"Sabi ko, ang ganda mo ngayon. Wala ka ring kupas." Den just chuckled at her.

"I know right!" Alyssa just smiled at Den. Wala pa rin talaga itong pinagbago.

Still the same person she loved before and still does.

-

I know we'll be alright this time
Darling, just hold my hand
Be my girl, I'll be your man
I see my future in your eyes


Gumagabi na and they're now at their last ride, ang Ferris Wheel. Ito talaga yung huling sinasakyan nila bago sila umuwi.

They're both enjoying the fresh air but they also felt the weird atmosphere amidst of the comfortable silence.

"What will happen after this, Ly?" pagbasag ni Dennise sa katahimikan.

"Continue our lives, of course." She looked at Den at damn, she felt the butterflies.

I guess, wala talagang magbabago. Tuwing kasama kita, I will always feel the same feelings I felt when we're still together.

"Ly..." Den held her hand and Ly just tighten the hold.

"We'll continue our lives, my love. Kung nasaan ka at nasaan ako kahapon ay babalikan natin kinabukasan."

"What do you mean?"

"We'll be back as friends. Babalik ka kay L.A at ako? I'll be back sa work. Day off ko kasi today eh!" Nakuha pang magjoke ni Alyssa kahit nararamdaman nya na yung sakit ng reyalidad.

Alam nya, ngayong araw lang na sila ulit. Ngayong araw lang na sakanya ulit si Dennise, ngayong araw lang may karapatan siyang tawaging sakanya ang babaeng mahal niya, ngayong araw lang niya malaya na malayang iparamdam ang pagmamahal nya para kay Dennise.

Dahil bukas, wala na ulit sila. Hindi na sakaniya si Dennise. Wala na syang karapatan sa babaeng mahal nya at hindi na sya malayang iparamdam ang pagmamahal nya para kay Dennise.

Masakit para kay Alyssa ang lahat. Kahit mutual decision ang breakup nila ay araw araw at gabi gabi nitong pinagsisihan na pumayag sya sa paghihiwalay nila. Alam nilang mahal pa nila ang isa't isa ngunit tingin din nila ay hindi nila panahon ngayon.

Ganoon din si Dennise. Para sakanya, napaka walang kwenta ng rason kung bakit silang naghiwalay— alam nyo yung sa tagal ng relasyon nyo ay parang nagsasawa na kayo sa isa't isa? Ayan ang rason at masyado silang tanga para pakawalan ang isa't isa dahil lamang sa problemang kaya naman nilang lutasin ngunit siguro wala sila sa tamang pag iisip noon kaya eto sila ngayon.

Parehas na nalulumbay at nagsisisi.


-

Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song


"Ly, mahal kita. Alam mo yan." Hinilig ni Den ang ulo nya sa balikat ni Alyssa at niyakap ang bewang nito. Gumanti naman ang isa at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap.

"Mahal din kita. Sobra, Den. Sobra."

Naramdaman ni Alyssa ang luha sa kanyang pisngi. Hindi nagtagal ay napansin niyang parang umiiyak din si Den kaya iniangat niya ang ulo nito at pinunansan ang mga luhang walang tigil sa pagbuhos galing sa mapupungay na mata ng babaeng mahal nya.

"Bakit naman umiiyak ang mahal ko? at bakit parang ang ganda ganda parin niya kahit parang uhuging bata na." That brought a smile to Den's face at lalong niyakap ng mahigpit si Alyssa.

WHO'S AD? Where stories live. Discover now