Pagbukas pa lang ng elevator ay nakarinig ako ng isang tinig ng isang babae na tila nagpapatulog ng bata kaya napalingon ako sa direksyon na iyon.
Nikole.
I saw her smiling while singing a lullaby kay Mayi. Mukang pinapatulog niya ito dahil na rin siguro sa pagod niya sa pagta-tantrums kanina. Dala na din siguro ng tunog ng elevator ay nakuha nito ang atensyon ni Nikole at biglang tumingin sa akin.
"Nikola, nandiyan ka na pala. Nasa second floor kami kanina pa, kayo na lang ng kamb-" Hindi na natapos ni Nikole ang babanggitin niya noong biglang lumitaw ang kambal sa katapat na elevator ng sinakyan ko.
"Wazzap. Anong balita?"
"ANONG MERON? ANONG ANNOUNCEMENT?! BAKIT NABUNTIS AGAD SI RIRIE? BAKIT? BAKITTT?"
Pagwawala ng kambal. This room is soundproof kaya ayos lang kahit mag-ingay ang mga mokong.
Dahil na din malapit lang sila sa akin ay mabilis ko silang binatukan.
"Aba-hindi buntis si Ririe! Hayop ka, tol! Ni wala pa ngang pinapakilala sa akin si Ririe eh!" Natatawang sambit ko. Ayokong magkaroon ng boyfriend si Ririe siguro kapag 45 years old na siya ay pwede na sa akin. Baka kasi saktan lang siya nu'n. That's a big no, and another no for me. Not my Majes.
Dahil dito ay sabay-sabay na din kaming umakyat sa second floor ng library. At doon namin nakita si TeDa, SaMo, Ririe at isang lalaki na naka tabi kay Ririe, Kairo.
Amputek! Ano 'to? Pamamanhikan?
"Kairo! Namamanhikan ka na agad?" Tanong ko sa kaniya at nag-crossed arms pa.
"Nasaan pamilya mo? Birth certificate? Trabaho? Mabubuhay mo ba ang kapatid namin pati ang anak sa sinapupunan niya?" Banat na susunod ni Kuya Steph.
"What the fu- KUYA! ANG ISSUE N'YO AH! WALA AKONG ANAK! SUSKO KAYOO!" Pagwawala at bahagyang namumulang asik ni Ririe.
"Kuya, hindi pa po ako namamanhikan sa susunod na lang. Hehe. Tsaka po wala na din po sila Mama at Papa, birth certificate ko po? Nasa kotse ko po. Katrabaho ko din po kayo-business partner. Kaya ko din pong buhayin si Majesty-" Hindi pa natatapos ni Kairo ang sasabihin niya dahil sa sunod-sunod na suntok mula kay Ririe ang natanggap nito habang kaming lahat dito sa library ay natawa pa lalo sa nagaganap. Pati ata mga gagamba at alikabok natuwa eh.
"Ayos tol! Tanggap ka na sa pamilya! Sinakyan mo trip namin eh! AHAHAHA!" Tuwang-tuwa na saad ni Kuya Ei at nakipag-fist bump kay Kairo kaya sinapak din siya ni Ririe.
Natuwa naman ako kay Kairo. Actually, hindi naman talaga kami ganun kaclose sa isa't isa. Totoo nga lang ay noong isang araw lang kami nakapag-usap sa facebook dahil nag-friend request siya sa akin. Bagay din siya sa pamiya namin pero mas bagay kapag naging apilyido na ni Ririe ang Villesiá.
Matapos ng kaunting asaran ay humila na kami sa mga couches dito sa library para upuan namin.
"So, bakit po kami napatawag, TeDa?" Tanong ni Kuya Ei noong naka-ayos na kaming lahat.
"Ikakasal na si Ririe." Nakangising pahayag ni TeDa kaya isang nanlilisik na mata lamang ang naisagot ni Ririe sa kaniya.
"Kidding, actually, it is about you, Nikole." Sagot ni TeDa sa amin at lumingon sa direksyon ni Nikole.
"B-bakit po?" She nervously asked.
"We will gonna change your identity, hija. Mas madadalian kaming itago ka kapag tatanggalin na namin ang mga numero sa iyong pangalan." Paliwanag ni TeDa kaya bahagya kaming nagulat.
"Sadya po bang nandito si Kairo? Alam niya po ba?" Tanong ni Ririe at lumingon kay Kairo.
"Hmm, yes Ririe. I informed him about our situation. Pinagkakatiwalaan ko naman si Kai. Hija Nikole, from Nikole 012420 your name will be transformed to Nikole Grace Villesiá." Dagdag na inpormasyong bigay sa amin ni SaMo.
"Hay nako, Iko at Ririe, ikakasal na pala mga type niyo eh! AHAHAHA! Kawawa naman!" Pang-aasar ni Kuya Ei malay ko pero nakaramdam ako ng bahagyang pagka-inis kaya tinulak ko siya sa sofa. Tingin ko medyo napalakas ng kaunti kasi tumilapon si Kuya Ei doon sa glass window.
"Hala tol, masakit ah! Galit na galit, grabe manakit! AHAHAHAHA!" Natatawang palatak ni Kuya Steph kaya bigla na alng siyang sinapak ni Ririe, magkatabi din kasi sila.
Hindi ko alam, pero natawa silang lahat bigla sa attidude naming dalawa ni Ririe.
ANONG NAKAKATUWA DO'N HA?
"Susko 'tong mga anak ko. AHAHAHA! Hindi sila ikakasal dahil alam namin na baka magwawala lang sila Iko at Ririe. HAHAHA!" Aliw na aliw na banggit ni TeDa sa amin.
"Kairo and Nikole will be stepsiblings in papers." Paliwanag ni SaMo sa amin kaya napatango kami ng paulit-ulit.
"You see, my parents already died already 6 years ago. Kaya po naisip namin na pwedeng dito ipasok si Ate Nikole. Sasabihin na lang po namin na ngayon lang nalaman na may anak pa pala sa labas si Papa, and that would be Ate Nikole." Kairo further explained to us.
"Do you agree with that plan, Nikole?" TeDa queried.
Marahang nag-isip muna si Nikole. I know, she's a wise person kaya hindi siya agad-agad papayag sa mga ganito.
"Isn't this bad? I-I mean, I just think we're fooling too many people in that case." Sagot niya pabalik.
I already knew she would say that as an answer. Pansin ko lang kay Nikole ay ayaw na ayaw niyang nagsinungaling o nanloloko ng tao.
"Hija, pwede din namang magsinungaling kahit minsan lang at isipin din ang kapakanan ng sarili mo. Don't worry, kapag nalaman o naibalik ka na namin sa iyong bansa ay aaminin na din natin ang totoong hindi ka talaga kapatid ni Kairo." Paglilinaw ni SaMo kaya bahagyang nakumbinsi si Nikole kaya tumango ito at tila nakapagdesisyon na ito nang malinaw.
"Sige po. Pumapayag na po ako sa plano ninyo." Nikole cheerfully said with of course, placing her smile on her lips that made her eyes more chinita.
"Kapatid! AHAHAHA!" Nakipag-high five na si Kairo kay Nikole matapos niyang sabihin ito.
"Ang taray, Nikole! Hindi na Nikole-whatever-those-numbers-are ang name mo! Nikole Grace Villesiá na!" Masayang ani Kuya Ei.
"Naunahan mo pa si Ririe na magamit ang apilyido ni Kairo ah! AHAHAHAHAHA!" Sumunod na pang-aasar ni Kuya Steph.
"Pwede din namang maging Villesiá na din ang apilyido ni Your Majesty kung gusto niyo po, Kuya! AHAHAHA!" Sagot ni Kairo kaya napatawa na kami lalo habang ito namang si Ririe ay namumula na.
Nikole Grace Villesiá? Mas bagay pa din kapag ang apilyido kong Tesla ang ginamit niya.
Ay teka, anong sinasabi ko?!
•
END OF CHAPTER
thana mormoraina
2020
BINABASA MO ANG
The Entangled Strings
Science Fiction𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 15 𝐢𝐧 #𝐭𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲 ▂ ▂ ▂▂ ▂▂▂ ▂ Do you believe that we are not alone living here in this universe---or should I say... multiverse? This journ...
XIV | CHANGED IDENTITY
Magsimula sa umpisa
