wrong

1.3K 27 7
                                    

'' In which Dennise taken the wrong phone ''

———————————————

Alam mo yung feeling na late ka na pero kailangan mo parin maligo dahil ayaw mong mangamoy. Alam mo yung feeling na late kana pero kailangan mo paring kumain ng agahan dahil magagalit ang nanay mo. Alam yung feeling na titiisin mo yung siksikan sa bus dahil late kana. Wala ka ng choice.

Wala na akong pakealam kung mukha na akong baliw, hindi ko pa nasusuklayan ang basa ko pang buhok. Halo halong amoy ang nasa loob ng bus, hindi kasi air conditioned.

Sobrang malas mo lang naman talaga ngayong araw, Dennise.

Kasalanan 'to ng Netflix at wifi namin sa bahay! Inaakit ako!

Naputol ang pagsusuklay ko sa mahaba at maganda kong buhok ng biglang prumeno yung driver ng bus, dahilan para mabitawan yung maarte kong Iphone sa kamay ko.

Napa-tangina nalang ako at agad-agad pinulot yung maarte kong cellphone.

"Manong para po!" Bwiset ka, manong.

Naglalakad na ako papuntang room namin, mas okay parin na pumasok ng late. Better late than never.

"Wow, Miss Lazaro, you're early." bati sa akin ng prof ko.

Isa din 'tong bwisit eh, naging professor pa 'to, halata namang late na. Sobrang sarcastic po.

Dire-diretso na lamang ako sa upuan ko sa pinakadulo. Agad agad naman akong siniko ng bestfriend ko. "Napaka-aga mo besh, ah?" Inirapan ko nalang ito at pinabayaan.

Hindi naman nagtagal, natapos na yung time ni Mr. Batungbakal. Lakas maka-manly no? Pero ang totoo, bakla 'yan.

Naramdaman ko naman na may nagvibrate sa bulsa ko, agad-agad ko itong kinuha at tinignan. Pagkabukas ko palang ay tumambad na sa akin ang mukha ni Piolo Pascual na wala pang damit.

Holyshit.

"Besh!" Pagtawag ko ng atensyon ni Ella na nakikipagdaldalan sa katabi nya.

"Ano na naman 'yon ha?"

"Besh! Namali ata ako ng kuha ng cellphone!! Nabitawan ko kasi yung cellphone ko kanina sa bus, ohmygod. Sino naman kaya nakakuha nun?" Taranta kong tanong habang in- examine yung cellphone

Pareho lang sya sa akin. Kaya pala inakala ko na akin 'yun.

"Tignan mo nalang kung sino yung may-ari jan. Malay mo dba?" Suggestion ni Ella.

Oo nga no? Bakit hindi ko naisip? Agad-agad kong pinindot yung Gallery at ini-scroll ko. Wala naman akong makita na selfie pero isa lang ang sigurado ako. Taga-dito lang din sya school na pinapasukan ko.

May mga kuha sya ng mga places dito, pati sa gym. She must be an athlete. And 'she' because mahahalata mo naman yung kamay, legs na pinipicturan nya. Wala nga lang mukha.

Ngayon lang ako naka-encounter ng babae na hindi manlang nagse-selfie. Pagkatapos non, tinignan ko na yung message kanina. I need to invade her privacy, kailangan ko makuha ang cellphone ko. Marami pa naman akong kahihiyan na andoon. Hindi scandal no? Basta.

Hi, kung sino man yung nakakuha ng cellphone ko, probably binabasa mo na 'to. If you have a heart to return it to the rightful owner, please meet me at *school name* rooftop at 3pm today. Or just suggest any place to meet. Pakibalik sakin pls.

Sent. 10:45 am.

I am right, taga dito lang din sya!

"Besh, sasama kaba samin ni Bea, mag ma-mall kami pagkatapos ng class later ng 3pm" Oh shoot. Nagsabay pa.

"I can't besh. May gagawin ako. Next time nalang"

"Sure." Ella.

Natapos naman lahat ng class ko today, pumunta muna ako ng C.R para mag-ayos. Baka akalain nyang mukha talaga akong magnanakaw eh.

Tumakbo ako papuntang rooftop at binuksan ang nangangalawang na pinto.

Naabutan ko ang pigura ng babae na nakatalikod sakin, naramdaman nyang may ibang pang presensya bukod sa kanya.

"Hi" we both said in unison.

"You first" natawa na lamang kami.

"Ako nalang muna mauna. Ikaw ba yung nakahanap ng cellphone ko?" She asked

"Oo, ako nga. Eto oh." At inabot sa kanya yung cellphone nya, kinuha nya naman ito ay nagpakilala sakin.

"Ako nga pala si Alyssa Valdez, isn't it amazing?" And offered her hand.

"I am Dennise Lazaro. Yeah, it is." I shook her hand.

"Thank you nga pala sa pag sauli. Gift kasi sakin 'to ng nanay ko." Ngumiti sya sakin. Lumabas naman ang mga cute na biloy nya sa pisngi.

"Hindi okay lang." Ngumiti narin ako pabalik at pinakita ang nagmamaganda kong braces.

She rummaged through her sports bag at inabot sakin ang isa sa mga pinakamahalagang bagay sa buhay ko.

"Sayo yan dba?" Kinuha ko naman ito at in-examine. Cellphone ko!

Lumapit naman ako sakanya at yinakap sya. "Thank you! Thank you!" Kumalas naman ako at biglang nahiya. I mouthed sorry after that. Tinawanan na lamang nya ako at hinampas si Alyssa sa braso.

"May training ka?" Tanong ko sa kanya.
"Oo—" at tinginan nya ang oras. "— it's almost time. Tara." Inaya nya ako na bumaba na. Sya na ang nagbukas ng pinto habang ako tinetext sila Ella na susunod ako sakanila.

"Den, I think we have a problem. Ayaw bumukas ng pinto" Alyssa.

Triny ko na buksan ito but no avail. Wala namang problema kung ma-stuck up ako dito since wala naman akong gagawin after nito. Ang problema ay si Alyssa.

"Paano ka, Alyssa?" I asked her.

"Hayaan mo na 'yon. Magpapahinga nalang ako dito. Tara." At inaya ako na umupo sa sahig.

"Hindi ba magagalit coach mo?"

"Magagalit pero hayaan mo na. Minsan lang din ako mag-miss ng training eh." She smiled at me after that.

Ang ganda talaga ng babaeng 'to. I can't help but to stare at her.

"Hoy!! Nabighani ka na naman sa kagandahan ko." Habang may pang-aasar na ngiti.

"Kapal mo." At hinampas sya ulit sa braso.

"Aray! Sumali kaya sa team namin!" Habang hinihimas yung part na nahampas ko.

"Pag iisapan ko. HAHAHAHAH."

The silence engulfed us.

Fini-feel lang namin yung hangin, sobrang sarap sa pakiramdam. Nawawala yung mga pagod ko, stress at kung ano-ano pa.

"Sana maulit pa 'to, ang sarap sa pakiramdam." I stated.

"Lagi akong nandito, dito ako nagpapahinga lagi. Masarap talaga dito mag stay" Alyssa confessed.

"Let's do this more often."


————— END ——————

Hola, another lame shot. I'm so proud of myself. I manage to update twice in a day. Yuhooooo! Mas okay pala kapag ganito yung ayos ng pagsusulat ko. Part 2? Chos.

._.

WHO'S AD? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon