parin kami ni Gabb.

"Ella, sit on Gabb's lap."

"P-po?."

"Sige na. I'll start your 8 minutes na in 3, 2--"

Kaya eto nga, I sat on Gabb's lap kahit labag sa loob ko. Andito kami sa pinakagilid na side ng room.

We started massaging each other's nape. I swear this position looks really awkward. Isang kamay lang namin ang nagmamasahe. Ang isang kamay ko nasa balikat niya to keep my balance while nasa likod ko ang kamay niya.

THE LEGEND OF US (uniphant)Where stories live. Discover now