27

9.1K 166 51
                                    

Awkward.

Yan lang ang masasabi ko sa sitwasyon kung nasaan kami ngayon ni Imee. Tinawagan ko si Kuya at sinabing hindi na muna ako sasabay sa kanya ngayong araw. Tinanong niya ako kung bakit pero nagsinungaling ako para paunlakan ang request ni Imee na mag-usap kami.

After kong magpaalam, pumunta kami sa isang malapit na cafe store sa tabi ng university na pinapasukan namin. Sumula ng pumasok kami dito hanggang sa makaorder kaming dalawa ay hindi parin siya umiimik o nagsasalita. I guess, she is testing the water, just like me.

"Sav, I'm sorry." she sighed at napalingon naman ako sa sinambit niya. "Alam kong mali ang ginawa kong pagpunta sa condo ni Salem pero kasi wala akong matakbuhan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng malaman kong buntis ako."

"I understand, Imee. Kung ako dun siguro baka ganon ang gagawin ko. I'm not going to lash out on you kasi hindi mo naman deserve. The baby is a blessing not a mistake and kung ano man ang napag-usapan niyo ni Salem. I will ubderstand and accept it. If you want me to be out of the picture, then I will be. As long as that child is born and have a father, dun ako." sambit ko. I heard her chuckle.

"You got it all wrong, Sav. I get it. Kaya ako nandito para makausap ka. To clear Salem's name. Ako na ang gagawa non kasi alam kong mali ang ginawa ko pero whatever is in your mind right now is all wrong." she explained and I furrowed my brows at her.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hindi anak ni Salem ang dinadala ko." halos malaglag ang panga ko sa rebelasyon niya. Paanong hindi si Salem eh wala naman akong nakikitang ibang kasama niya?

"Months back siguro kung nangyari ito, baka matuwa pa ako kasi boyfriend ko pa noon si Salem. I see a future with him. Salem is a kind of guy na kapag sinabi niya gagawin niya. Isang salita ang taong yun and whatever comes out of his mouth that will happen and that is the truth. But you happen. I'm not saying na it's a bad thing pero nang pumutok ang balita na engage na kayo, inaamin ko. I despise you. Nagalit ako sayo. Nainis ako sayo. I even want the engagement to not happen. Minsan pa nga naisip ko na lumayo na lang kami ni Salem when the deal between the two of you happen." she started. I just listen to her. Hinayaan ko siyang magsalita.

"Pero hindi ko nagawa. Wonder why?" she trailed. "Because right there nung nag-bakasyon tayo, I saw him looking at you. Kung paano niya ako tingnan noon ay ganoon ka niya tingnan. You maybe saying that all of what I am blabbering about is bullshit pero yun yung nakikita ng tao. I know that somewhere deep inside him, he cares about you. Hindi niya lang maamin na mahal ka na niya." she said and I look down. Like I said, maraming namamatay sa maling akala. Nanatili akong nanahimik. Naramdaman kong pinatong niya ang kamay niya sa akin.

"I'm sorry kasi hindi ako kaagad nakapagpaliwanag. I was about to pero natutuliro rin ang utak ko sa nangyari. I'm sorry kasi inutusan ko si Salem na magsinungaling siya sayo. I begged him not to say to you hangga't hindi pa ako nakakasigurado. Alam kong mali pero kasi ayoko munang lumaki pa. Kaibigan ko si Salem at sa mga kaibigan ko muna pinaalam ang haka-haka ko." sabi niya and I nodded.

"It's okay. Siguro masyado lang akong nagtaka kung bakit bigla bigla siyang naglilihim sa akin. Yung tipong huli ko na siya pero he is still denying it. I'm sorry also for thinking na grabe ka bilang babae. May asawa na yung tao tapos papatusin mo pa. I thought wrong." sabi ko and she smiled at me. She held my hand tightly.

"Please forgive him, Sav. I know that you know that he is miserable without you." she said and I smiled.

"Things are needed to be healed first. I want to heal first bago ko siya kausapin ang maybe this is the first step." she nodded and smiled. Binitawan na niya ang kamay ko at sumipsip sa binili niyang fruit shake.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now