Chapter 2

1.3K 19 0
                                    



'Sana all may Jewa........ Sana all mahal'

Ring tone ko 'yan 'wag kang ano.....

"Yes?" bungad ko sa tumatawag nang hindi man lang tinitingnan ang caller ID

"Hindi ko alam na 'sana all' pala ang ringtone mo hanggang ngayon" agad na nanlaki ang mata ko matapos marinig ang baritonong boses na mula sa telepono ko. Boses na nagpakalma sa nagwawala kong puso nang dahil sa sakit na minsan kong naramdamn noon. Boses na humele sa akin 'nung hindi ako makatulog at boses na nagbigay sa akin ng pag-asa upang tumayong muli at pagtagumpayan ang hamon ng tadhanang kinaharap ko.

Lahat 'yun ipinagpapasalamat ko sa kanya

"Hahahahaha........ ang corny mo panget!!" dagdag niya pa. Samantalang nanatili akong walang kibo at nakikinig lang sa kanya. Nanlalaki ang mga mata at hindi parin makapaniwala

"Woii!!! Bat 'di ka makapagsalita dyan?"

"H-ha? Wala..... nagulat lang ako"

"Ahhhsuusssss..........na-miss mo ako noh?!"

"Sino ka naman para ma-miss aber?"

"Aray...." madrama niyang sabi "Sakit 'nun ah....hindi ba pwedeng sabihin mong na-miss mo ako kahit konti. Pampalubag loob manlang.... Kakalapag lang ng eroplano ko tapos ikaw agad ang tinawagan ko tapos sasaktan mo rin lang naman pala ako.... Anong klaseng girlfriend ka ha!!! Akalain mong umuwi ako par...."

"Oo na!!" Pagputol ko sa mga sinasabi niya " Ang dami pang sinasabi. Oo na!! Miss na kita! Masaya ka na? Napaka-arte 'neto"

"Ayieeee.......na-miss niya ako" parang bata niyang sabi

Kahit kailan,  Oo parang ewan.....

"Haysss abnormal ka na rin talaga! 'Di ba sabi ko sayong 'wag kang magdididikit sa mga kapatid ko at baka mahawaan ka nila. Haysss bakit ba puro nalang mga sintu-sintung lalaki ang nakapaligid sa akin"

"Woii grabe ka sa sinto-sinto, mas katanggap-tanggap ang sira-ulo"

"Hayyssss...... Ewan ko sayo. Anyway, bakit ka pa umuwi? 'Dun ka nalang sa Amerika niyo, at 'wag ka nang babalik dito. Dagdag pa kayo sa problema ng Pilipinas eh"

"Eh? Alam mo bang malaking pera ang kinikita sa akin ng Pilipinas. Sa tax ko palang hayy...... simut na ang bank account ko" mangiyak-ngiyak niyang sabi

"Luhh... simot ka dyan. If I know kaya mong bumili ng sampung mustang, 10 house and lot, 10 yate, at 10 helicopter nang hindi manlang nangangalahati ang pera sa bank account mo noh! Barya-barya lang 'yun sayo kaya tigilan mo si ako!"

"Grabe ka naman, mahohold-up ako nang dahil sayo"

"Oh eh ano naman? Marami ka namang pambayad. Ang sabihin mo kuripot ka lang".

"FYI, hindi ako kuripot"

"Ah talaga? Kaya pala"

"Kaya pala ano?"

"Wala! Sige na may trabaho pa ako"

"Ghe, ingat ka ahhh labyu panget ko!"

"Ikaw rin ingat, labyutoo panget!" tugon ko at ibinaba ang telepono

Inayos ko lang ang paper works at mga importanteng dokumento at inilagay 'yun sa suitcase saka ako nagmartsa palabas ng kwarto ko.

Nasa intrada palang ako ng hagdan rinig ko na ang bangayan ng apat kong kapatid.




When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Where stories live. Discover now