protect me! #1

1.7K 30 2
                                    

"But Ma'am!-"

Napatalon naman ako sa gulat dahil yun agad ang sasalubong sakin, pagpasok sa Principal's office.

"No buts! Ms. Lazaro. Go back to your classroom and wait for you teacher, I need to talk to Ms. Valdez because I have something to discuss."

Hindi na sya umangal pa at lumabas na ng Office pero bago pa 'yon.

Hindi makakaligtas sa aking pandinig ang salitang binitawan nya. Loser.

Napangisi na lamang ako dahil doon.

"Same issues?" Tanong ko sa aming principal.

Close ko ang principal namin dahil isa kami sa mga namamahala ng school pero marami ang hindi nakaka aalam.
Why would we bother to tell it to others?

It's better if samin samin nalang.

"Yes! Gustong gusto nya talagang malaman kung bakit blanko yung Top 1 ng Section nyo."

"Hayaan natin silang manghula kung sino 'yon." Napangiti ako ng nakakaloko dahil doon.

"Love na love mo talaga silang paglaruan no?"

"Nope, Ansarap kasing tignan yung mga curious faces nila. Love na love nila akong maliitin. Let's see after this school year ends."

"Aba buti naman at naisipan mo narin yan, Baldo. Dahil umiinit na ulo ko, kaka explain sa mga estudyante."

"Onting tiis pa, Ate. Gotta go." Yep, I call her Ate, pag kami-kami lang. It's not only bcos isa kami sa mga namamahala dito sa school, Isa rin sya sa mga kaibigan ng kapatid ko. Too young to handle a school ryt?

Lumabas na ako ng principal's office dahil may klase pako.

Wala ng masyadong tao sa hallway dahil meron din silang klase. Dahil narin na highschool palang kami at prohibited talaga dito sa school na, pakalat kalat ka during classes.

Public school lang 'to. So open sa lahat. But we have our own uniform. Mukha lang syang private. Dahil sa facilities, uniforms, ayos ng school especially ang cafeteria.

May cafeteria na para sa teachers etc. Basta nagtratrabaho sa school. Separated ang cafeteria ng freshmen and sophomores. And ng juniors at grade 10.

Then syempre it's not free, hindi sya usually yung bibili ka then bayad talaga dun sa nagtitinda. Instead, pag papasok ka, kailangan mong magbayad atleast a hundred peso and up. Pwede ka ng kumuha ng pagkain mo it's depends kung magkano ang bayad mo or kung anong pinili mo sa Menu. Well, Technology nowadays.

Tama na ang pagyayabang. Mag aral nalang tayo.

Nakarating nako sa Classroom ko, syempre as usual. Hindi buo ang araw ko na hindi ako pinagtritripan ng grupo nila L.A.

L.A Revilla, basketball player ng school. He's not even that magaling. Bench player nga lang sya eh. Pinasok lang sya team because of money.

"Oh ayan na pala ang mahal nating Loser eh! HAHAHHAAAA!" At nagtawanan sila, lahat ng nasa estudyante sa classroom.

Pinili ko nalang na 'wag magbigay ng reaksyon, ano bang pake ko sakanila.

Agad naman kaming napatayo dahil dumating na ang Math Teacher namin, which is adviser namin talaga.

"Good afternoon class. Homeroom natin ngayon, so mag chi-chill lang tayo. Please close the doors, dahil alam kong mag iingay tayo."

Sobrang saya ng ibang kaklase ko. Yung iba lumipat ng upuan dahil shuffle ang seating arrangment, pumunta sila sa mga kaibigan nila. Pati si Sir eh, nakipag kwentuhan narin.

WHO'S AD? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon