XIV | CHANGED IDENTITY

Start from the beginning
                                        

Habang nag-iintay kami ay bigla akong kinalabit ni Iza at tumingkayad. Tingin ko ay may ibubulong ito sa akin kaya I helped her by leveling down my height.

Cute size kasi si Iza kaya hanggang balikat ko lang kahit konti lang naman ang agwat namin ng taon.

"Kuya, pwede ba akong magpatulong kay Lid?" Bulong sa akin ni Iza.

Alam kong magaling din si Lid in these stuffs but I really want it to be a secret.

"For now, do your best to solve it, Iza. We really want the situation to be private." Balik kong bulong dito.

"Sana all may secret!" Nakapamulsang banggit ni Lid at nag-iintay na sa amin.

"Share naman!" Dugtong pa nito habang nakangiti at inayos ang salamin niyang medyo tumabingi pa.

Napangiti kami ni Iza sa isa't isa. Umakyat na din ito sa hagdan at biglang tumigil. "Secret is a secret, Lid." Mapang-asar na sabi ni Iza bago tuluyan nang umakyat sa loob ng assigned plane sa kanila. "Come on, Lid! Ikaw na lang ang inaantay!"

"Kuya, thanks for the plane! We really appreciate it!" Lid told me before saying goodbye. I watched their plane to take off first to assure if they're safe bago ako umalis.

Kasabay ko din si aide pabalik. He's busy on checking his phone, siguro kausap girlfriend niya.

Yieee, ang issue ko langya! AHAHAHA!

"Minister? Tycoon Tesla is calling me, he said it is urgent." Pahayag ni aide sa akin kaya bumalik ako sa katotohanan.

Katotohanang hindi ka niya mahal-joke. Last na talaga 'yon.

Kinuha ko ang mamahaling phone ni aide, balita ko ito daw yung limited edition eh.

Taray 'no? Sana all aide!

"Hola TeDa, why did you call? And I heard it was an urgent matter." I curiously asked TeDa at ang tanging nadinig ko lamang ay ang pag-iyak ni Mayi at pilit itong pinapatahimik ni SaMo at ni Ririe.

"Wait-nasa bahay kayo?" Dugtong ko pa dahil medyo naguguluhan na ako.

"Go home Nikola. Now." He ordered me with a little bit serious tone before cutting our call.

Medyo kinakabahan din ako kasi baka may nangyaring masama or whatsoever kaya pinapatawag kami ni TeDa.

"Aide, manage the whole airport for now. Aalis lang ako. Just call me if something bad happens, okay? I'll try my best to be back here." Bilin ko kay aide at wala na akong inaksaya pang oras at pumunta na sa parking lot ng airport namin at pinaharurot na ang kotse ko papunta sa mansion.

Fortunately, hindi traffic sa mga kalyeng dinaanan ko kaya mabilis na akong naka-uwi. Nakita ko ang mga nakabalandrang kotse nila TeDa, SaMo, Ririe at isang hindi pamilyar na kotse sa facade ng mansion namin.

Wala pa yung kambal? Ay, baka hindi kailangan. Ampon lang kasi sila-joke. Ang sama ko! AHAHAHAHA!

"Anong ganap?" Tanong ko kanila Manang Gen na nakapila sa labas ng bahay namin pero nagkibitbalikat lamang ito sa akin bilang sagot.

Lahat ng mga maids and guard-or I must say to be clear, all of our workers here in mansion was currently falling in line base on their categories dito sa labas ng mansion.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni TeDa, but I know it is important. It also frightened me up a little bit. I don't know why.

Pagpasok ko pa lang sa unang welcoming room namin ay nanibago ako sa tahimik na ambiance ng buong paligid. Hindi ko naman alam kung nasaan sila ngayon pero tingin ko ay nasa library sila. Doon kami madalas magkaroon ng private na usapan.

The Entangled StringsWhere stories live. Discover now