23

8.7K 165 9
                                    

I invited Johan in kasi nakakahiya at initusan talaga siya ni Salem na ihatid ako dito. As a way of thanking him, I opted to cook dinner at pakainin siya dito kaya heto kami ngayon nasa kusina at pinapanood niya akong magluto.

"So, salitan kayo ni Salem magluto? I mean, I know Salem is a good cook. Sa aming magpipinsan siya siguro pinakamaasahan sa pagluluto." he said and I nodded.

"Yes, minsan nag-oorder na lang kami kapag tinatamad na especially kapag weekends madami siyang ginagawa kasi kapag ganon. Sobrang kalat ng bahay kapag weekends kasi masyadong hands on pinsan mo sa deadlines." I said while stirring.

"I am happy for you both." nilingon ko siya sa sinabi niya. Kinunutan ko siya ng noo at bumuntong hininga naman siya. "You bring out the real Salem, Sav. I mean, yes, Imee indeed is his love of his life aside from Kiana pero alam mo sa dami dami ng babaeng nagkandarapa diyan sa snob kung pinsan ikaw lang yung babaeng malayo sa interes niya."

"Alam mo ikaw. Lumayas ka na dito. Manglalait ka pa eh." he chuckles and I rolled my eyes at him.

"Hindi ako nanglalait. I am telling the truth. Tingnan mo you piqued his curiosity kaya ngayon hindi ka na maiwan ng mokong na yon. Iba magmahal yun eh kala mo mamamatay."

"Bad ka. Nambabackstab ka." sabi ko sabay abot sa kanya ng kutsara para patikman sa kanya ang lasa.

"Sana lahat kapag nagmahal yung parang mamamatay na. Yun yung masasabi mo talagang genuine." pinagmasdan ko siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"May lovelife ka na ba?"

"If you can say that as a love life then go on." kumunot ang noo ko sa sinabi niya para siyang depressed na depressed.

"Sino bang babaeng nagpaganyan sayo?" I asks him sabay lagay ng kamay ko sa bewang ko.

"Wala. Isang babaeng hindi ko lang ineexpect na mamahalin ko ng sobra o baka inexpect ko pero wala eh complicated." sabi niya at tumango naman ako.

"Kayo pa?" umiling siya sa tanong ko.

"I really want to move on pero paano kung lagi ko naman siyang nakikita. I know she is happy now pero it still makes me sad. Sabi mo sa akin yung situation niyo bad timing, paano pa ko?" He said at nagulat ako ng punasan niya ang luhang tumulo sa mata niya.

"Bakit ka umiiyak?" gulat na tanong ko. Pinatay ko muna ang apoy sa stove bago siya lapitan at yakapin.

"I never open up to anyone pero syempre sino ba naman ako para hindi mag-open sa kauna-unahang bestfriend ko." sabi niya. Pinipigilan niya ang sarili niyang maluha ng tuluyan.

"Like you said ako ang first ever bestfriend mo, you can let it all out. I'm not going judge you." I reassured him and he hugged me again bago tuluyang umiyak.

Bakit feeling ko sobrang bigat ng pinagdadaanan ng isang to? Sino ba ang babaeng nagpaiyak dito? Napakagaga naman niyang babae. Catch na catch na si Johan. Kung hindi ko lang naging bestfriend to, baka jinowa ko na to eh pero charot lang yun kasi kadiri.

"It hurts so much. Sobrang tanga ko." he chuckled while pulling away from my embrace. He look down and sighed. "Her boyfriend got her pregnant. Pero naging complicated ang sitwasyon nila and I know that this may sound off, pero nag-offer akong akuin yung bata."

"Tangina? Totoo?" I asks and he nodded. "Tanga ka."

"Alam kong babalik yung tatay dahil hindi pa naman sila naghiwalay non. Pero sana man lang binigyan niya ako ng warning o ano." he sniffed and I sighed.

"Sabihin mo nga sa akin naging kayo ba non?" I asked and he shyly shook his head. "Tanga nga."

"Okay, I know I'm a fool pero masisisi mo ba ako? She is the only girl that makes me feel like that. Hindi ko akalain na tatamaan ako ng sobra ni kupido kasi alam ko naman kung anong ugali niya eh. Ikaw nga sa pinsan ko eh. Ano? Akala mo hindi ko alam yung pagdaan daan mo sa engineering side noon?" he said at hinampas ko naman siya.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now