"Swerte din ni sir e, kasi nakikita ko na mabuti kang tao. Tinulungan mo nga siya noon kahit na di mo siya kilala e." nakangiti din niyang sabi.

Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan at pag-aasikaso sa mga bulaklak nang bigla akong ipatawag ni Juaquin.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, nagpawis din ng malamig ang mga palad ko. Kay tagal ko itong hinintay pero parang naduduwag na ako.

"Sa study room ng señoriti siya naghihintay, sumunod ka sa akin anak upang makapag-usap na kayo." nakangiti man si manang Dolores ay may nababanaag akong lungkot sa kanya.

Lalo tuloy akong kinabahan. "Sige po manang." tanging nasabi ko lang saka na kami umalis patungo sa study roon ni Juaquin.





Nang makarating kami ay tumigil si manang sa tapat ng pintuan, hinarap niya ako.

"Anak, kung sakaling hindi maganda ang maging pag-uusap niyo sana ay maging malawak ang pag-iisip mo para kay señorito Juaquin." saad nito sa akin.

"O-opo manang." tanging nasagot ko dahil sa kaba.

Napasiklot ako ng marinig ang pag bukas ng pintuan, pinatuloy na akonni manang sa loob.

Pagkasara ng pintuan ay napabaling agad ang paningin ko sa paligid, black and gray yan ang motif ng study room niya, sobrang lungkot ng ambiance sa lugar na ito.

"What are you waiting, an invitation?" biglang saad nito.

Napatingin tuloy ako kung nasaan siya, wala naman siya sa upuan niya, lumikot ang mata ko hanggang sa nakita kong nakatayo siya sa may bintana, may hawak ma baso na may lamang alak.

"S-saan b-ba ako dapat maupo?" hindi ko mapigilang mabulol sa pagsasalita.

Napailing siya saka naglakad patungo sa kanyang lamesa, umupo siya sa swivel chair niya saka iminwestra ang upuan sa harap ng mesa.

Habang palapit ako ay napansin ko ang checke na nakapatong sa mesa, mukhag ooferan na naman niya ako ng pera.

Kaya ng makaupo ay agad akong nagsalita.  "Hindi ko kailangan ng pera, inuulit ko sa iyo." napailing ako.

"Look lady, I want this to be fast, I am offering you a big amount of money, blank check. Ikaw ang magsusulat kung magkano ang gusto mo." malamig niyang saad.

Masakit iyon sa puso at sa pride na din, hindi naman ako mukhang pera!

"Juaquin, may pera ako. Ok hindi ninyo ako kasing yaman, pero kuntento ako sa kung anong laman ng bank account ko." tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya.

"Really? Kontento ka? Bakit ka nandito?" sunod-sunod na tanong niya.

"Dahil gusto kita makita, gusto kong maalala mo kung ano tayo, kung anong meron tayo." medyo nanghihina kong sabi.

"What if I'll tell you now that I am not interested in our past?" malamig pa sa yelo ang titig niya sa akin.

Nalaglag ang panga ko, naiiyak na ako pero pinigilan ko, kailangan ko ipaglaban ito.

"Hindi mo ba nararamdaman sa puso mo na may puwang ako diyan? Siguro naman kung nakalimutan ako ng isipa mo baka ang puso mo maalala ang nararamdaman mo para sa akin noon?" matapang kong saad.

"I don't believe in that shit! Utak ang nagdidikta sa lahat, walang kakayahan ang puso kung hindi manggagaling sa utak ang command. So to make it simple, my heart won't beat for you if I don't remember you."

Hindi ako nakasagot sa tinuran niya, tama nga naman siya, utak parin ng tao ang nagdidikta hindi ang puso.

"If my brain forgets you it only means that you are not important to me, diba kung totoong minahal at importante ka sa akin sana sa loob ng ilang taon naalala na kita. Pero hindi at sinabi na ng doktor ko na maliit nalang ang chance na maalala ko pa ang nangyari, so please  don't make it hard for the both of us, take the check and leave."

Habang nagsasalita siya ay tinititigan ko siya, wala nga ni kaunting bakas ni Nico sa kanya, si Nico ay palangiti, mahiyain at mabait.

Pero si Juaquin? Arogante at wala yatang puso.

Naramdaman kong nabasa ang pisngi ko, mabilis ko iyong pinunasan, ayaw kong isipin nya na nagpapa-awa ako.

Hindi ko na sana itutuloy ito dahil wala na akong nakikitang dahilan pa, wala na si Nico at hindi na niya siguro ako matatandaan pa. Pero biglang sumagi sa isipan ko ang aking munting anghel, kailangan kong lumaban para magkaroon siya ng buo at masayang pamilya.

"Paano kung hindi pera ang hingin kong kabayaran sa pagtulong ko sa iyo noon?" may naisip na akong paraan.

"Kabayaran pero hindi pera?" napakunot ang noo niya.

"Oo, malaki ang utang mo sa akin, Juaquin Montereal pero hindi mo mababayaran ng pera iyon." ngumiti ako.

"Sige para matapos na ano iyon?" halatang iritado na siya at ayaw ng paliguy-ligoy pa.

"Gusto kong magsama tayo sa iisang bubong! Bigyan mo ako ng isang buwan para makasama ka." diretsahan kong saad.

Kulang nalang ay mapanganga siya sa sinabi ko, kalaunan ay napahilot siya sa kanyang sentido.

Ipinapanalangin ko na sana ay pumayag siya, yun nalang ang natitira kong naisip para magbakasakali na matandaan niya ako, o di kaya naman ay paiibigin ko nalang siya sa akin.

Alam ko hindi man matandaan ng isip niya kung magkasama kami katulad ng dati ay tumibok muli ang puso niya para sa akin.

"You are brave enough to challenge me." ngumisi siya. Ngisi na nagdala sa akin ng kilabot, na para bang delikado ang naisip ko.

"Yun nalang ang ibigay mo sa akin, kung sa loob ng isang buwan ay di mo parin ako maalala o di mo ako magawang mahalin, aalis ako ng tahimik at di na kita guguluhin pa." hamon ko parin.

"Smart ass, Sige pagbibigyan kita isang buwan magsasama tayo, pero hindi ko ipapangako sa iyo na magiging mabait ako sa iyo at huwag mo asahan na basta nalang kita matatandaan, ilang taon na pero ni pangalan mo hindi sumagi sa isip ko." saad niya.

Wala na ako masyado naging pakealam samga sinabi niya pa ang importante kasi sa akin ay pumayag siya sa isang buwan na hinihingi ko.

"You can leave now, ipapatawag kita ulit lilipat sa condo, hindi tayo dito magbabahay-bahayan." utos niya.

"Sige, kailangan ko din naman umuwi muna sa amin, may importante din akong gagawin, babalik ako sa makalawa dapat ay handa kana." saad ko, hindi na ako magpapatalo sa matatapang niyang salita.

"I'm going to have a rule, malalaman mo iyon pagbalik mo dito. At ikaw ang maghanda, hindi mo alam ano ang pinasok mo." nakangisi niyang saad.

"Papasukin ko lahat ma-alala at mahalin mo lang ulit ako Nico." malungkot kong sabi habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya, nagsukatan kami ng tingin pero sa huli ako parin ang una nagbaba ng tingin.

"Sige mauuna na ako." paalam ko saka na ako tumayo at tuloy-tuloy na umalis sa study room niya.

Just A Little Bit Of Your LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz