protect me! #5

1.4K 27 8
                                    

Alyssa.

Mixed emotions.

Yan ang nararamdaman ko ngayon.

I can't explain what I'm feeling right now.

Happy? Sad? Scared?

Yeah I'm scared.

Natatakot ako sa mga mangyayari pagkatapos nito. Natatakot akong maulit ang nangyari noong nakaraan.

Ayoko ng maramdaman yung naramdaman ko dati.

Ayaw kong maging masaya. Dahil ang pagiging masaya ay may kakambal na sakit.

Noong ako ay nasa elementary pa lamang, hindi ko maitatangi na may talino talaga ako. I always excel in all subject, nananalo ako sa mga quiz bee na sinasalihan ng school ko before, laman ako ng bulletin board ng school, laging nasa tarpaulin sa school, laging may medalya na naiuuwi kaya hindi rin maiiwasan ang may mainggit, mamangha.

Wala akong naging tunay na kaibigan sa elementarya noon hanggang sa nagtransfer si Ella sa school. Nung una ay natatakot pa akong makipag usap sa kanya dahil ang iniisip ko ay baka kagaya lamang sya ng iba na ang talino ko lamang ang habol pero nag bago ito noong nadatnan nya akong naglalakad lamang ng mag isa pauwi habang umuulan.

Tanda ko pa na nakakotse sya at pauwi narin pero mas pinili nyang sumabay sakin at pinauna na ang kanyang sundo.

Wala kaming payong na dala, pareho kaming basa ng ulan.

Masaya ako dahil naisip ko na baka hindi naman ganon talaga si Ella. Dahil she wouldn't do this things if she's fake.

Hindi nya iririsk yung health nya, alam ko kasi na pagtapos nito eh magkakasakit kaming dalawa.

Nagusap kami habang pauwi at napag alaman kong kapitbahay lang namin sya, sila pala yung bagong lipat sa tapat namin.

And forever akong magiging thankful kay God dahil binigyan nya ako ng kaibigan na parang kapatid kona. I will always be grateful.

Isang araw noong elementarya ako, habang nagaantay ako ng sundo ay may bigla na lamang akong naramdaman sa tagiliran ko na patalim. Kutsilyo.

Tanda kopa ang sinabi nito saakin.

"Alam mo? Epal ka eh, ako na dapat ang top 1 kaso epal ka. Akala mo kung sinong magaling, lampa rin naman. Hindi ka magaling, matalino, marunong. Bobo ka, tandaan mo yan. Mamili ka, lilipat ka ng school o ibabaon ko 'to sayo?"

Sobra sobra ang takot na naramdaman ko, hindi ko inaakalang aabot sa ganito ang inggit nila sakin.

Isa sya sa malaki ang galit sakin, ito ay si Myco Antonio.

Buti na lamang ay dumating na ang sundo ko at naabutan nya kami sa ganon na sitwasyon, agad na nilabanan ng driver namin si Myco, hindi na nakapalag si Myco dahil paslit lang din naman sya katulad ko, wala syang laban.

Nagsumbong ang driver namin sa tatay ko at binigyan ng isang buwang suspension si Myco.

Siniguro rin ng tatay ko na wala ng mangyayaring ganoon pa kaya 24/7 ay may bantay ako kahit na nasa loob pa ako ng klase.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay nag iba ang mundo ko.

Lalo akong naging mailap sa lahat, hindi ako nakikipag usap kani-kanino, maliban sa family ko, teachers and kay Ella.

Nalaman din ni Ella ang nangyari at nagalit din sya kay Myco.

Nagsabi ako sa principal na itago na lamang ang pangalan ko sa lahat. Panatilihin na lamang na blangko ang line ng Top1 kung ako ang nilalaman nito.

WHO'S AD? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon