Chapter 9

555 10 0
                                    


Ganun nalang ang gulat ko nang sa pagliko namin sa isang kanto ay ang apat na tukmol kong mga kapatid ang sumalubong sa akin na may seryuso at nanghuhusgang tingin.

Gwwaaaaad!!

"San kayo galing?" si Kuya Aldus ang unang nagsalita, nagtatanong "Sa damuhan sa ilalim ng punong mangga" diretsong sabi ko na walang mababakas na takot at pangamba. Wala naman kasi kaming ginawang masama, kaya walang dahilan para matakot ako. "Anong ginawa niyo dun?" si Kuya Aiko naman ngayon ang nagsalita na seryusong-seryuso ang mukha "W–wala po kaming ginawang masama" sagot ni D.O, tss, bakit ba naki-alam pa 'tong ugok na 'to?! Dapat binalato nalang niya sa akin ang mga tukmol na 'to. Tss, mabilis lang naman silang lokohin eh!! Jowk hahaha... Sa totoo lang, mabilis silang maniwala kung ako lang ang magpapaliwanag sa kanila at hindi na makikisawsaw pa ang iba. Alam na alam ko na kasi ang bawat kulubot at pasikot-sikot ng utak ng mga 'to kaya sisiw lang ang trabaho. Pero dahil nakialam ang isa pang tukmol na nasa tabi ko ngayon, sigurado akong mahihirapan ako sa pagpapaliwanag mamaya sa mga baliw na ungas na tukmol na uranggutan at mga bakulaw kong kapatid. Lalo pa at nautal siya!! Sigurado akong kung saan-saang kalawakan nanaman nakarating ang imagination ng mga baliw na 'to. Hayyssstt! Pano ko nga ba sila naging mga kapatid!!

"Woiiii" pukaw ko sa kanila, agad naman silang lumingon sa akin kasama na si D.O 'dun "Mamaya nalang tayo mag-usap, sasabihin ko sa inyo lahat"

"Kailang naman 'yang mamaya mo?" taas kilay na tanong ni Kuya Akiro, talaga? Kailan pa 'to natutong magtaas ng kilay "Psh, basta mamaya, siguro pagkatapos kumain" sabi ko

"Hindi!" nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Kuya Alex "Ngayong buong hapon natin 'yan pag-uusapan" agad na kumunit ang noo ko sa sinabi niya. Anu daw? Ngayong buong hapon? Eh baliw ba siya? May klase kami lahat ehh " Alam ko 'yang iniisip mo Alyssa Sesbreño, walang pasok ngayong hapon dahil may emergency meeting ang lahat ng faculty kaya libre tayo"

"Eh pano 'yung sa journalism?"

"Wala den kayong meeting ngayon, kausap ko kanina si Seth. Postponed daw" si Kuya Aiko, palihim na tumaas ang kilay ko, kailan pa sila naging close ni ate Seth? Mataman ko siyang tiningnan bahagya siyang ngumiti at palihim na kumindat sa akin. Na-gets ko naman agad ang ibig niyang sabihin, magkakampi kaming dalawa mamaya, bwahahahahahah..........

"Mamaya ka nalang namin gigisahin" si Kuya Akiro na masamang-masama ang tingin kay D.O at kinuha sa kanya ang lahat ng gamit ko at nagtulong-tulong ang apat na tukmol para dalhin ang mga gamit ko. Hindi naman kasi 'yan mabigat pero dahil sanay sila na gawin ang bagay na 'yan ginagawa na nila nang hindi namamalayan

Natapos ang klase ng pang-umaga, nagulat ako nang hindi pa man nakakalabas ang instructor namin nasa labas na ng room namin ang apat na tukmol. Nung nag-dismiss na si Miss, walang paalam silang pumasok ng room at agad na lumapit sa akin. Tinulungan pa nila akong magligpit ng mga gamit ko tapos bumati pa ng saglit kina Nicco at Christian bago umakbay sa akin si Kuya Aiko tsaka ako iginaya papalabas ng room. Nakasunod naman sa amin sina Christian sa likod. Hindi nila pinansin si D.O. Ang a-attitude ng mga tukmol na 'to!!

Sa parking lot ganun din 'yung nangyari senyasan lang ang naganap sa pagitan ng mga tukmol at nina Christian at Nicco tapos wala ni isang pumansin kay D.O kawawa naman 'yung tao. Sigurado akong nagi-guilty na 'yun ngayon. Mga pa-uso kasi ng mga tukmol, hayyyyst!! Nakaka-inis!!

Pagkarating sa bahay, nasa kusina si Mama at naghahanda ng lunch nila ni Papa. Palagi kasing nasa opisina si Papa kapag lunch kaya si Mama ang pumupunta kay Papa para sabay silang kumain at dala ang lutong bahay na niluto ni Mama para kay Papa. Matagal na silang kasal pero sobrang sweet nila sa isa't isa. Para silang mga teenager kung maglambingan, kyaaaaah!!!! Nakakatuwang isipin na kahit gaano na sila katagal nagsasama, para parin silang mag-boyfriend girlfriend lang na nagliligawan parin, masaya at kontento sa pagmamahal na nabibigay nila sa isa't isa. Sana kapag nagmahal na ako, katulad din kami nina Mama at Papa, kontento sa kung ano man ang kayang ibigay ko sa kanya at siyempre, sana siya na ang una at huling pag-ibig ko. Oh di ba!! Dakilang hopeless romantic amp!! Haha

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Where stories live. Discover now