"Hindi ka pa naliligo?"
"Oo, gusto mo kong amuyin?" Natatawa kong sabi sa kaniya kaya pinaliparan niya ako ng hampas hanggang sa makapunta ako sa tapat ng CR.
"LIGO NA DALI!"
•••
"Nikolaa! Bilisan mo maglakad, muka kang zombie d'yan!" pilit akong hinihila ni Nikole papasok sa isang bilihan ng isda dito sa mall. Muka tuloy siyang batang nagpapabili ng ice cream.
"Nakakatamad kaya." Bored kong sagot.
Napansin ko ang mga tingin na nakukuha namin mula sa ibang naglalakad dito sa mall, mga mukang kinikilig.
"Ang cute naman nung magkasintahan na 'yon. Sana all!" bulong noong isang babaeng tingin ko'y teenager sa kaniyang isa pang kaibigang kinilig.
"Loka bes, nadinig ka ni Koya! HAHAHA!"
"NIKO-HALAA! ANDAMING FISH!" Agad akong napatakbo sa pwesto niya noong napansin kong lalangoy na sana siya doon sa malaking aquarium na madaming isda. AMPOTEK!
Hinapit ko agad ang bewang niya papalapit sa akin at binuhat siya papalayo doon sa aquarium. "Sorry po. Hehe."
Ako na ang humingi ng tawad doon sa sales lady dahil mukang matatagalan pa bago ma-realize ni Nikole ang ginawa niya.
"Hala, okay lang po yun, sir. Ang cute n'yo nga po ng girlfriend niyo eh!" Bakit ba ang issue ng mga tao dito?
Bahagya akong nataranta doon sa sinabi nung sales lady sa amin. Akmang magsasalita na sana ako kaso natigilan ako noong sumagot si Nikole.
"Hala, opo cute namin 'no?" She chuckled kaya bahagyang nahina ang kamay kong nakasapo sa kaniya at natulala bigla.
"Aray ko." Hindi ko alam kung anong nangyari, pero bigla ko na lang siyang nakitang nakaupo sa sahig at iniinda ang sakit. Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil wala nga akong karapatan kasi isa lang ang isip ko na tulungan siya patayo. Tingulungan ko rin siyang pagpagan ang damit at sarili at agad na sinuri kung may sugat o gasgas ba siya.
"Hala sir, 'di n'yo sinalo si ma'am nung nahulog," Kinikilig na turan noong sales lady. "Pero tinulungan mo namang bumangon at siniguradong hindi siya masasaktan o nasaktan."
Kasunod nito ang umaalingawngaw na 'yieeee' sa buong store. Nakakahiya naman 'to.
Ramdam ko ang biglang pag-init ng muka ko at ang biglang pagkapit ni Nikole sa shirt ko at ang pagdukdok niya sa balikat ko.
"Hala, nahiya si ma'am. Ang cute cute talaga!" pumalakpak na saad ng sales lady na nasa harap namin.
"Pwede na ba kaming bumili ng isda?" pag-iiba ko ng topic dahil hindi ko talaga kakayanin ang madaming matang nakatitig sa akin.
Hindi ito arte, I am that kind of person who is agoraphobic. Yes, I am afraid in crowd's attention.
"Hala, malamang bibili tayo ng isda sa tindahan ng isda, Nikola. Alangan namang bilhin natin yung dagang nakangiti mo dito 'di ba?" Aba't namilosopo pa 'tong si Nikole.
Nadinig ko ang mga pasimpleng tawa ng mga taong naagaw na namin ang atensyon.
"This way, ma'am, sir."
YOU ARE READING
The Entangled Strings
Science Fiction𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 15 𝐢𝐧 #𝐭𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲 ▂ ▂ ▂▂ ▂▂▂ ▂ Do you believe that we are not alone living here in this universe---or should I say... multiverse? This journ...
XVI | THE UNEXPECTED PLAN
Start from the beginning
