Chapter 10

520 10 0
                                    

Hindi parin ako makapaniwala sa nababasa ko kaya naman nanlalaki ang mga matang binasa ko ulit ang chat niya sa akin ni D.O

From : D.O den Go

Hi👋😊

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Omg!! Anong gagawin ko?!! Nanginginig ang kamay na pinindot ko ang 'reply' , anong isasagot ko??? Iihhhhhhhhhhhhhhhh!!! Badtrip!! Bat ba nagkakaganito ako??! Eh nag-chat lang naman siya?! Hindi ko naman first time magkaroon ng ka-chat at mas lalong hindi siya ang unang lalaki na naka-chat ko. Coz' duhhhhh, sa mga kapatid kong ugok palang!! Apat na lalaki agad 'yun tapos isama mo pa ang alaskador na si Nicco at ang mayamang si Christian, kaya hindi siya ang una!! Pero bakit ganito ang epekto sa akin ni D.O?? Bakit sa tuwing siya ang pinag-uusapan feeling ko bigla-bigla ako nagiging blangko at nagiging tanga! Tss, nakakainis naman!!

To: D.O den Go

Yow

Tanging sagot ko, pero bakit parang mali, dapat hindi 'yow' ang sagot ko!! Kailan pa naging sagot sa 'hi' ang 'yow'!!? haysssstt bahala na!! Basta 'yan na 'yun baka kung i-remove ko 'yung message kung saan-saang kalawakan makarating ang utak niya. Mahirap na noh!! Mabuti nang sigurado. Tama tama, okay na 'yun. Huminga muna ako ng malalim bago ipinatong ulit ang cellphone ko sa bedside table. Ang likot-likot ng mga mata ko at hindi rin mapakali ang mga kamay ko, para bang may hinihintay ako. Ano naman kaya 'yun?? Tss, gwwaddd ma-download nga ang latest version ng sarili ko. Hindi na kasi talaga ako updated sa nangyayari sa sarili ko. May mga part kasi sa akin na hindi ko na alam. Feeling ko nahuhuli na ako sa progress ng sarili kong katawan. Haha, baliw na nga 'ata ako. Maya-maya pa, muling nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman dali-dali akong bumangon para lang hablutin ang cellphone ko at habol hiningang tiningnan kung sino ang nag-chat. Letse!! Para bang malaking panghihinayang ang naramdaman ko nang makita ko kung sinong tukmol ang nag-chat sa akin. Tss, baliw na 'to magkatabi lang naman ang kwarto naming dalawa kaya pwede niya naman akong katukin na chinat pa talaga ako!! Nakaka-inis!!

From: 🙉Uranggutan🙉

Hey, Honey. Punta ka dito sa sala nandito kami lahat

'Di ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko, ano nanaman kayang pa-utot ng mga Uranggutang nasa sala ngayon. Tss

To: 🙉Uranggutan🙉

Ano nanamang pa-utot ang meron kayo dyan!!?

Mabilis na nag-reply ang tukmol, seryuso talaga siguro 'to

From:🙉 Uranggutan🙉

Basta!! Bilis!!

Pch!! No choice!! Kaya naman bumangon ako ng kama ko, inayos ko lang saglit ang nagusot kong damit dahil sa biglaan kong pagbangon dahil sa pag-chat sa akin ni D.O na hanggang ngayon ay hindi pa nagre-reply, buti nalang hindi pa siya nag-seen dahil kung nagkataon, bubukbukan ko siya ng tudong-tudo bukas!! 'Di pa nga kami close dakilang seener na siya!! Uupakan ko talaga siya!! Tapos kinuha ko ang cellphone ko at naglakad papauntang hagdan.

Nasa tuktok palang ako ng hagdan mula sa itaas, agad na napakunot ang noo ko dahil sa rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa baba na kung hindi ako nagkakamali ay mula sa sala.

~Isang tindahan sa may baklaran

Napatingin, natulala sa'yong kagandahan

Naalala mo ba pa nung tayo pang dal'wa

'Di ko inakalang sisikat ka~

Nagpatuloy ako sa paghakabang pababa, sa pamilyar na boses ng kumakanta, alam na alam ko kung sino siya. Si Kuya Aiko. Sa aming limang magkakapatid, lahat kami may talento pagdating sa musika. Una na dyan si Kuya Aldus na bukod sa marunong kumanta ay sisiw lang sa kanya ang humawak ng violin. Mula pagkabata, sa lahat ng instrumento sa musika 'yan ang kinahiligan at pinili niya. Sumunod ay si Kuya Aiko na magaling talagang kumanta at bukod pa roon ay maalam siya sa keyboards, at parang naglalaro lang siya kapag tumutugtog, isa siya sa dalawang bokalista ng Asylum Band. Tapos ay si Kuya Akiro, siya ang nakatuka sa drums, trono niya ang upuan sa likod ng isang drum set. Sumunod si Kuya Alex na nasa electric guitar, siya ang pinakamalupet humawak ng instrumentong 'yun sa amin, kaya kahit papano ay may pakinabang naman siya sa pamilya namin, haha. At siyempre, ako, ang isa sa dalawang bokalista at gitarista. Hindi katulad ni Kuya Alex, gitara lang ang hawak ko, marunong din akong gumamit ng electric guitar pero napaka-ingay nun kaya hindi ko siya guato. Kontento na ako sa simpleng gitarang hawak ko.

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Where stories live. Discover now