XVI | THE UNEXPECTED PLAN

Start from the beginning
                                        

Ilang minuto din ang lumipas, patuloy pa din kami sa pagtingin-tingin dito.

Mozart's music playing in this quiet place, medyo madilim din ang paligid dahil tanging ang mga ilaw na galing lamang sa ilalim ng aquarium ang nagsisilbing liwanag dito sa buong shop. I must say, I like this place. So calm.

Maya-maya'y nakadinig kami ng tawag kaya lahat kami ay napatingin sa phone. Hindi 'to sa'kin at hindi din kay Nikole.

"Ay, pasensya na po. Sasagutin ko lang po 'to saglit." Paalam sa amin nung sales lady.

Hindi naman sa chismoso ako, pero nadinig kong nanay niya ito at sa tingin ko'y pinapauwi siya nito ngunit hindi pa daw siya pwedeng umuwi dahil madami pa daw siyang kailangang ibenta. Nakakalungkot naman 'yon.

"Nikola?" Dama ko ang bawat kalabit sa akin ng kasama kong babae kaya nilingon ko ito.

Nakita kong titig na titig siya doon sa isang isda.

"Sabi mo hindi pwede ang tao sa tubig? Paano nagtransform yung tao na 'to as fish?" she curiously asked me while pointing at the fish.

She's pertaining to the Janitor Fish.

Napasapo muna ako sa noo ko bago ako magsalita, "Hindi porque janitor tao na, Nikole."

"Hala ma'am, joker ka! Kung interesado ka po pala d'yan ma'am I advise na 'wag po kasi kinakain niya po ang ibang kasamahan niya sa aquarium." Ginulo ko habang nakangiti ang buhok ni Nikole. Mukang hanggang ngayon ay ina-absorb niya pa din ang mga nangyayari.

"May napili ka na ba?" tanong ko sa kaniya kasi medyo natatagalan na kami dito. Tumakas lang kasi kami, hindi 'to alam nila Kairo at ng pamilya ko.

She pouted at me before answering, "Gusto ko lahat eh."

"Then we'll buy them all." Saad ko sa kanila.

"Ha?"

"P-po?"

"Bibilin namin lahat?" sagot ko sa dalawang nakatulala sa'kin. Bakit? Nabingi ba sila?

"L-lahat po 'yan sir? 500+ po 'yan lahat na isda, sigurado po kayo?" gulat pa ding anas ng sales lady sa'kin.

"Yeah."

"Hindi 'yan lahat kasya sa kwarto ko, Nikola." Pagbibigay alam ni Nikole kaya napangisi ako.

"Hati tayo. Kung may sosobra, ibibigay ko dun sa kambal para sa café nila. Miss, pwede po ba pabilang kung magkano lahat?"

"A-ah, opo s-sir. Tingnan ko na lang po yung t-total." Nanginginig niyang sabi. "20k po, discounted."

Agad kong inilabas ang credit card ko upang makapag-bayad na.

"This is the address, ipadala niyo na lang doon yung mga isda. Pagkatapos nu'n pwede ka nang maka-uwi, Okay?"

"O-opo. Maraming salamat po, Ma'am, Sir!" tuwang-tuwa na sabi nung sales lady.

Matapos no'n ay agad na kaming umalis doon. Sakto't katapat ng tindahan na 'yon ang Toys R Us kaya agad kong hinila papunta doon si Nikole.

"Hala, hala. Hoy, Nikolaa! Dahan-dahan lang, Iko! Bakit ba tayo nandito?"

"Basta samahan mo lang ako."

The Entangled StringsWhere stories live. Discover now