Chapter 3

1K 19 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit pagkalipas ng ilang taon ay siya parin ang laman ng puso ko. Akala ko pa naman, okay na ako, na maayos na ako, hindi ko na siya mahal, na NAKA-MOVE ON NA AKO!!

PERO HINDI PA PALA!!

Lahat ng meron ako binigay ko sa kanya. Binuhos ko lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay, pati oras ko lahat 'yun binigay ko sa kanya kasi akala ko, akala ko lang naman na siya na talaga. Akala ko, siya na ang taong makakasama ko habang buhay. 'Yun bang taong maghihintay sa akin sa altar at ihaharap ako sa dambana ng simbahan para pakasalan, 'yung makakasama ko habang naglilihi ako, 'yung mag-aalala at mapapraning kapag nanganak na ako, 'yung taong magiging ama ng aking mga anak, 'yung taong magiging katuwang ko sa pagpapalaki at pagdidisiplina ng mga anak naming dalawa at higit sa lahat 'yung taong makakasama ko hanggang sa pagtanda at huling taong makikita ng aking mga mata bago ito tuluyang pumikit at kunin na ni Bathala ang buhay na pinahiram niya.

Lahat 'yun na imagine ko na, oo kasi nga masyado akong ambisyosa!!

Lahat kasi ng plano ko sa buhay kasama na siya. Ultimo sa pag-popo ko kasama siya, kasi nga mahal na mahal ko siya at maging sa pagpaplano ng future kasama at nage-exist na siya.

Kasalanan ko bang ganun ko siya kamahal??

Hindi naman 'di ba, kasi lahat naman tayo nagmamahal at hindi na natin kasalanan kung hindi sila makontento sa pagmamahal na kaya mong ibigay sa kanya.

Ito ang kwento ko.......

Kwento kong ibabahagi ko base sa sakit at hirap na dinanas ko matapos akong iwan ng taong pinakamamahal ko.

Nakilala ko siya when I was grade 9, transferee siya noon from another school. Sabi niya ayaw niya raw mag-transfer kaya nga lang pinilit siya ng Daddy niya kasi kailangan para sa business nila. He said that he, together with his family will stay for just that year and after that they will go back to the place where he grew up.

Hindi ko siya pinansin 'non kasi hindi ko naman siya kilala—, 'wag kang gaga ghurl!! Malamang 'di mo kilala taga ibang lugar nga 'di ba!! Ano ka PSA?? kilala lahat ng tao sa buong Pilipinas!! My gasssss!!!! Mag-isip mag-isip!!!! Uso mag-isip Lyssa!!

Hahahahahahah charttttt.......

Inaamin ko cute siya pero hindi sapat para magkagusto ako sa kanya. 'Me crush kasi ako 'nun taga kabilang section, sobrang kyuttt niya kasi 'tas 'me abs pa saan pa ako 'di ba...... Landi ni Lyssa wahahahaha........

Naaalala ko pa 'nung first day of school and also the first time I saw him together with my friend Nicco. Nicco was my best friend next to Christian. Isa siya sa mga kaklase kong lalaking madalas kong maka-usap at ka-close ko talaga siya

"Lyssa!" tawag sa akin ni Nicco habang naka-taas pa ang isang kamay at iwinawagayway sa ere para mabilis ko siyang makita.

At dahil sa tangkad ng kapreng 'to ay mabilis ko siyang nakita at napangiti agad nang papalapit na siya habang nasa likod niya ay isang 'di pamilyar na lalaki na nakasimangot at sunod lang ng sunod sa kanya. Halos lahat ng madadaanan nilang dalawa ay gumigilid para bigyan ng daan sina Nicco at ang kasama niya. Lahat ng kababaihan ay nakatingin sa gawi nina Nicco na hindi ko itatanggi ang gandang lalaki. Kung hindi ko nga lang barkada ang lokong 'to jinowa ko na wahahahahah choouuuur........

"Lyssa!" muli niyang tawag sa akin habang papalapit, agad naman akong kumaway sa kanya pabalik na para bang sobrang tagal naming hindi nagkita ehhh nagkita pa lang naman kami nung sabado hahahahahahah........

Lumapit siyang agad akin at yinakap ako ng pagkahigpit-higpit

"I miss you Pars!" sabi niya habang nakagapos ako sa mga bisig niya

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Where stories live. Discover now