XVI | THE UNEXPECTED PLAN

Magsimula sa umpisa
                                        

Ampotek, buhay pa pala 'tong inner self ko?

Tingin ko masyadong mahaba yung word na 'inner self' kaya napagpasyahan kong pangalanan siya.

Ola? Kola? Alokin? Niknik? Niknik mo gano'n?

"NIKOLAAA! NANDITO NA AKO SA BAHAY NIYOO!"

"AY NIKNIK!"

"Ha? Anong niknik?"

Pusangama, kahit kalian pahamak talaga si Niknik. Oo, 'yan na lang ang pangalan ng inner self ko.

"W-wala." Nakadukdok ko pa ding saad dahil napahiya na naman akong muli.

"Anong ginagawa mo?"

"HALAMPOTEK! N-NIKOLE?!" Gulat at hiya akong napabalikwas ng tayo noong nadinig at nakita ko si Nikole na nasa gilid ng kama ko habang nakatutok pa din ang phone niya sa kaniyang tenga.

"Oo, may iba pa ba?"

"B-bakit ka nandito?" gulat kong tanong sa kaniya at ngumiti ito sa akin bago tumabi sa akin mula sa pagkakaupo ko sa kama ko.

"Tumagos ako sa pader, Nikola." May pilyong ngisi nitong sabi sa akin kaya natawa ako.

"Galing mo talaga, Nikole, AHAHAHA!" Masyado yata akong nakatuon sa pakikipag-usap kay Nikole at pag-iisip ng pangalan ni Inner self a.k.a Niknik kaya hindi ko napansin na nakapasok na pala si Nikole dito.

"Kanina lang katawagan kita tapos ngayon nandito ka na agad? Ang bilis mo ah!" natatawa ngunit may bahid ng pagtataka kong tanong sa kaniya.

"Kanina pa ako nasa baba niyo, sa library. Nag-uusap kasi sila Kairo at pamilya mo. Na-miss kita-yung mansion kasi, oo yung mansion kaya pumunta ako dito." Nasa library lang siya kanina pa?

I creased my forehead before asking her a question, "Anong pinag-uusapan nila do'n?"

"Malay ko, tinatamad ako makinig eh." kibit-balikat niyang sagot.

Grabe, pwede na talaga kaming magtayo ng SNMT. Samahan Ng Mga Tamad. Sali kayo?

"WAAAAAH!" Nagulat ako bigla noong biglang pinaghahampas ni Nikole yung damit ko.

"Ampotek. Bakit ka nang-aray masakit. Bakit ka ba nanghahampas?" Amazona din pala 'tong babaeng 'to, ampotek.

"MAY DAGANG NAKANGITI SA DAMIT MO!" Napabalikwas siya noong sinasabi niya iyon sa akin at tinuturo ang damit ko.

Napa-lingon ako dito at hindi siya nagkamali, may daga ngang nakangiti doon sa damit ko. Ngunit imbis na matakot ay natawa lang ako.

"H-hoy! Bakit ka tumatawa?"

"This is just design, Nikole." Napalingon ako sa damit ko bago ko 'to tinuro.

"What the- bakit ka naman nagsusuot ng damit na may dagang nakangiti?" Nababanas niyang tanong at pumameywang pa.

"He's a famous mouse, Nikole," Humito ako at natatawa kong kinanta ang kanta sa palabas na 'yon. "M-I-C-K-E-Y M-O-U-S-E! Mickey Mouse!"

Mickey mouse is my favorite cartoon character simula noon. 'Yun din ang dahilan kung bakit black and white ang lahat ng gamit ko.

"Sabagay, cute din siya. Parang gusto ko na din tuloy mag-alaga ng daga."

"Ampotek-malay ko sa'yo, Nikole," tumawa muna ako bago magpatuloy. "Liligo muna ako tapos alis na tayo, intayin mo na din ako dito. Saglit lang ako."

The Entangled StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon