24

8.3K 164 16
                                    

Hanggang ngayon ay nandon parin si Salem at nakikipagusap kay Imee. It's been five minutes simula ng mag-usap sila. I know I shouldn't jump into conclusions hanggang hindi pa nagsasabi si Salem. Maybe Imee has a problem that concerns Salem kaya ang tagal nilang nag-uusap. It's my turn to drink kaya ininom ko na ang tequila shots na para sa akin. Nakakailang shots na ako kaya medyo nararamdaman ko na ang pagkahilo.

Nakisama ang mga pinsan ni Salem sa amin kasi malapit ang table nila sa amin. They cheered for someone and I turn to look at what they are cheering.

"Nice of you to join us, pinsan." saad ni Ajeer at umupo si Salem sa tabi ko. I look at him longer than usual kaya napalingon siya sa akin.

"What?" he asks and I shook my head. I was about to receive my turn ng kunin niya ang shots sa kamay ko at ininom niya ito.

"Party pooper." bulyaw ko at sinamaan niya naman ako ng tingin.

"You shouldn't be drinking too much. Please, stop." pakiusap niya sa tenga ko. He was so close to me that I can feel his breath fanning over my neck.

"Stop din. Hindi nga kita pinigilang kausapin yung ex mo." sabi ko. Probably dahil may tama na ako kaya things that should've left unsaid have been said.

"Huwag niyo ng bigyan to." sabi ni Salem sa mga pinsan niya at napairap naman ako.

"Party pooper."

"Inumin mo to." he handed me a bottle of water at ininom ko na lang iyon. I sighed and closed my eyes. I leaned closer to him at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Johan, please bring Savannah home." narinig kong utos niya. Napadilat ako at tiningnan siya.

"I have something to do pa." He kisses my forehead and Johan went beside me para alalayan ako.

"Bakit? Saan ka pupunta?" I asks him and he look at me. I know he wants to tell me pero parang may pumipigil sa kanya.

"You'll know soon. Sasabihin ko rin sayo. Not right now." sabi niya at kumunot naman ang noo. What is happening? Inalalayan na ako ni Johan at sabay kaming lumabas ng bar.

"May alam ka ba don, Johan?" tanong ko. Nahimasmasan ako sa pagpapauwi niya sa akin. Ang masaklap pa ay sa iba pa. Pwede namang umuwi na lang kami pareho.

"Wala akong alam, Sav. Let's get you home." he said and my curiosity thickens. Bakit kailangan itago sa akin ang gusto niyang itago? Asawa naman niya ako eh. Married couple don't lie to each other. Atleast, that's what I know. Open communication is the key for long lasting relationship. "Don't think about it too much, okay?"

Nakita kong may babaeng nakaupo sa front seat niya. I squinted my eyes to have a better look at who is it.

"Carson?" I asks him ng mamukhaan ko na ang babae.

"Gusto narin umuwi eh. Kinuha ko lang yung gamit niya ng ipauwi din ikaw sa akin ni Salem." I nodded and with his help I went in his backseat.

"Are you okay, Car?" I asks the girl who looks like any minute from now ay magbebreak down.

"I'm okay. Lasing lang." she said and I know that she is lying kasi hindi ko naman siya nakitang uminom. Why do people lie when they are too obvious?

"Uunahin ko muna ikaw, Sav. Tapos si Carson." he told me and I nodded. I closed my eyes and sighed. I don't want to think but my mind is betraying me. I don't want to doubt him pero iyon kasi yung ayaw ko sa isang tao eh and my friends clearly knows it. Ayoko sa taong nagsisinungaling na nahuhuli ko. You can lie to me pero make sure na hindi ko alam na nagsisinungaling ka.

Number one causes of broken relationship is lying. So that's why I hate it.

"Nakainom ka ba?" I heard Carson asks. "Hindi. I am completely sober. Magpahinga ka na lang diyan." Johan answered.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now