Chapter 6

654 11 0
                                    

™^_^™


Sa simpleng kanta niyang 'yun kakaiba at malaki ang epekto sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, para bang may mga kabayong nagkakarera sa loob ng dibdib ko at pinapabagal nila ang takbo ng mundo ko. Kasabay pa 'nun ang pagbakas ng munting ngiti sa kanyang mga labi na nagpapabaliw sa sistema ko.

Hindi ako makahinga!!

"A–anong ginagawa mo?" ako na ang unang nag-iwas ng tingin kasabay ng tanong ko. Mahirap na baka saan pa mapunta haha

"Ahhhh....ehhhhh, hehe" sabi niya lang habang kumakamot sa ulo. Natutuliro. Mabuti nalang at nag-ring ang bell. That bell saves the day!! Haha makakatakas narin. Pero hindi na nang maalala kong katabi ki nga pala siya sa upuan


Hayssstttt!!!


Tumayo na siya at inilahad sa akin ang kamay niya para alalayan akong tumayo. Nakasalampak kasi kami sa lobby ng building, katapat lang naman ng room namin. Tinanggap ko naman 'yung kamay niya pero parang may kuryente akong naramdaman nung maglapat ang kamay naming dalawa

Ano bang nangyayari sayo ha, Lyssa!!!


Nababaliw ka na!


Agad kong binawi ang kamay ko at ilang na ngumiti sa kanya

"S–salamat" sabi ko nalang tapos naglakad na papasok ng room namin. Hindi ko talaga kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Ewan!! Baliw na 'ata talaga ako

Maya-maya pa, dumating ang dalawang tukmol na hindi ko alam kung saan nanggaling

"San kayo galing?" tanong ko sa dalawang bagong dating na masayang nag-bubulungan sa tabi. Wala pa naman ang teacher namin kaya nakakapagbulungan pa ang dalawa at wala sa mga upuan nila

"Sa bahay" simpleng sabi ni Christian

"'Nung ginawa niyo 'dun?" si D.O

"Kinuha lang namin 'yung pasalubong niya sa akin" si Nicco na ngingisi-ngisi habang hawak ang isang sapatos na hindi ko mabasa kung ano 'yung brand

"'Yan 'yun?" tanong ko kay Nicco habang nakaturo ang hintuturo sa sapatos na hawak niya

"Yep! Ganda 'noh!"

"Di wow" sabi ko nalang

"Ahwwwsuussss" si Christian

"Huh?"

"'Wag kang mag-alala, meron ka rin naman" sabi niya tapos binigay sa akin ang brown na bag na kanina pa niya dala. Pansin ko na 'yun kanina pero hindi ko lang pinansin.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ang bag, hindi naman ako sinagot ng loko pero agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko kung ano ang laman ng bag na hawak ko.


Mga libro ni Rick Riodan!!


"Wow!" mangha kong sabi habang nakatingin parin sa mga libro "Para sa'ken lahat ng 'to?"

"Tss, nagtanong pa, malamang! Ikaw lang naman ang mahilig magbasa sa ating magkaka-ibigan" si Nicco, ngumiti ako kay Christian at nagpasalamat

"Teka,akala mo ba Lyssa 'yan lang mero pa" si Nicco ulit " Sige na Par bigay mo na" udyok niya kay Christian na medyo nahihiya pa

"Hmm?" I hummed asking

"Ahmm, ahhh......ehhhh ito Lyssa oh, para sayo" iniabot niya sa akin ang kulay asul na kahon habang kumakamot sa ulo

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon