Chapter 7

578 10 0
                                    

Alas-kwatro palang ng madaling araw gising na ako, ayy! Hindi pala, kasi feeling ko hindi naman ako nakatulog. Hindi ako nakatulog kaka-isip kung nakita ba talaga ako ni D.O, at lilinawin ko lang hindi si D.O 'yung iniisip ko kundi kung nakita niya ako. Hayyytsss na buhay kasi 'to!! Nakaka-inis. Kung bakit ba kasi sobrang lakas ng pakiramdam ng lalaking 'yun at naramdaman pa niyang nakatingin ako sa kanya. Naiinis ako sa kanya!

Nanatili lang akong nakahiga at tinititigan ang kisame ng kwarto ko. Ewan ko kung bakit ang kisame ang tinititigan ko, siguro hinihintay kong may lumabas na babaeng nakaputi tapos gagapang siya 'dun tapos may papatak na dugo sa noo tapos tatalon nalang siya bigla para sakalin ako, pero parang OA naman masyado kaya naman hinihintay ko nalang siyang bumagsak. Haysttt ewan!!

Kaya naman napag-desisyunan kong tumayo na at maligo. Kinuha ko lang saglit 'yung tuwalya ko bago dumiretso sa banyo na nasa loob mismo ng kwarto ko. Lumabas ako ng banyo na tanging tuwalya lang ang naka-tapi sa katawan ko samantalang hinayaan ko pang tumulo nang tumulo ang basa kong buhok. Nakalimutan ko kasing kumuha ng damit haysstt. Nagbihis ako nang isang simpleng puting sando at maikling shorts na ipapang-loob ko sa uniform ko. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba papuntang kusina. Tahimik pa ang bahay ahh, mukhang tulog pa ang mga tukmol na nag-iingay dito sa bahay.

Dumiretso ako sa kusina at tiningnan kung may nagluluto na at napangiti ako nang wala, hmmm, ako palang talaga siguro ang gising hehe. Naglakad ako papuntang center island para, wala, tumingin-tingin lang haha. Sunod akong pumunta sa cupboard para i-check kung ano ang pwedeng lutuin tapos sinunod naman buksan ang ref para tingnan kung ano-ano pa ang meron. Napangiti ako nang may natanaw akong bacon at hotdogs. Kinuha ko ang mga ito, hinugasan saka ihinanda ang kawali para makapag-luto na rin. Pagkapatos kong mag-prito ay sinunod kong tingnan kung may malamig na kanin pa para mai-sangag, abot hanggang tenga naman ang ngiti ko nang meron nga. Dinurog ko lang saglit tapos nilagyan ng asin ang malamig na kanin bago ko sinalang ang isa pang kawali at ginisa ang bawang hanggang sa maluto ko na nga. Yey!! Perfect!!

Sinunod kong ayusin naman ang lamesa bago ako maghain ng para sa agahan namin. Sakto naman 'nung matapos na ako sa ginagawa ko at nahain ko na lahat ng pagkain ay isa-isa namang bumaba galing sa kanya-kanyang kwarto ang mga tukmol.

"Morning Baby" si Kuya Aiko na kinukusot-kusot pa ang mata

"Mor........ning" si Kuya Alex na humihikab-hikab pa

"Yow..." si Kuya Akiro naman na magulong magulo pa ang buhok

"Mornings" si Kuya Aldus na siya lang maayos tingnan sa kanilang apat na tukmol. Naka-uniform na ang adik at naka-bag narin. Ba't ang aga-aga nito?

"Ang gwapo natin ah" papuri ko

"Lamat" si Kuya Alex

"Matagal ko nang alam" si Kuya Aiko

"I know right" si Kuya Akiro

"Jowa Love" dugtong ko dahilan para lumingon silang lahat sa akin at sabay-sabay na kumunot ang noo maliban kay Kuya Aldus na malapad na nakangiti sa akin. Ang linis kasing tingnan ni Kuya Aldus ngayon, mukha siyang adik na naligo ng alcohol at nilinisan kaya sobrang linis tingnan. Nursing Student kasi siya kaya siguro ganyan siya kalinis tingnan ang uniform na suot niya.

"Tss, mas gwapo ako dyan no" rinig kong bulog ni Kuya Aiko habang kinakalikot ang coffee maker

"Ang gwapo ko kaya, psh" si Kuya Alex naman na pinapasadahan ng tingin ang laman ng ref na animo'y cabinet niya 'yun at may damit lang na hinahanap

"Haysstt, hanggang salita lang naman kayo. Ako ang pinaka-gwapo uii" huni ni Kuya Akiro habang hinihimas-himas ang mukha niya

"Ang kakapal ng apog niyo!!" si Kuya Aldus na binabato isa-isa ng masamang tingin ang tatlong tukmol na mga gwapo....'daw'. "Tingnan niyo nga 'yang mga hitsura niyo!! Mukha kayong pingasakloban ng langit at lupa!"

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Where stories live. Discover now