I checked myself for the last time, I smiled. Ibang-iba talaga ang mukha ko pag ganito. Bumaba na ako para kumain ng breakfast.

"Good morning, Mom." I hugged and kissed her cheeks.

"Morning darling, how was your sleep?" Umupo ako sa pwesto ko. Ilang segundo ang lumipas bago ko nasagot ang tanong niya. Kung meron mang isang bagay na talagang ayoko, 'yun ay ang pagsisinungaling. I hate lying kaya I told her the truth, na hindi talaga maayos ang tulog ko. Her heels turned around to face me.

"You dreamed about that again?" Walang imik ako na tumango.

"I know. Ininom mo na ba ang gamot mo?" I only nod in response, dismissing the topic. Mabilis kong tinapos ang pagkain and bid my goodbyes.

"By the way darling, sabi ng tita Daisy mo malapit na daw silang umuwi." Agad na nalukot ang lukot ko nang pagmumukha.

"Tell them na iwan na lang nila sa Singapore 'yung traydor nilang anak." I can't help but to be sarcastic. Mom just laughed and nodded. Tsk.

Tita Daisy is mom's bff, literally best friend forever. Since elementary pa lang they were already friends. They grew up together, almost like a sister. They even went to the same school on their high school and college days. Beautiful isn't it? Not all are granted with such friendship. Genuine and life-long. Napangiti ako ng mapakla tsaka tumuloy sa garahe.

Kakapasok ko lang ng school at agad na bumungad sa'kin ang mga nagkukumpulang studyante.
Anong meron?

"Uy girl! Dumating na raw sila!"

"Oh my god! Excited na ako kiyaah!"

"Paano na 'to, bes! 'Di ako nakapagpa- derma huhu."

"Pero ba't kaya ngayon lang sila? Halos mangalahati na sa first month natin."

"Syempre may kapit ang mga iyon, 'no. Ano ka ba? Ang importante masisilayan na natin ulit ang mga Adonis ng mundo ihh."

I frown. Sinong pinag-uusapan nila? And Adonis? Isn't he a greek god or something like that? I mentally rolled my eyes. This people are crazy— over a myth.

My frown deepen the time I reached my room . Masyadong aligaga ang mga tao sa loob. Ghad. Maingay na ang section namin at mukhang tinreple pa ngayon.

"Omg, Lissy! Binalikan nila akoo!"

"Che! Ichusera."

"Tsk bumalik pa ang mga pasikat."

"Honey, mas gwapo naman ako sa mga 'yun ah!"

"Anong room kaya sila?"

"Sana classmate natin silang lahat!"

May ilang natahimik at napatingin sa gawi ko nang pumasok na 'ko. Ugh, how I hate attention. Agad naman silang bumalik sa pagtsitsismisan. 'Di na nakapagtataka yan, araw-araw ba naman na ganyan ang eksena sa tuwing papasok ako sa loob.

Dumiretso ako sa upuan ko at umupo. Nasa front row ako nakaupo. You know, mas madaling marinig at maintindihan kung ano man ang sasabihin ng teachers. I have tried sitting at the back and honestly, it's not really a good experience for me.

When Destiny Decides To PlayWhere stories live. Discover now