XVI | THE UNEXPECTED PLAN

Start from the beginning
                                        

Huminto kami sa paglalakad at humarap sa isang shelf na puno ng mga nakangiting daga. Mickey Mouse.

"Oh, the smiling mouse."

"Yep, may bagong labas kasi na stuffed toy. Hmm, where is that?" Yes, I am a collector of that smiling mouse.

I snapped my fingers when I find the new edition of Mickey Mouse, "AHA! Here it is!"

Ang fluffy niya! So, this MM stuffed toy is wearing an Iron Man costume, which is also my favorite Marvel superhero.

"Bakla ba 'yang dagang 'yan?" naagaw ni Nikole ang atensyon ko dahil sa tanong niyang iyon.

"What the-bakit mo nasabi 'yon?" I raised one of my brows when I asked her that. Instead of anwering my question, she just pointed out something from the shelf.

Minnie Mouse.

"That mouse... is not Mickey. It is Minnie Mouse. Kapartner ni Mickey." I chuckled a bit while explaining that to her.

Minnie Mouse is wearing Pepper's suit, the partner of Iron Man.

"She's cute! I want her!"

"Then let's buy these stuffed toys."

Noong nasa counter na kami, akmang ilalabas ko na ang credit card ko kaso biglang nauna na sa'kin si Nikole.

"My treat." She told me then politely smiled at me at nagbayad na.

"Where did you-"

"Bigay ni Kairo at ng tatay mo." Paliwanag niya sa akin at tuluan na kaming lumabas sa store na ito.

Agad akong napapikit dahil sa mga nagmistulang Christmas lights na ilaw na tumatama sa muka naming dalawa ni Nikole. Agad kong isinubsob ang muka ni Nikole sa balikat ko dahil dama ko ang pagkasilaw nito mula sa mga flash na nanggagaling sa sandamakmak na camera. Yes, the media is blocking our path now. Ampotek.

Tila dumadagungdong sa dalawa kong tenga ang sunod-sunod at 'di magkamayaw na tanong ng mga reporter sa amin. Kapag tumagal pa ito ay baka mas lalong hindi ko na kayanin. Ayaw na ayaw ko ang atensyon ng madaming tao, natatakot ako dito.

"Nikole, remember when we run noong unang beses ka pa lang nakapunta sa mansion namin?" I whispered to her and I felt her head nod.

"Let's do that again."

Dama mo ang bawat yabag ng aming paang tumatakbo dito sa sahig nitong mall.

Parang nasa Train to Busan kami ngayon ni Nikole habang tumatakbo. Kami ang tao at ang media ang mga zombies.

May ilan kaming nasagi dulot ng pagmamadali, at sa 'di kalayuan, namataan ko ang postura ni Aide at ang mga guards ng Tesla at Villesiá.

Oh, thanks God.

Mas lalo naming binilisan ni Nikole ang pagtakbo palapit sa direksyon nila Aide.

"Cover Minister Tesla and Marchesa Villesiá!" Utos ni Aide sa mga guards kaya agad kaming pinalibutan ng mga 'yon upang protektahan kami papunta sa kotse ko.

"Off limits, media. Sorry."

"Pero Mr. Tesla! Ms. Villesiá-"

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi noong mga media noong nakapasok na kami sa loob ng kotse. Nandoon pa din ang ibang guards namin at nakapalibot sa buong kotse habang ang iba ay sumakay na sa kani-kanilang sasakyan upang maging backup namin.

Nadinig ko ang malalalim na paghahabol naming paghinga ni Nikole at kasabay ang tumatagaktak na pawis na namumuo sa aming noo.

Namayani na din ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mabilis na pagtakbo namin ni Nikole kanina.

"Nikola... M-may tubig ka?" Nakatukod ang dalawang kamay ni Nikole sa kaniyang tuhod kahit pa nakaupo na kami dito sa loob ng kotse.

"Masamang uminom ng tubig pagkatapos tumakbo."

Wala siyang nagawa kaya tumango na lang.

Namataan ko ang pag-andar ng iba naming guards papaalis kaya agad kong sinimulan ang pagpapatakbo sa kotse ko.

Nasa gitna na kami ng byahe pabalik sa bahay noong biglang nag-ring ang cellphone ko sa bulsa.

Ampotek, nakikiliti ako.

"Nikole, pakisagot. Bawal ako gumamit ng phone habang nagmamaneho." Utos ko sa kaniya kaya sinunod niya naman ako.

Nasa loob na loob talaga ang phone ko kaya mahirap kuhanin. Leche naman!

Tila may dumaloy na kuryente sa aking hita noong naramdaman ko ang palad ni Nikole dito. Bigla ko tuloy nakabig ang manobela papuntang kaliwa dahil sa gulat.

"ANG TOKWA!"

I rapidly hit the brakes of my car noong nasa may gilid na kami ng kalsada. Luckily, wala gaanong dumadaan dito kaya wala namang nasira o naaksidente.

Ako na ang kumuha ng phone ko at tiningnan muna kung sino ang tumatawag, Kuya Steph.

"Yo bro! May date pala kayo ni Nikole, hindi kami informed!" Pang-aasar nito sa akin.

"Loko, hindi 'yun date. Nilibre ko lang siya. Paano mo nalaman na umalis kami?"

"Media. Trending kaya kayo! Andaming nakakita sa inyo. Sikat ang kayong mga Tesla's at kakasabi pa lang din namin na stepsister ko si Nikole, kuya." Singit ni Kairo. Palagay ko'y naka-loudspeaker sila.

"TESLA AND VILLESIÁ-SOON TO BE ONE FAMILY, NIKOLA S. TESLA AND NIKOLE VILLESIÁ OFFICIALLY DATING!, NIKOLA S. TESLA WITH NIKOLE VILLESIÁ: SPOTTED TOGETHER AT THE MALL" Pagbabasa ni Kuya Ei sa tingin ko'y mga articles na patungkol sa amin.

Ampotek, ganu'n kabilis?

"Iko, pumunta na kayo dito sa airport. We have an unexpected plan." Utos sa akin ni TeDa.

"Ano pong plan?"

"LECHE FLAN TOL!"

"We'll have a meeting slash travel vacation in Italy with Iza and Lid. Nandoon sila ngayon, kaya pupunta tayo do'n."

Italy?

"Kairo what about your-"

"Don't worry, napakiusapan na siya nila TeDa, Kuya." Dinig ko ang boses ni Ririe.

"We're all ready here. See you at the airport. Bilisan niyo." Utos naman ni SaMo.

"Okay, SaMo. Ingat kayong lahat, we're on our way. Love you." I told them before hanging up the phone.

"Ano daw meron?"

"We're going to Italy."


END OF CHAPTER
thana mormoraina
2020

The Entangled StringsWhere stories live. Discover now