Chapter 8

521 12 0
                                    

"Woiiii!!!" sigaw ni Nicco sa tenga ko na nakapagpabalik sa akin sa katinuan "Ano ba!!" balik kong singhal sa kanya. Mokong na 'to bigla-bigla nalang naninigaw ehh ano akala niya sa akin bingi!! Tss "Kanina pa kita tinatanong dyan ehh tulaley ka lang. Tss, nababaliw ka na ba talaga!?"

"Bat ba naninigaw ka ha!!" sabi ko tapos binatukan ko siya. Mga walang magawa sa buhay!! "Awww.....hehehe sabi ko nga 'di ko na gagawin ulit" tapos kumamot-kamot sa ulo niya, me kuto na rin 'ata

"Panget oh" sabi ni Christian sabay abot sa akin ng pasta at drinks na binili niya. Kararating lang niya galing sa may counter at bumili ng pagkain namin tapos naupo sa tabi ko. Samantalang nasa harapan naman namin si Nicco na katapat ni Christian at D.O na katapat ko naman.

Kung minamalas ka nga naman!!

Nandito na kami ngayon sa canteen, recess palang kaya wala pa ang mga tukmol kong kapatid. May kanya-kanya silang buhay kapag recess pero sa akin daw sila kapag lunch break. Tss, akala mo naman kung gustong-gusto ko silang kasama eh hindi naman

"Salamat" sabi ko tapos nginitian siya "Naks naman" sipol ni Nicco tiningnan ko lang siya ng masama at tumahimik agad ang loko. Problema nito?

Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula nang kumain. Dumukot ako sa bag ko para kumuha ng pera sa wallet ko hehe 'di pa pala ako nagbibigay ng pera kay Christian pambili ng recess ko. Nakakahiya

"Panget oh" sabi tapos inabutan siya ng isangdaan. Alam kong mayaman si Christian at barya lang sa kanya ang seventy pesos na recess na palagi niyang binibili sa akin pero nahihiya parin ako. Binigyan niya na nga ako ng mga libro at itong kuwintas na suot ko na alam kong mahal tapos magpapalibre pa ako sa kanya. Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para hindi mahiya noh!! "Ano 'yan?" takang tanong niya "Pera, tss" sabi ko naiiling-iling tapos nilagay sa palad niya at ako mismo ang nagsarado nun. Kilala ko si Christian, hindi niya 'yan tatanggapin "Pfft, alam kong pera. Ano naman ang gagawin ko dito?" natatawa niyang tanong

"Tss, eh 'di ilagay mo sa wallet mo o sa bulsa mo. Simple" sabi ko nalang tapos pinagpatuloy ko na ang pagkain ng recess ko. "Bat ko ilalagay sa wallet at bulsa ko eh hindi naman sa akin 'to"

"Sino ba nagsabi na hindi sayo 'yan?"

"Pffttt ako hahahah, hindi naman ako nagpatago ng pera sayo"

"Eh sino din ba kasi ang nagsabi na nagpatago ka ng pera akin? Wala naman diba, tsaka bayad ko 'yan sayo" sabi ko habang umiinom ng drinks na ewan ko kung ano ang tawag basta ang alam ko masarap siya tapos siyempre masarap din ang presyo hehe, kaagad na kumunot ang noo ni Christian 'nung banggitin ko ang salitang bayad, kilala ko siya. Ayaw niya ng binabayaran siya, kasi kapag binigay niya sayo, binigay niya. Hindi uso sa lokong 'to ang salitang 'utang' kasi lahat sa kanya 'bigay' . Minsan iniisip ko rin, siguro hindi na nila alam kung saan ilalagay ang pera nila dahil umaapaw na sa pera ang mga bank accounts nila kaya ayun pinapamigay nalang nila.

"Lyssa, ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na hindi mo ako kailangang bayaran palagi. Ayos lang sa akin na ako ang bibili ng snacks mo, palagi 'yan. Hindi mo naman ako pinilipit na bilhan ka kasi nga di ba ginagawa ko ng kusa. Ayos lang 'yun ano ka ba" paliwanag niya at kinuha ang bag ko kung saan nakalagay ang wallet ko. Kinuha niya 'yung wallet sa loob at binuksan sabay lagay ng isang daan pabalik sa wallet ko. Nakita niya pa 'yung pera sa loob. Naki-usyuso din 'yung baliw na Nicco. "Madami bang pera Par?" rinig kong bulong ni Nicco kay Christian. "Tumigil ka nga" saway naman sa kanya ni Christian at ibinalik 'yung wallet ko sa loob at inilagay 'yung bag ko sa dati nitong kinalalagyan

"Alam mo Lyssa, habang libre sunggaban mo agad say-" pinitik ko nalang ang noo niya para manahimik. Ang uranggutan na 'to ang daming nalalaman!! "Awwwtss" daing niya "May sinasabi ka?" sabi ko "W-wala naman ehh" nakanguso niyang sabi tapos bumalik na sa pagkain na sigurado akong galing din kay Christian. Napangiti nalang ako sa kanila, masuwerte ako at sila ang naging mga kaibigan ko. Naka-plaster ang hanggang tengang ngiti sa mga labi ko pero unti-unti 'yung kumupas nang bumaling ang paningin ko kay D.O. Seryuso siyang nakatingin sa akin na animo'y pinag-aaralan ang mukha ko tapos bigla nalang ngumiti nggggggggggg.......................

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Where stories live. Discover now