30

10.6K 198 24
                                    

Nagmamadali kong tinahak ang building namin. Napadaing ako dahil kaunting oras na lang ang meron ako. Late kasi akong nagising at hindi ako ginising ng magaling kong asawa at nauna na siya sa akin.

"Excuse po. Excuse po." sabi ko habang tumatakbo at iniiwasan ang mga taong dumadaan.

"Late na naman?" saad ng guard at napangiti lang ako bago ko tinap ang ID ko.

"Ano pa bang bago, Kuya?" humalakhak ako at tinahak na ang elevator. Pinindot ko ang floor ng classroom namin at taimtim na nagdarasal na sana ay hindi ako late.

"Mrs. Montenegro, you are late again." sambit ng prof ko at ngumiti lang ako sa kanya. "Take your seat. Pasalamat ka at pasahan lang ng requirements ngayon kaya hindi kita sisitahin."

"Bakit ka na naman late?" tanong ni Irish ng makaupo na ako sa upuan ko.

"Late ng gising."

"Nadiligan ka na naman ano?" she teases at pinamulahan naman ako ng mag-flashback sa akin ang nangyari kagabi. "Anlandi mo." komento nito.

"Shh. Makinig na tayo."

Maagang natapos ang klase ngayong araw dahil ngayon ang bac​ca​lau​re​ate mass. I can't believe that we're actually graduating na parang kailan lang ng pumasok ako sa college ng hindi gusto ang course na kinuha ko. Akala ko hindi ko maeenjoy ito ng tuluyan pero guess what, malapit ng matapos ang pinapatayo kong pastry shop. Tinulungan ako ni Salem mag-come up ng idea kung anong pwedeng pagkakitaan ko. He didn't want it in the first place but I convince him so nag-invest siya sa pastry shop ko.

Sabay kaming bumaba ni Irish habang nagdadaldal siya ng kung ano ano. Irish is okay now, I guess. Lilipad siya patungong Canada after ng graduation to take care of her Mom na nagpapagaling doon. She will also put up a business pero hindi niya pa alam kung ano iyon.

Brielle is also graduating this year. Tanggap na siya bilang flight stewardess ng Philippine Airlines at hinihintay niya na lang ang diploma niya bago siya makalipad and achieve her dreams. Si Carson naman ay gagraduate na din bilang Accountant. Mag-aapply siya sa Finance Department ng Montenegro Corp. after ng boards. All of us seems to have a life plan ahead pero we all know it's just the beginning.

"Hoy, nakikinig ka ba?" bulyaw niya at tumawa lang ako. She glared at me. "Kainis naman to. Ang dami kong kuda dito wala ka man lang napick up? Oh, asawa mo nandiyan na." sambit niya at napangiti naman ako. Lumapit ako sa kanya at inunahan ng kunti si Irish maglakad.

"Stop smiling. It makes me fall even more." he said then kisses my cheeks. I blushed ng makita kong marami ang nakatingin samin. I hug him and he chuckled at my gesture.

"Mga tsong, bawal PDA. Hindi porket gagraduate na kayong dalawa ah. Umayos ka, Sav." bitter na saad ni Irish.

"Ako talaga?" she nodded at binelatan ko siya. Natawa naman siya sa childish acts ko.

"Tara na?" yaya ni Salem sa amin atsaka ako inakbayan. Sabay sabay kaming pumunta sa field para sa bacc mass ngayong araw. Maghihiwalay din kami mamaya kasi kailangan by department kami uupo.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Salem ng araw na iyon ay umayos na ng tuluyan ang relasyon naming dalawa. He did court me. Mga ilang linggo ang nakalipas hindi ko na nakayanan ang pagpapakipot at sinagot ko na siya. He's my boyfriend now kahit na asawa ko siya. He told me to disregard about that fact and label our relationship as a not married couple.

Maraming nangyari sa aming dalawa ni Salem. I never expected to be his wife. Dati pinapangarap ko lang ang mapansin niya at makilala man lang niya. Hindi ko alam na ijojoke time pala ako ng tadhana at gagawin niya akong asawa ni Salem. Ang relasyon namin ay isang malaking kaso ng bad timing. Pareho naming hindi gusto ang maikasal sa taong hindi namin kilala talaga. I guess, malakas lang talaga ang kapit ko sa tadhana at heto ako ngayon akbay ng taong pinangarap ko lang noon.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now